29/10/2026
PAG-ALAALA KAY MA’AM A***N J. DIAZ
Buong lungkot at pangungulila ang nadarama ng pamilya ng Ilaya Barangka Integrated School sa pagpanaw ng ating minamahal na kasamahan, si Ma’am A***n J. Diaz.
Mananatiling buhay sa aming mga puso ang kanyang alaala at ang kanyang dedikasyon sa pagtuturo. Bilang isang g**o sa Filipino, hindi lamang kaalaman ang kanyang ibinahagi sa kanyang mga mag-aaral, kundi pati na rin ang mga aral na nagsisilbing gabay sa kanilang buhay.
Maaaring nagwakas na ang kanyang panahon sa aming piling, ngunit mananatili ang kanyang bakas sa puso ng kanyang mga kasamahan, mag-aaral, at lahat ng nagkaroon ng pagkakataong makilala siya.
Sa kanyang naiwang pamilya at mga mahal sa buhay, taos-puso po kaming nakikiramay at nakikiisa sa inyong pagdadalamhati. Nawa’y pagkalooban kayo ng lakas, at kapayapaan sa gitna ng mabigat na pagsubok na ito.
Paalam, Ma’am A***n. Maraming salamat sa iyong paglilingkod, dedikasyon, at mga alaalang mananatili sa aming puso. Mananatili ka magpakailanman sa pamilya ng mga Ilayans.
Nawa’y matamo mo ang walang hanggang kapayapaan sa piling ng Maykapal.