Department of Agriculture - Philippines

Department of Agriculture - Philippines

Share

The Department of Agriculture is the Philippine government's frontline agency on food, agriculture and sustainable rural development. Visit www.da.gov.ph.

05/06/2026

๐‰๐š๐ฉ๐š๐ง ๐š๐ญ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ค ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ง๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ฌ๐š ๐Ÿ๐จ๐จ๐ ๐ฌ๐ž๐œ๐ฎ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐ค๐š๐ฌ๐š๐ฆ๐š ๐š๐ง๐  ๐Ÿ๐ข๐ฌ๐ก๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ

Pinalawak ng Pilipinas at Japan ang kanilang partnership sa agrikultura kasama na ang fisheries, isang hakbang na inaasahang magpapabilis sa paglilipat ng teknolohiya, mapalakas ang seguridad sa pagkain, at suportahan ang modernisasyon ng dalawang sektor na mahalaga sa milyon-milyong kabuhayan.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco "Kiko" Tiu Laurel Jr. na siyang pumirma sa kontrata kasama si Japanese Agriculture Minister Norikazu Suzuki, ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’Š๐’๐’‚๐’๐’‚๐’˜๐’‚๐’Œ ๐’๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’“๐’•๐’๐’†๐’“๐’”๐’‰๐’Š๐’‘๐’” ๐’‚๐’š ๐’”๐’–๐’Ž๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’Š๐’ ๐’”๐’‚ ๐’๐’–๐’Ž๐’‚๐’๐’‚๐’Œ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’Ž๐’‘๐’๐’“๐’•๐’‚๐’๐’”๐’Š๐’š๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’๐’ˆ๐’Š๐’”๐’…๐’‚๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐’”๐’†๐’ˆ๐’–๐’“๐’Š๐’…๐’‚๐’… ๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’Š๐’ ๐’”๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’๐’”๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’๐’Š๐’Œ๐’‰๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’•๐’“๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’‰๐’.



Photos from Department of Agriculture - Western Visayas's post 05/06/2026

Mula sa Department of Agriculture - Western Visayas:
Patuloy na mino-monitor ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng Executive Order (EO) No. 118, series of 2026 na nagtatakda ng P50 kada kilo na price cap para sa 5% broken imported rice. Ngayong araw, nagsagawa ang DA Western Visayas ng inspeksyon sa pamilihan at pakikipagkonsultasyon sa iba't ibang stakeholder sa Iloilo City.

Photos from DA RFO Mimaropa's post 05/06/2026

Mula sa DA RFO Mimaropa:
๐ƒ๐€-๐Œ๐ˆ๐Œ๐€๐‘๐Ž๐๐€ ๐Œ๐š๐ซ๐ค๐ž๐ญ ๐Œ๐š๐ญ๐œ๐ก๐ข๐ง๐ : ๐Ÿ• ๐…๐‚๐€๐ฌ ๐ง๐  ๐Ž๐œ๐œ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ง๐๐จ๐ซ๐จ, ๐๐š๐ข๐ฎ๐ ๐ง๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Ÿ‘๐Ÿ” ๐ง๐š ๐๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ข๐ก๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐จ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ฌ๐š

Sa pamamagitan ng Market Matching Program ng Department of Agriculture MIMAROPA, matagumpay na naiugnay ang 7 Farmers' Cooperatives and Associations (FCAs) ng Occidental Mindoro sa 36 na destinasyong pamilihan sa iba't ibang panig ng bansa. Naiugnay rin ang isang indibidwal na magsasaka sa mga pamilihan sa Laguna, na lalong nagpalawak sa kanilang oportunidad sa merkado.

Sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), sa ilalim ng pamumuno ni Regional Executive Director Atty. Christopher R. Baรฑas, umabot sa 495,920 kilo ng pulang sibuyas ang naipagbili mula Enero 29 hanggang Mayo 29, 2026. Nagbunga ito ng โ‚ฑ20.47 milyong kabuuang benta, na nagpapatunay sa mahalagang papel ng market matching sa pagpapalawak ng access sa merkado at pagpapataas ng kita ng ating mga magsasaka.




See less

05/06/2026

Mula sa KADIWA:
โ€œ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด [๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ] ๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ถ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐—ถ โ€˜๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐—ฟ โ€” ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜€โ€
6/3/2026 - Isinagawa ang isang sa Intercity at Golden City sa Bocaue, Bulacan, upang alamin ang presyo ng mga malalaking rice suppliers na maaaring makaapekto sa presyo ng mga rice retailers sa palengke.


05/06/2026

From BFAR Philippines:
๐Ÿ”ด ๐‹๐ˆ๐•๐„: Join us today, June 5, 2026, for the live broadcast of the ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ƒ๐š๐ฒ ๐€๐ ๐š๐ข๐ง๐ฌ๐ญ ๐ˆ๐”๐” ๐…๐ข๐ฌ๐ก๐ข๐ง๐  ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ž๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง from the RDEC Training Hall, ATI Building, Visayas Avenue, Brgy. Vasra, Quezon City.

Through this real-time broadcast, we uphold transparency and accountability while showing our shared commitment to protecting our fisherfolk and conserving our marine resources.

Photos from KADIWA's post 05/06/2026

Mula sa KADIWA:
๐‰๐ฎ๐ง๐ž ๐Ÿ‘, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” (๐–๐ž๐๐ง๐ž๐ฌ๐๐š๐ฒ) ๐‰๐จ๐ข๐ง๐ญ ๐–๐š๐ซ๐ž๐ก๐จ๐ฎ๐ฌ๐ž ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐œ๐ข๐ญ๐ฒ ๐š๐ญ ๐†๐จ๐ฅ๐๐ž๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐‘๐ข๐œ๐ž๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฅ๐ฌ

Kasunod ng pagbisita sa mga rice retailers sa ilang mga pampublikong palengke sa mga nagdaang araw upang suriin ang presyo ng mga imported na bigas (5% broken), nagtungo ang grupo ng Department of Agriculture (DA) sa Intercity at Golden City Ricemill sa Bocaue, Bulacan, upang alamin naman ang presyo ng mga malalaking rice suppliers na maaaring makaapekto sa presyo ng mga rice retailers sa palengke.

Kasama ang mga kinatawan ng Food Terminal, Inc. (FTI), Bureau of Plant Industry (BPI), at Department of Agriculture Central Luzon, nag-ikot ang grupo sa mga rice mills sa dalawang warehouses upang tukuyin ang karaniwang sanhi ng pagpapataw ng mas mataas na presyo ng mga rice retailers partikular na sa imported na bigas, alinsunod pa rin sa kasalukuyang implementasyon ng price cap na P50/kilo para sa imported na bigas (broken 5%), sa bisa ng Executive Order No. 118.

Sa naturang inspeksyon, nakitaan ng bahagyang pagtaas sa mga imported na bigas sa mga rice mills mula sa dating presyo na P1,000-P1,050 kada 25kg na sako, na ngayon ay naglalaro sa P1,100-P1,120, bunsod pa rin ng krisis sa Middle East na nakaapekto sa mga bilihin sa merkado, kabilang na ang bigas.
Isasama sa status report ng Mandatory Price Cap ang mga naging obserbasyon sa mga rice mill at magiging batayan ng mga irerekomendang hakbang kung ititigil o palalawigin pa ang Price Cap.





04/06/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan, suportahan ang Kagawaran ng Agrikultura (DA) at makiisa sa Kalayaan Government Programs and Services (Kalayaan GPS) sa darating na Hunyo 6 at 7, 2026, mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Ang booths ng DA ay makikita sa kahabaan ng Dancing Fountain Area, Liwasang Rizal Park, Manila.

Abangan ang labindalawang (12) DA booths na nag-aalok ng iba't ibang programa, serbisyo, at produktong pang-agrikultura para sa ating mga magsasaka, mangingisda, at mamamayan.

Handog ng DA ang
๐ŸŒฑ Libreng binhi, punla, at agricultural inputs mula sa Bureau of Plant Industry.
๐Ÿ“š Mga information at educational materials mula sa Agricultural Training Institute.
๐Ÿฅ› Libreng dairy products mula sa National Dairy Authority at Philippine Carabao DA-Philippine Carabao Center.
๐Ÿ›’ Abot-kayang asukal at gatas mula sa Sugar Regulatory Administration at National Dairy Authority.

At siyempre, may KADIWA ng Pangulo, kung saan maaari kayong bumili ng sariwa at de-kalidad na produktong direktang mula sa ating mga magsasaka at mangingisda.

Sama-sama nating ipagdiwang ang kalayaan sa pamamagitan ng pagsuporta sa ating lokal na agrikultura!

Magkita-kita tayo sa Kalayaan GPS!

Photos from Department of Agriculture - Philippines's post 04/06/2026

๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐จ๐ž๐ฌ, ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ฐ๐š๐ฌ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ๐ง๐  ๐“๐จ๐ซ๐จ๐ง๐ญ๐จ, ๐‚๐š๐ง๐š๐๐š; ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ค ๐ง๐  ๐ž๐ฑ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ฆ๐š๐ซ๐ค๐ž๐ญ ๐ฌ๐š ๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐ข ๐๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐œ๐จ๐ฌ

Isinakatuparan ng Pilipinas ang kauna-unahang commercial shipment ng sariwang Carabao mangoes sa Toronto, Canada noong Miyerkules, Hunyo 3. Isa itong mahalagang hakbang sa pagsusulong ng administrasyong Marcos ng mas malawak na export market at pagbawas sa pagdepende ng bansa sa mga tradisyunal na mamimili ng produktong agrikultura.

Nakiisa ang Department of Agriculture (DA) sa send-off ceremony na ginanap sa Philippine Airlines cargo terminal sa Pasay City, na itinuring ng mga opisyal bilang isang "breakthrough" para sa isa sa pinakakilalang prutas na ini-export ng bansa.



Photos from BFAR Philippines's post 04/06/2026

From BFAR Philippines:
๐‹๐Ž๐Ž๐Š | ๐…๐ข๐ฌ๐ก๐‚๐จ๐‘๐ž ๐๐†๐ฌ ๐ฆ๐š๐ค๐ž ๐ฐ๐š๐ฏ๐ž๐ฌ ๐š๐Ÿ๐ญ๐ž๐ซ ๐š ๐ฌ๐ฎ๐œ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ๐Ÿ๐ฎ๐ฅ ๐›๐š๐ง๐ ๐ฎ๐ฌ ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ข๐š๐ฅ ๐ก๐š๐ซ๐ฏ๐ž๐ฌ๐ญ

Two beneficiary groups under FishCoReโ€™s Modern and Resilient Livelihood Investment (MARLIN) SC 2.1 have successfully made a a remarkable stride after a 5-month long culture period of bangus in fish cages, last week, May 28-29, 2026.

With an investment cost of almost 2 million pesos through the FishCoRe Project, the Naatang Fisherfolk Association of Jagna, Bohol scooped 1,927 kilograms of bangus. Meanwhile, the Canhaway Samahang Nayon Fisherfolks Association of Guindulman, Bohol, records a partial production of 1,299.50 kilograms.
These freshly-harvested fish were sold at the locality with a prize range of โ‚ฑ170-200 per kilo yielding a Gross Income of Php 334,535.00 and Php 245,700.00 respectively.

04/06/2026

From Department of Agriculture Central Luzon:


The public is encouraged to report any suspicious activities involving the unauthorized use of the Department's name, logo, documents, or programs to the appropriate authorities to DA RFO III at [email protected]

DA RFO III remains committed to protecting the integrity of its programs and ensuring that all official transactions are conducted through authorized personnel, and established government procedures.

๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ

Binabalaan ang publiko hinggil sa isang indibidwal na nagpapakilalang โ€œ๐—•๐—ผ๐—ป๐—ถ ๐—œ๐—ด๐—ป๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ผ,โ€ na nagpapanggap bilang kinatawan ng ahensiya sa mga transakyong may kaugnayan sa pag-upa ng mga trak para sa paghahatid ng inorganic na pataba mula Pangasinan patungo sa ibaโ€™t ibang munisipalidad sa Nueva Ecija.

Batay sa mga ulat, ang nasabing indibidwal ay nagpapakita ng mga sulat ng awtorisasyon at mga government sticker, at sinasabing kinakailangan ang mga ito para sa akreditasyon ng mga trak, pagbiyahe, at pagbabayad na umanoโ€™y isinasagawa sa pamamagitan ng tseke na inilalabas ng mga lokal na pamahalaan (LGU) matapos ang paghahatid.

Nililinaw ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO 3) na hindi nito pinahihintulutan si โ€œBoni Ignacioโ€ o sinumang indibidwal na kumakatawan sa ahensya, mag-isyu ng mga sulat ng awtorisasyon, mamahagi ng mga government sticker, mag-hire ng mga trak, o pumasok sa anumang kasunduan kaugnay ng paghahakot at pamamahagi ng pataba sa ngalan ng Kagawaran.

Mahigpit na ipinapayo sa publiko na maging maingat at tiyakin ang pagiging lehitimo ng anumang transaksyon, komunikasyon, o dokumentong sinasabing mula sa DA RFO 3. Ang sinumang indibidwal o organisasyong lalapitan para sa ganitong uri ng gawain ay hinihikayat na agad makipag-ugnayan sa Kagawaran sa pamamagitan ng opisyal nitong mga daluyan ng komunikasyon para sa beripikasyon.

Hinihikayat din ang publiko na agad i-report sa DA RFO 3 sa email address na [email protected] ang anumang kahina-hinalang aktibidad kaugnay ng hindi awtorisadong paggamit ng pangalan, logo, mga dokumento, o programa ng Kagawaran.

Patuloy na nananatiling nakatuon ang DA RFO 3 sa pangangalaga sa integridad ng mga programa nito at sa pagtitiyak na ang lahat ng opisyal na transaksyon ay isinasagawa lamang ng mga awtorisadong tauhan at alinsunod sa umiiral na mga proseso ng pamahalaan.


Want your business to be the top-listed Government Service in Diliman?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address

Elliptical Road
Diliman
1100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm