24/10/2026
🔥 𝑭𝑰𝑹𝑬 𝑺𝑨𝑭𝑬𝑻𝒀 𝑳𝑬𝑪𝑻𝑼𝑹𝑬 𝑨𝑵𝑫 𝑪𝑳𝑬𝑨𝑵-𝑼𝑷 𝑫𝑹𝑰𝑽𝑬 / 𝑪𝑶𝑴𝑷𝑶𝑺𝑻𝑰𝑵𝑮 𝑨𝑪𝑻𝑰𝑽𝑰𝑻𝒀
Ngayong umaga, sa ilalim ng pamumuno ni 𝑭𝑪𝑺𝑼𝑷𝑻 𝑹𝑶𝒀 𝑹𝑶𝑫𝑬𝑹𝑰𝑪𝑲 𝑷 𝑨𝑮𝑼𝑻𝑶, 𝑫𝑺𝑪, Regional Director ng BFP NCR, at ni 𝐅𝐒𝐔𝐏𝐓 𝐀𝐋𝐌𝐀 𝐂𝐀𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀 𝐀 𝐆𝐀𝐑𝐃𝐎𝐒𝐄, City Fire Marshal ng BFP Pasay, isinagawa ang Fire Safety Lecture at Clean-Up Drive/Composting Activity sa Barangay 06, Zone 2, Pasay City.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga residente tungkol sa pag-iwas sa sunog, gayundin ang paghikayat sa bawat isa na makiisa sa pagpapanatili ng malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran. Sa pamamagitan ng Fire Safety Lecture, naipaalala ang kahalagahan ng pagiging maingat at mapagmatyag upang maiwasan ang mga insidente ng sunog at mapanatili ang kaligtasan ng bawat pamilya.
Kasabay nito, isinagawa ang Clean-Up Drive upang mapanatili ang kalinisan ng komunidad, habang ang Composting Activity ay nagtaguyod ng wastong pamamahala ng mga nabubulok na basura sa pamamagitan ng paggawa ng compost na maaaring gamitin sa pagtatanim.
Sa pamamagitan ng mga gawaing ito, patuloy na isinusulong ng BFP Pasay ang isang ligtas, malinis, at responsableng pamayanan.
𝙎𝙖 𝙤𝙧𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙨𝙪𝙣𝙤𝙜 𝙤 𝙖𝙣𝙪𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙚𝙢𝙚𝙧𝙜𝙚𝙣𝙘𝙮, 𝙩𝙪𝙢𝙖𝙬𝙖𝙜 𝙖𝙜𝙖𝙙 𝙨𝙖:
📞 911
📲 0927-471-4017 / 0999-428-1554
゚viralシ