22/05/2026
QC, Takbo para sa magandang kinabukasan!
Salamat sa lahat ng tumakbo at nakiisa sa ating Scout Run 2026: Bida ka Dabarkads! Takbo Laban sa Droga: Malusog na Pangangatawan at Matalas na Kaisipan, handog ng ating Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC), Office of the Vice Mayor, in partnership with QC Department of Building Official at QC Building Permits and Licensing Department na siyang host ng ating Car-Free Carefree Sundays.
Daan-daang runners mula Quezon City ang tumakbo at nakiisa sa programang ito na siyang ginanap sa Tomas Morato bilang advance celebration 2026 International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT).
Layunin ng fun run na palaganapin ang kamalayan laban sa ilegal na droga at hikayatin ang komunidad na makiisa sa kampanya para sa isang ligtas na lipunan. Layunin din nitong isulong ang malusog at aktibong pamumuhay bilang positibong alternatibo para sa kabataan at mamamayan.
Maraming salamat sa ating partners/sponsors:
World Balance
Rebisco
Rexona
Rex Education
Juice Ko Juan
Dangerous Drugs Board
Pagbati sa mga nanalo:
Male:
1st Place - Rowar Jarapan
2nd Place - Aljur Rendon
3rd Place - Jopen Cañete
Female:
1st Place - Krizzia Florido
2nd Place - Divine Turalba
3rd Place - Diana Gastilo
Nais niyo bang makita ang inyong official run time? I-click ang link: https://myruntime.com/results/scout-run-2026 #/
Muli, maraming salamat sa lahat ng nakiisa!
16/05/2026
1 DAY TO GO!
Bukas na ang Scout Run 2026! Asahan po ang pansamantalang road closures at traffic adjustments sa paligid ng Tomas Morato at mga karatig na lugar habang ginaganap ang event. Pinapayuhan ang lahat na magplano ng biyahe nang mas maaga at gumamit ng alternate routes kung kinakailangan.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon. Kita-kits bukas, runners!
15/05/2026
2 DAYS TO GO!
Narito ang official race route ng Scout Run 2026! Inaanyayahan namin ang lahat na tingnan ito bago ang event upang maging handa at guided sa araw ng fun run. Sabay-sabay nating takbuhin ang bawat hakbang nang ligtas at masaya!
Ang paalalang ito ay para lamang sa mga confirmed runners.
14/05/2026
3 DAYS TO GO!
Paalala para sa registration ng runners!
Lahat ng participants ay kinakailangang pumila sa kanilang designated lane base sa UNANG LETRA ng kanilang APELYIDO para sa mas mabilis at maayos na registration process. Pakisunod po ang inyong assigned lane pagdating sa venue.
Ang paalalang ito ay para lamang sa mga confirmed runners.
13/05/2026
4 DAYS TO GO!
Mga paalala, runners! Huwag kalimutang magdala ng sariling tumbler, valid ID, at siguraduhing dumating nang maaga
Sama-sama nating gawing maayos, ligtas, at masaya ang Scout Run 2026!
Ang paalalang ito ay para lamang sa mga confirmed runners.
12/05/2026
5 DAYS TO GO!
Malapit na ang Scout Run 2026! Ihanda na ang inyong running shoes, energy, at game face para sa isang masayang takbuhan! Kita-kits sa starting line!
Ang paalalang ito ay para lamang sa mga confirmed runners.
28/04/2026
QCitizens! Ready na ba kayo tumakbo?
Narito na ang inaabangang race kit para sa ating fun run:
✅ Official race shirt
✅ Race bib
✅ Tote bag
✅ Pagkakataong makakuha ng winner’s medal (TOP 3)
Higit pa sa race kit, dala natin ang isang layunin, ang tumakbo para sa mas ligtas, mas matatag, at drug-free na komunidad. Sama-sama tayong kikilos, bawat hakbang, may dalang mensahe. Kita-kits sa start line sa May 17, 2026, 4:00 AM sa Boy Scout Circle, Quezon City!
Paalala: Ang race kit ay nakalaan para sa ating confirmed registrants, kaya siguraduhing nakatanggap na kayo ng confirmation email at tawag mula sa amin.
28/04/2026
Magandang Araw QCitizens!
Isinagawa ang 1st Council Meeting (March 12, 2026) para sa taong 2026 sa Quezon City Hall sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto, bilang co-chairperson ng QCADAAC, kasama ang mga miyembro ng QCADAAC Council.
Inilatag dito ang iba’t ibang presentasyon ukol sa iba’t ibang datos, programa at aktibidad. Nagpresenta sila Ms. Annie Medanilla – Division Chief ng Business Permit Division, BPLD, Ms. Kristine Pascua – Action Officer ng QCADAAC, JSINSP Elizabeth Regacho – Chief, Welfare and Development Section ng BJMP-Female Dorm, JO1 Bryan Bayatan – BJMP-MALE Dorm, at Ms. Ansherly Soriano – Social Welfare Official
Naging matagumpay ang pagpupulong dahil sa mga makabulhang talakayan na siguradong magdudulot ng magagandang pagbabago para sa ating QCitizens.