Allen Fresnedi Ampaya

Allen Fresnedi Ampaya

Share

Liga ng mga Barangay President - Muntinlupa Chapter
Punong Barangay, Barangay Poblacion

01/06/2026

Update lang po, nahuli na po ang kumuha ng battery at narecover na din ang ninakaw sa kanyang napagbentahan.

Kanina sa Brgyhall ay nakikiusap sakin ang nanay at mismong suspect ngunit hindi po ako pumayag na hindi sya masampahan ng kaso.

Hindi sya maaaring ikulong ngayon dahil nung isang araw pa nangyari ang pagnanakaw pero he will have his day in court para mabawasan ang mga salot sa lipunan.

Hindi po natin i-totolerate ang mga ganitong gawain, sisiguraduhin namin na mananagot sila sa Batas.

Maraming salamat po ating masisipag na PNP at sa mga Brgy Tanod ng Poblacion sa mabilis na aksyon.

Maraming salamat din po sa mga mag share ng post at mga nagbigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng suspect.

Photos from PNP Muntinlupa City Police Station's post 01/06/2026

Nakibahagi po tayo sa special meeting para sa Brigada Eskwela 2026–2027 upang matiyak na ligtas, maayos, at handa ang ating mga paaralan sa pagbubukas ng klase.

Bilang Liga ng mga Barangay President, patuloy nating isusulong ang koordinasyon at pagkakaisa ng lahat ng sektor para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Photos from Allen Fresnedi Ampaya's post 01/06/2026

Magnanakaw ng Battery ng Water Tanker ng Brgy Poblacion, binibigyan lang kita ng maghapon para isoli mo yan ninakaw mo, malinaw ang kuha ng CCTV sayo, pag ikaw ay nahuli namin sisiguraduhin ko sayo na makukulong ka

Brgy Police Poblacion Official TASK FORCE Poblacion 207 Poblacion Fire Rescue Barangay Poblacion Rescue

29/05/2026

Maligayang kaarawan sa isa sa ating mga pinaka masisipag na kagawad, Kagawad BJ Espeleta. God bless.

🎉 Maligayang Kaarawan, Kagawad BJ Espeleta! 🎉

Mula sa Pamahalaang Barangay ng Poblacion, buong puso po naming ipinapaabot ang aming pagbati ng maligayang kaarawan kay Kagawad BJ Espeleta.

Maraming salamat sa iyong patuloy na serbisyo at dedikasyon para sa ating barangay. Ang iyong sipag at malasakit ay tunay na nakakatulong sa patuloy na pag-unlad ng Poblacion.

Nawa’y bigyan ka pa ng malakas na pangangatawan, mas maraming biyaya, at patuloy na tagumpay sa iyong tungkulin at buhay.

Happy Birthday, Kagawad BJ! 🎂

29/05/2026

Maraming salamat po sa tiwala at pagkakataong makapaglingkod bilang Liga ng mga Barangay President sa ating Lungsod ng Muntinlupa.

Pasasalamat din po sa gabay ng Department of the Interior and Local Government at sa inspirasyong hatid ng ating Liga ng mga Barangay National President Hon. Jessica Dy.

To God be the Glory

Photos from Allen Fresnedi Ampaya's post 29/05/2026

Local Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting May 29, 2026

28/05/2026

Maraming salamat po Congressman Jimmy Fresnedi

𝐓𝐮𝐥𝐨𝐲-𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐮𝐬𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐂𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬 𝐚𝐭 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲

Kamakailan ay dumalo at nakibahagi tayo sa dalawang pagpupulong ng mga komite na malapit sa aking puso at adhikain bilang isang senior citizen at dating punong lungsod ng Muntinlupa.

Kaninang umaga, sinimulan natin ang ating trabaho sa pagdalo sa pagpupulong ng Committee on Senior Citizens. Maraming mahahalagang panukalang batas para sa kapakanan ng ating mga nakatatanda ang tinalakay, kabilang na ang pag-apruba sa Substitute Bill na naglalaman ng ating House Bill No. 515 na naglalayong protektahan ang mga senior citizen laban sa fraud at iba’t ibang uri ng panloloko.

Sa pamamagitan ng panukalang ito, mas paiigtingin natin ang laban kontra sa mga mapagsamantalang indibidwal na nagtatangkang linlangin at pagsamantalahan ang ating mga nakatatanda na madalas nagiging bulnerable sa ganitong uri ng krimen.

Samantala, sa hapon ay naging prayoridad naman natin ang pagdalo at pakikilahok sa pagpupulong ng Committee on Local Government. Tinalakay at inaprubahan dito ang draft Substitute Bill ng Magna Carta for Barangays, kung saan tayo ay isa sa mga pangunahing may-akda. Sa aking panunungkulan bilang punong lungsod ng Muntinlupa, lubos kong nauunawaan ang kahalagahan at magiging positibong implikasyon ng pagsasabatas ng Magna Carta para sa ating mga barangay.

Tuloy-tuloy ang ating pagsusulong ng mga panukalang batas na tunay na makatutugon sa pangangailangan ng ating mamamayan, lalo na ng ating mga nakatatanda at mga pamayanang barangay.

Photos from Allen Fresnedi Ampaya's post 28/05/2026

Thank you Liga ng mga Barangay National President Hon. Jessica Dy for the recognition

Photos from Allen Fresnedi Ampaya's post 28/05/2026

Attending the National Congress of the Liga ng mga Barangay sa Pilipinas 2026

Want your business to be the top-listed Government Service in Muntinlupa City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Barangay Poblacion
Muntinlupa City
1776