30/08/2026
๐ต๐ญ ๐๐ผ๐๐๐๐๐ผ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ฟ๐ผ๐ | AGOSTO 31 ๐ต๐ญ
Ngayong National Heroes Day, buong pagpapahalaga nating ginugunita at binibigyang-pugay ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, talino, at serbisyo para sa kalayaan at kinabukasan ng ating minamahal na bayan.
Ang kanilang mga sakripisyo ay nagsisilbing paalala na ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita hindi lamang sa malalaking gawain, kundi maging sa tapat na paglilingkod, pagtulong sa kapwa, pagkakaisa, at paggawa ng tama para sa ikabubuti ng nakararami.
Bilang isang pamayanan, nawaโy patuloy nating isabuhay ang tunay na diwa ng kabayanihan at bayanihan ang pagiging handang tumulong, makiisa, at maglingkod nang may malasakit at pananagutan.
Sa araw na ito, sama-sama nating alalahanin at parangalan ang mga bayaning nagbigay ng daan tungo sa ating kalayaan, at ipagpatuloy ang kanilang magandang halimbawa sa ating mga komunidad.
Mula noon hanggang ngayon, ang kabayanihan ay buhay sa bawat Pilipinong nagmamalasakit at naglilingkod.
Mabuhay ang ating mga Bayani!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
Mabuhay ang Pilipinas! ๐ต๐ญโ๐ป