Barangay 107 Zone 11 District II

Call Directions Contact the organization

Barangay 107 Zone 11 District II Barangay 107 Zone 11 Pasay City

05/11/2026

Fyi Mga Ka Brgy 107

📢 𝐑𝐄𝐒𝐔𝐌𝐏𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐕𝐎𝐓𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐓𝐇𝐄 𝟐𝟎𝟐𝟖 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐍𝐃 𝐋𝐎𝐂𝐀𝐋 𝐄𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒

Magbubukas muli ang Voter Registration mula Nobyembre 10, 2026 hanggang Hulyo 30, 2027 para sa mga nagnanais na bumoto sa 2028 National and Local Elections.

📅 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐞𝐫𝐢𝐨𝐝:
𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 – 𝐉𝐔𝐋𝐘 𝟑𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟕

🕗 𝐌𝐀𝐑𝐓𝐄𝐒 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐈𝐘𝐄𝐑𝐍𝐄𝐒: 𝟖:𝟎𝟎𝐀𝐌 - 𝟔:𝟎𝟎𝐏𝐌
🕗 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐝𝐨 𝐚𝐭 𝐇𝐨𝐥𝐢𝐝𝐚𝐲: 𝟖:𝟎𝟎𝐀𝐌 - 𝟓:𝟎𝟎𝐏𝐌 (𝐚𝐬 𝐬𝐜𝐡𝐞𝐝𝐮𝐥𝐞𝐝)

📍 Saan maaaring magparehistro?
✅ Office of the Election Officer (na sumasakop sa lugar kung saan nakatira ang aplikante)
✅ Satellite/Mall Registration
✅ Register Anywhere Program (RAP)
✅ Special Register Anywhere Program (SRAP)

📝 Maaaring i-file ang mga sumusunod na aplikasyon:
✅ Registration (First-Time Voter)
✅ Transfer of Registration Record (Local to Local)
✅ Reactivation of Registration Record
✅ Change of Name / Correction of Entries
✅ Inclusion / Reinstatement of Registration Record
✅ Transfer from Foreign Service Post to Local
✅ Updating of Records ng mga Persons with Disabilities (PWDs), Senior Citizens (SCs), Indigenous Peoples (IPs), Indigenous Cultural Communities (ICCs), at iba pang miyembro ng vulnerable sectors

📢 Magparehistro. Mag-update ng record. Maging handa sa Halalan 2028.



29/10/2026

Magandang araw po, mga residente ng Brgy. 107!

Inaanyayahan po namin kayong bumisita sa BPI Booth na gaganapin sa Barangay 107

🗓 October 30, 2026
⏰ 10:00 AM – 3:00 PM

Sa booth na ito, maaari po kayong magbukas ng BPI Savings Account na may kasamang ATM Card na may mga sumusunod na benepisyo:
✅ Zero maintaining balance
✅ ₱1 lamang ang initial deposit
✅ May kasamang ₱70,000 libreng insurance

Ang mga kliyente ng BPI ay maaari na ring mag-deposit at mag-withdraw sa Robinsons Easymart Arnaiz para sa mas madali at accessible na transaksyon. Libre rin po ito.

📌 Mga Requirements:
✔️ Cellphone
✔️ 1 Valid Primary ID

Huwag palampasin ang pagkakataong ito na magkaroon ng sariling bank account nang mabilis, ligtas, at walang hassle!

Kita-kits po tayo!

Barangay assembly 2nd Semester CY 2026 "Tayo na sa Brgy Assembly! Nagkakaisang Tinig , Makabuluhang usapan at Sama saman...
25/10/2026

Barangay assembly 2nd Semester CY 2026

"Tayo na sa Brgy Assembly! Nagkakaisang Tinig , Makabuluhang usapan at Sama samang Pagkilos para sa Ating Komunidad"
Maraming salamat mga Ka Brgy sa pagdalo sa ating 2nd Semester Brgy Assembly..

PAANYAYA!!!🔊🔊🔊Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig,Makabuluhang Usapan,at Sama samang Pagkilos para sa ating...
18/10/2026

PAANYAYA!!!🔊🔊🔊

Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig,Makabuluhang Usapan,at Sama samang Pagkilos para sa ating Komunidad,

Inaanyayahan po ang lahat ng ating mga kabarangay na dumalo sa ating 2nd Semester Barangay Assembly CY 2026.

📅 October 24,2026
⏰ 12pm registration,1pm start ng program
📍 Brgy.Hall

Tara nat makiisa, makinig, at ipahayag ang inyong mga suhestiyon, at boses para sa ikabubuti at patuloy na pag-unlad ng ating barangay.

Madami po kaming inihandang RAFFLE items bilang bahagi ng ating pagkikita-kita!

Inaasahan po namin ang inyong pagdalo at pakikiisa.
Tara na, mga kabarangay!Magkita kita po tayo sa darating na Sabado.

21/08/2026

Mga kabarangay

Sa lahat po ng mga apektado ng sunog ngayon, maaari po kayong magpunta sa Padre Zamora Elementary School.

Naway mag-ingat tayong lahat at magdasal.

14/08/2026

FYI Mga Ka Brgy 🔊🔊🔊

MEDICAL-DENTAL MISSION
August 15, 2026
8am - 12nn
Sta Clara Parish Grounds
Services Offered:
- Medical Consultation
- Dental (Bunot, Pasta, Cleaning)
- Physical Therapy

Sponsored by:
Don Pin Corporation

BAGONG PILIPINAS PRESIDENTIAL SCHOLARSIpinamahagi na ang mga tseke na nagkakahalagang P20,000.00 bawat isa sa limang (5)...
08/08/2026

BAGONG PILIPINAS PRESIDENTIAL SCHOLARS

Ipinamahagi na ang mga tseke na nagkakahalagang P20,000.00 bawat isa sa limang (5) Bagong Pilipinas Presidential Scholars. Layunin nito na masigurong makakapagtapos ang mga estudyanteng nasa ika-apat na taon sa kolehiyo ng kanilang pag-aaral.

ipinaabot ni Kap Badong Vargas ang pasasalamat sa ating lokal at pambansang pamahalaan sa tulong para sa mga bata. Pinaalalahanan din niya ang mga benepisyaryo na gamitin ang nakuhang suporta sa tama at kapakipakinabang na gawain.

Congratulations Mga Scholar ng bayan👏👏

Magandang Araw po Brgy 107🔊🔊Tuloy po ngaung Araw August 7 Ang ating 3rd unclaimed para sa EMI assistance Mula alas 9am h...
06/08/2026

Magandang Araw po Brgy 107🔊🔊
Tuloy po ngaung Araw August 7 Ang ating 3rd unclaimed para sa EMI assistance Mula alas 9am hanggang 3pm sa brgy hall po ang venue
Magdala lamang po ng 2 kopya ng valid id na may pirma at para naman po sa may authorization
2 kopya ng valid id na may 3 pirma
2 kopya ng authorization letter
2 kopya ng valid id ng claimant

Maulang umaga po sa ating lahat,pinapaalam po sa lahat na CANCEL po ang payout ng ating EMI financial assistance ngaung ...
06/08/2026

Maulang umaga po sa ating lahat,pinapaalam po sa lahat na CANCEL po ang payout ng ating EMI financial assistance ngaung Araw sa kadahilanang masama po ang panahon,at may declarasyon po ang Malacanañg na Wala pong pasok Ang lahat ng govt agency.Magaanounce na lang po kami kung kailan po ang last unclaimed payout ng EMI assistance.
Keep safe and dry po sa ating lahat

Magandang Araw po sa Mga Hindi po nakakuha kahapon ng EMI assistance ngaun po ang ating 2nd unclaimed payout Mula alas 9...
05/08/2026

Magandang Araw po sa Mga Hindi po nakakuha kahapon ng EMI assistance ngaun po ang ating 2nd unclaimed payout Mula alas 9 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon sa Brgy hall po ang ating venue.
Para sa Mga magpapaauthorized bukas po August 6,2026, Mula alas 9am -3pm sa brgy hall po ang venue ng payout,Ang kailangan nio pong dalhin ay 2xerox ng valid id,2 kopya ng authorization letter,2 xerox ng valid id ng inyong Inauthorized.
Maraming salamat po.

Address

2022 Tramo Corner Tengco Street
Pasay City
1300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63270009762

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 107 Zone 11 District II posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay 107 Zone 11 District II:

Shortcuts

Share