01/11/2026
𝗖𝗚𝗦𝗡𝗤 𝗖𝗢𝗡𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦 𝗞𝟵 𝗣𝗔𝗡𝗘𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗢 𝗘𝗡𝗦𝗨𝗥𝗘 𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗜𝗧𝗬 𝗗𝗨𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲
𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡: Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng OPLAN BIYAHENG AYOS: UNDAS 2026, nagsagawa ang Coast Guard Station Northern Quezon (CGSNQ) ng K9 paneling sa mga pantalan, kabilang ang pagsusuri sa mga bagahe at sasakyan, upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero at iba pang biyahero ngayong panahon ng Undas.
Sa pamamagitan ng K9 units, layunin ng aktibidad na makatulong sa pagtukoy ng mga kahina-hinalang bagay at posibleng banta sa seguridad, bilang bahagi ng pinaigting na pagbabantay sa mga pantalan.
Patuloy na isinasagawa ng CGSNQ ang mga security measures at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa mga pantalan, gayundin ang maayos na daloy ng biyahe ng mga pasahero ngayong Undas.
Muling pinagtitibay ng Philippine Coast Guard ang dedikasyon nitong pangalagaan ang buhay at ari-arian ng publiko at magbigay ng ligtas at maayos na serbisyo sa lahat ng biyahero.