23/10/2026
HIGHLIGHTS | 76TH INFANTRY (VICTRIX) BATTALION, NAKIISA SA SERBISYO CARAVAN AT LOCALIZED PEACE ENGAGEMENT SA ABRA DE ILOG
MAMBURAO, Occidental Mindoro ā Nakiisa ang 76th Infantry (Victrix) Battalion, Philippine Army, sa isinagawang Localized Peace Engagement and Serbisyo Caravan na pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU), katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Abra de Ilog at ibaāt ibang ahensiya ng pamahalaan.
Isinagawa ang aktibidad sa Sitio Pakil at Sitio Banabaan, Barangay Cabacao; Sitio Kapihan, Barangay San Vicente; at Sitio Latag, Barangay Udalo, Abra de Ilog, upang mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga residente ng malalayong komunidad.
Kabilang sa mga lumahok na ahensiya ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine National Police (PNP), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Information and Communications Technology (DICT), Philippine Coast Guard (PCG), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Health Office (MHO), at iba pang kinauukulang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan.
Bukod sa paghahatid ng mga serbisyong panlipunan, nagsilbi rin ang aktibidad bilang pagkakataon upang mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa mga programa ng pamahalaan at mapalakas ang kanilang kakayahang kumilatis sa mapanlinlang na impormasyon at propaganda na iniuugnay sa Communist Terrorist Groups (CTGs).
Binigyang-diin ng 76IB ang kahalagahan ng whole-of-f-nation approach, kung saan nagtutulungan ang kasundaluhan, mga ahensiya ng pamahalaan, at mga mamamayan upang matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad, palakasin ang tiwala, at isulong ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.
Patuloy na nakikiisa ang 76th Infantry (Victrix) Battalion sa mga inisyatiba ng pamahalaan na naglalayong mailapit ang serbisyo sa mamamayan at mapanatili ang isang mapayapaligtas, at maunlad na komunidad.