29/10/2026
PUBLIC ADVISORY | WATER RATIONING SCHEDULE
Dahil sa nagpapatuloy na quarrying activities sa Maoyon River na nagdudulot ng paglabo ng tubig, magpapatupad ang Puerto Princesa City Water District (PPCWD) ng water rationing schedule sa mga Barangay Maoyon, Lucbuan, at Maruyogon.
Narito ang iskedyul ng suplay ng tubig:
BARANGAY MAOYON – Tuloy-tuloy na suplay ng tubig, 24 oras araw-araw.
BARANGAY MARUYOGON – 6:00 AM hanggang 10:00 AM. Isasara ang main gate valve ng buong lugar simula 10:00 AM.
BARANGAY LUCBUAN
• 11:00 AM – 3:00 PM: Human, Purok Mandaragat, Purok Teresa, at Purok Katumbal
• 4:00 PM – 9:00 PM: Suplay sa Barangay Lucbuan Hall area, depende sa labo ng tubig mula sa gravity source.
Patuloy namang sinisikap ng PPCWD na maisaayos ang nasirang dating linya ng tubig sa taas ng quarry site upang maibalik rin sa normal ang daloy ng tubig sa nasabing mga Barangay.
Hinihiling ng PPCWD ang pang-unawa at pakikiisa ng mga apektadong residente. Pinapayuhan din ang publiko na mag-imbak ng sapat na tubig para sa pang-araw-araw na pangangailangan at patuloy na magtipid sa paggamit nito.