02/06/2026
Community Building Art Activity and Boodle Fight para sa ating mga PWD/CWD beneficiaries. 🎨🤍
Isang masaya at makabuluhang pagtitipon na nagbigay ng pagkakataon sa ating mga kalahok na maipakita ang kanilang pagkamalikhain, makipagkaibigan, at mas mapalakas ang samahan sa komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang programang ito. Sama-sama nating itaguyod ang isang inklusibo, masaya, at mapagmalasakit na Barangay Buli para sa lahat. 🤍🇵🇭
01/06/2026
UNANG LUNES NG BUWAN | FLAG CEREMONY 🇵🇭
Isinagawa ngayong araw ang ating regular na Monday Flag Raising Ceremony sa Barangay Buli bilang pagsisimula ng panibagong linggo ng serbisyo publiko.
Kasama ang mga opisyal at kawani ng barangay, muling pinagtibay ang ating panata ng tapat at maayos na paglilingkod sa ating Barangay. Isang tradisyon at bahagi ng ating tungkulin bilang lingkod-bayan. 🇵🇭
Sama-sama para sa mas maayos, mas masigla, at mas maunlad na Bagong Buli!
30/05/2026
Papavaccine, 2 tulog na lang
Ligtas Tigdas na!
Bawat bakuna ay dagdag proteksyon para kay chikiting. Kaya naman ngayong darating na Hunyo, mabibigyan ng dagdag na proteksyon laban sa tigdas at rubella ang mga batang edad 6–59 buwan.
30/05/2026
💦💧MAYNILAD💦💧
Kung may tanong ⁉️❓❔
Mag-message lang sa
Maynilad Virtual Assistant!
Send a personal message to
the official Maynilad page to activate!
Kung may tanong, mag-message lang sa Maynilad Virtual Assistant! Send a personal message to the official Maynilad page to activate!