Local Government Unit of Real

Directions

Local Government Unit of Real Ang Page na ito ay pinamamahalaan ng Media Team mula sa Information Office ng Bayan ng Real.

𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐘 𝐍𝐆 “𝐑𝐈𝐒𝐄” 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐏𝐀𝐑𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐀𝐆𝐑𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍 𝐑𝐄𝐅𝐎𝐑𝐌 | 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟒Isinagawa ngayong araw ang isang mahalagang pa...
04/11/2026

𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐘 𝐍𝐆 “𝐑𝐈𝐒𝐄” 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐍𝐆 𝐃𝐄𝐏𝐀𝐑𝐓𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐎𝐅 𝐀𝐆𝐑𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍 𝐑𝐄𝐅𝐎𝐑𝐌 | 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟒

Isinagawa ngayong araw ang isang mahalagang pagpupulong sa pagitan ni Mayor Julie Ann O. Macasaet at ng mga kinatawan ng Department of Agrarian Reform (DAR) kaugnay ng pagpapatupad ng proyektong “RISE” (Rehabilitation and Improvement of Settlement Economics) na nakatuon sa mga komunidad ng Brgy. Tagumpay at Brgy. Bagong-Silang.

Layunin ng proyekto na makapaghatid ng mga oportunidad pangkabuhayan at mapabuti ang kalagayan ng mga magsasaka sa nasabing mga barangay. Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang pagtatayo ng Farm-to-Market Road (FMR) na mag-uugnay sa mga homelot at farmlot upang mas mapadali ang transportasyon ng mga produkto at pag-access sa mga sakahan.
Dinaluhan din ang pagpupulong nina MENRO Bryan Potestades, Municipal Agriculturist Filomela Azoque, MPDC Romel A. Poblete, at Municipal Administrator Chary Aumentado.

Nakiisa rin sa talakayan ang mga kinatawan ng AGRIPINAS at Orient Integrated Development Consultants Inc. (OIDCI), sa pangunguna ni Team Leader Imelda Pangga, kasama sina DAR IV-A Regional Focal Person-Parpol Cherry Saloma, Cardo Helen Panle, Provincial Focal Person-Carpo Carlota Rodil, at RISE Focal Person-Sarpt Carlota Llanera.

Sa pamamagitan ng proyektong RISE, inaasahang mas mapalalakas ang sektor ng agrikultura, mapauunlad ang mga pamayanan, at mabubuksan ang mas maraming oportunidad para sa kabuhayan ng mga magsasaka.

𝐈𝐊𝐀-𝟏𝟖𝟓 𝐀𝐍𝐈𝐁𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐀𝐏𝐎𝐋𝐈𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎 𝐃𝐄𝐋𝐀 𝐂𝐑𝐔𝐙 (𝐇𝐄𝐑𝐌𝐀𝐍𝐎 𝐏𝐔𝐋𝐈) | 𝐍𝐎𝐁𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄 𝟒Bilang pagpupugay sa kabay...
04/11/2026

𝐈𝐊𝐀-𝟏𝟖𝟓 𝐀𝐍𝐈𝐁𝐄𝐑𝐒𝐀𝐑𝐘𝐎 𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐊𝐀𝐘 𝐀𝐏𝐎𝐋𝐈𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎 𝐃𝐄𝐋𝐀 𝐂𝐑𝐔𝐙 (𝐇𝐄𝐑𝐌𝐀𝐍𝐎 𝐏𝐔𝐋𝐈) | 𝐍𝐎𝐁𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄 𝟒

Bilang pagpupugay sa kabayanihan at mahalagang ambag sa kasaysayan, ginunita ang ika-85 Anibersaryo ng Araw ng Pagkilala kay Apolinario Dela Cruz o mas kilala bilang Hermano Puli.

Dumalo sa makabuluhang pagdiriwang si Mayor Julie Ann O. Macasaet, mga myembro ng 20th Council, mga kawani ng munisipyo, mga opisyal at g**o ng DepEd at iba pang organisasyon, bilang pakikiisa sa pagbibigay-pugay sa isang bayaning Quezonian.

Naging panauhing tagapagsalita si Dr. Reynaldo V. Nanong, Principal IV ng INHS, na nagbahagi ng kaalaman at aral tungkol sa buhay, pakikibaka at kabayanihan ni Hermano Puli.

Sa patuloy na pag-alala sa kanyang kabayanihan, buhay nating pinananatili ang mga aral ng kasaysayan at ang diwa ng pagmamahal sa bayan.

04/11/2026
𝐈𝐊𝐀-𝟏𝟖𝟓 𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐌𝐀𝐓𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐀𝐏𝐎𝐋𝐈𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎 “𝐇𝐄𝐑𝐌𝐀𝐍𝐎 𝐏𝐔𝐋𝐈” 𝐃𝐄𝐋𝐀 𝐂𝐑𝐔𝐙Ngayong araw, ating ginugunita ang ika-185 anibersa...
03/11/2026

𝐈𝐊𝐀-𝟏𝟖𝟓 𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐌𝐀𝐓𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐀𝐏𝐎𝐋𝐈𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎 “𝐇𝐄𝐑𝐌𝐀𝐍𝐎 𝐏𝐔𝐋𝐈” 𝐃𝐄𝐋𝐀 𝐂𝐑𝐔𝐙

Ngayong araw, ating ginugunita ang ika-185 anibersaryo ng kamatayan ni Apolinario “Hermano Puli” Dela Cruz, isang bayaning nag-alay ng buhay sa pakikibaka para sa kalayaan, pagkakapantay-pantay, at karapatan ng mga Pilipino.

Nawa’y patuloy na magsilbing inspirasyon ang kanyang katapangan at paninindigan sa ating pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa ating kasaysayan.

Maraming salamat po sa inyong komento. Patuloy na magsusumikap ang LGU Real na maihatid sa bawat Realeño ang angkop at n...
03/11/2026

Maraming salamat po sa inyong komento. Patuloy na magsusumikap ang LGU Real na maihatid sa bawat Realeño ang angkop at napapanahong serbisyo, impormasyon at maging entertainment.

Ang pagseserbisyo sa ating mga kababayan ay hindi lamang nasusukat sa mga proyektong imprastraktura. Bahagi rin nito ang pagbibigay ng dekalidad, makabuluhan, napapanahon at nakaaaliw na mga materyal online na hindi lamang maglilibang kundi magpapalawak din ng kaalaman at kamalayan ng bawat Realeño kung gaano kayaman at ka-diverse ang kultura, kasaysayan at mga tradisyon sa bayan ng Real.

Panoorin ang PANGLAW Full Episode sa Link na ito: https://youtu.be/-wWYQdx7mCE?si=WQhCl_uMUV1k_I2A

𝐁𝐄𝐇𝐈𝐍𝐃-𝐓𝐇𝐄-𝐒𝐂𝐄𝐍𝐄𝐒 | 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐋𝐀𝐖: 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐆𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐋𝐈𝐌 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐀𝐋Silipin ang ilan sa mga kaganapan sa likod ng kamera sa p...
03/11/2026

𝐁𝐄𝐇𝐈𝐍𝐃-𝐓𝐇𝐄-𝐒𝐂𝐄𝐍𝐄𝐒 | 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐋𝐀𝐖: 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐆𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐋𝐈𝐌 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐀𝐋

Silipin ang ilan sa mga kaganapan sa likod ng kamera sa produksyon ng PANGLAW: Pagkagat ng Dilim sa Bayan ng Real!

Tampok ang pagtutulungan at paghahanda ng mga staff mula sa Information Office at Media Team ng Bayan ng Real, kasama ang ating mga talents, interviewees, at immersionists na naging bahagi ng pagbuo ng espesyal na palabas na ito.

Sa likod ng bawat eksena, may kwento ng dedikasyon, teamwork, at malikhaing pagsisikap upang maihatid sa inyo ang isang Special Production na magpapakita ng mayamang tradisyon ng ating bayan.

Panoorin ang buong episode ng Panglaw sa Youtube sa Link na ito: https://youtu.be/-wWYQdx7mCE?si=wSNwpXBW5OL3cb4b

03/11/2026
𝐎𝐏𝐋𝐀𝐍 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒, 𝐏𝐈𝐍𝐔𝐑𝐈 𝐍𝐈 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐉𝐔𝐋𝐈𝐄 𝐀𝐍𝐍 𝐌𝐀𝐂𝐀𝐒𝐀𝐄𝐓 | 𝐅𝐋𝐀𝐆 𝐑𝐀𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 - 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟑Pinuri ni Julie Ann Orozco Ma...
03/11/2026

𝐎𝐏𝐋𝐀𝐍 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒, 𝐏𝐈𝐍𝐔𝐑𝐈 𝐍𝐈 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐉𝐔𝐋𝐈𝐄 𝐀𝐍𝐍 𝐌𝐀𝐂𝐀𝐒𝐀𝐄𝐓 | 𝐅𝐋𝐀𝐆 𝐑𝐀𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 - 𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟑

Pinuri ni Julie Ann Orozco Macasaet ang tagumpay ng Oplan Ligtas Undas 2026. Anya, naging mapayapa ang komemorasyong ito dahil sa pagtutulungan ng lahat ng ahensya at indibidwal na nakiisa.

Bukod dito, nagbahagi si Pastor Tito Martinez ng isang makabuluhang mensahe na nagsilbing inspirasyon at paalala sa patuloy na pagtupad sa tungkulin nang may pananampalataya at malasakit sa kapwa.

Nagpaalala naman si Acting Municipal Fire Marshal FINSP Lecerio D Carabuena, kaugnay ng kahalagahan ng pagsunod sa mga fire safety requirements, partikular ang pagkuha ng Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) alinsunod sa Republic Act No. 9514 o Fire Code of the Philippines.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Real ang pagkakaisa, disiplina at sama-samang paglilingkod para sa isang ligtas at maayos na komunidad.

𝐁𝐀𝐍𝐂𝐇𝐄𝐓𝐓𝐎 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐄Ñ𝐎 𝐇𝐀𝐋𝐋𝐎𝐖𝐄𝐄𝐍 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐄𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐘 𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐎𝐒𝐓𝐔𝐌𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐒𝐓! 👻Naging mas makulay at mas masaya ang Banchetto Realeño sa...
02/11/2026

𝐁𝐀𝐍𝐂𝐇𝐄𝐓𝐓𝐎 𝐑𝐄𝐀𝐋𝐄Ñ𝐎 𝐇𝐀𝐋𝐋𝐎𝐖𝐄𝐄𝐍 𝐒𝐓𝐑𝐄𝐄𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐘 𝐀𝐍𝐃 𝐂𝐎𝐒𝐓𝐔𝐌𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐒𝐓! 👻

Naging mas makulay at mas masaya ang Banchetto Realeño sa pamamagitan ng isinagawang Halloween Street Party and Costume Contest na naghatid ng aliw, kasiyahan at malikhaing pagtatanghal sa ating mga Realeño.

Ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pagtutulungan at pakikiisa ng mga lokal na business owners na naging katuwang sa pagdaraos ng isang masayang selebrasyon, kasabay ng Banchetto Realeño.

Patunay ito na sa pamamagitan ng pagkakaisa at suporta sa isa't isa, mas napapasigla natin ang lokal na negosyo at napayayaman ang mga aktibidad sa ating bayan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang selebrasyong ito!

𝐊𝐀𝐒𝐀𝐋𝐔𝐊𝐔𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐓𝐖𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐑𝐄𝐀𝐋 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐂𝐄𝐌𝐄𝐓𝐄𝐑𝐘 | 𝐎𝐏𝐋𝐀𝐍 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔Ngayong Nobyembre 2, nagpapatuloy ang pagbabanta...
02/11/2026

𝐊𝐀𝐒𝐀𝐋𝐔𝐊𝐔𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐓𝐖𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐑𝐄𝐀𝐋 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐂𝐄𝐌𝐄𝐓𝐄𝐑𝐘 | 𝐎𝐏𝐋𝐀𝐍 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔

Ngayong Nobyembre 2, nagpapatuloy ang pagbabantay at pagmomonitor sa Real Cemetery bilang bahagi ng Oplan Ligtas Undas 2026. Layunin nitong matiyak ang kaligtasan, seguridad at kaayusan ng mga mamamayang dumadalaw upang alalahanin at bigyang-pugay ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Kasabay nito, binibigyang-pansin din ang pagpapanatili ng kalinisan sa loob at paligid ng sementeryo upang maging maayos ang pagdalaw ng bawat pamilya. Patuloy ang pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan at mga kinauukulang ahensiya upang masig**o ang isang ligtas, malinis at mapayapang paggunita sa Undas.

Address

La Rosa Street , Poblacion Uno, Quezon
Real
4335

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Local Government Unit of Real posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services