03/06/2026
TINGNAN : Kapakanan ng San Joseño, Laging Nauuna 📢
Ikinagalak ng pamahalaan ang naging desisyon ng korte, na nagbigay-daan upang maipagpatuloy ang mga hakbang para mapabuti ang serbisyo ng tubig, solusyunan ang mga lumang problema sa sistema, at tugunan ang pangangailangan ng publiko. Pinagtitibay nito ang kapangyarihan ng lokal na pamahalaan na protektahan ang kapakanan ng taumbayan.
Tiniyak na hindi hahayaang makapagpaantala ng mga legal na usapin sa agarang pagkilos. Patuloy ang pagsisikap hanggang sa matamasa ng bawat pamilya ang dekalidad, sapat, at tuloy-tuloy na suplay ng tubig.
We will rise above because the welfare of every San Joseño will always come first!
Ikinagagalak namin ang desisyon ng korte dahil binibigyan tayo nito ng pagkakataong
ipagpatuloy ang ating trabaho: pagbutihin ang serbisyo ng tubig, itama ang matagal nang mga problema sa sistema, at tugunan ang pangangailangan ng mga San Joseño.
Pinagtitibay nito ang kaugnay na kapangyarihan ng lokal na pamahalaan na protektahan
ang kapakanan ng taumbayan. Matagal nang naghintay ang ating mga kababayan, at hindi natin hahayaang maantala ng mga legal na taktika ang agarang aksyon.
Makakaasa po kayo na hindi tayo titigil hangga’t hindi natin naibibigay sa bawat pamilyang San Joseño ang dekalidad, maayos, sapat, at tuloy-tuloy na serbisyo ng tubig.
This fight is for the people, and we will always stand on the side of the people we serve!
03/06/2026
ICYMI: Ika-11 Regular na Sesyon 📢
Isinagawa noong Lunes, Hunyo 1, 2026 ang ika-11 sesyon sa pangunguna ni Kapitan Edgar E. Celis. Ibinahagi ng bawat komite ang kani-kanilang ulat ukol sa kanilang mga proyekto at gawain.
Pormal ding iniharap at ipinasa ang resolusyon para sa pagsasagawa ng live streaming ng mga sesyon, upang maging mas bukas at naaabot ng publiko ang mga pagpupulong ng konseho.
Sulong Muzon South!
📷 Arvin Alagon / Eric Licardo , MSPIO
(Member of CSJDM-BPIOA)
02/06/2026
ICYMI: Pangkalahatang Oryentasyon para sa mga Magulang 📢
Matagumpay na idinaos ang General Parent Orientation ng Muzon South Cluster Child Development Centers, na pinangunahan ni Kapitan Edgar E. Celis kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay.
Layunin ng aktibidad na ipaalam at talakayin ang mahahalagang usapin at programa para sa kapakanan at maayos na paghubog ng mga bata sa ilalim ng pangangalaga ng mga nasabing sentro.
Sulong Muzom South!
📷 Arvin Alagon / Eric Licardo , MSPIO
(Member of CSJDM-BPIOA)
02/06/2026
ICYMI: Ika-10 Regular na Sesyon 📢
Isinagawa noong Mayo 18, 2026 ang ika-10 regular na sesyon sa pangunguna ni Kapitan Edgar E. Celis. Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang usapin at plano para sa ikabubuti ng komunidad.
Sulong Muzon South!
📷 Eric Licardo , MSPIO
(Member of CSJDM-BPIOA)
01/06/2026
ICYMI: Seremonya ng Pagtaas ng Watawat 🇵🇭
Isinagawa noong Mayo 23, 2026 ang seremonya ng pagtaas ng watawat na pinangunahan nina Kagawad Aurelio Demonteverde at Kagawad Sacel Astor, kasama ang mga kawani ng barangay.
Bahagi ng aktibidad ang espirituwal na pagpapatibay na pinamunuan ni Bishop Armando Gomez. Iginawad din ang espesyal na pagkilala kay Ginang Rose Luyun para sa kanyang 30 taong tapat na paglilingkod bilang g**o sa day care center.
Sulong Muzon South!
📷 Arvin Alagon / Eric Licardo , MSPIO
(Member of CSJDM-BPIOA)
30/05/2026
MALAKING PAGPUPUGAY AT PAGBATI SA ATING MGA NAKAPASA SA ALS A&E! 🎉🎓
Isang mainit at buong-pusong pagbati at pagpupugay sa 16 na taga-Muzon South na matagumpay na nakapasa sa ALS Accreditation and Equivalency Assessment!
Mula sa kabuuang 27 na sumubok, narito ang ating tagumpay:
✅ 5 – Nakapasa sa Antas Elementarya
✅ 11 – Nakapasa sa Antas Sekundarya (Junior High School)
Ito ay patunay ng inyong pagsisikap, tiyaga, at pagmamahal sa pag-aaral kahit sa anumang hamon ng buhay. Ang tagumpay na ito ay karangalan hindi lamang sa inyong sarili at pamilya, kundi sa buong Barangay Muzon South.
Maaaring makita ang kumpletong listahan ng mga pangalan ng mga nakapasa dito:
🔗 https://sg.docworkspace.com/d/sbRaqippTc84KAEM_ctunshez4py30d63wt
Sa inyo, ang ating pamunuan at buong komunidad ay labis na nagmamalaki. Ang sertipikong ito ay susi sa mas magandang kinabukasan — para sa karagdagang pag-aaral, pagsasanay, at mas maayos na hanapbuhay.
Patuloy kaming sasandig at susuporta sa inyong paglalakbay. Ang edukasyon ay para sa lahat, at kayo ang patunay nito!
Sulong Muzon South!
30/05/2026
ICYMI | PAMAMAHAGI NG GAMIT PANG-ESKWELA, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA
Matagumpay na naipamahagi ang mga gamit pang-eskwela sa mga mag-aaral ng ating barangay, sa pangunguna ni Kapitan Edgar E. Celis at kasama ang buong Sanggunian ng Barangay.
Layunin ng nasabing hakarin na matulungan ang mga kabataan at mapagaan ang gastusin ng bawat pamilya sa paghahanda para sa darating na Taong Panuruan 2026–2027. Kabilang sa mga ipinamahagi ay mga kwaderno, lapis, bolpen, at iba pang kagamitan na kailangan sa pag-aaral.
Ipinahayag ni Kapitan Celis ang patuloy na suporta ng pamunuan sa edukasyon bilang pangunahing susi sa pag-unlad ng kabataan at ng buong komunidad. Nagpasalamat naman ang mga magulang at mga estudyante sa malasakit at tulong na kanilang natanggap.
Sulong Muzon South!
📷 Arvin Aragon / Eric Licardo, MSPIO
(Proud Member of CSJDM-BPIOA)
29/05/2026
ANUNSYO
KA-TIMOG! TAYO NA’T MAG-APLAY!
Lahat ay inaanyayahan sa gaganaping BARANGAY LOCAL RECRUITMENT ACTIVITY!
Narito ang mga detalye ng aktibidad:
📅 Petsa: Mayo 29, 2026
🕗 Oras: 8:00 ng umaga – 3:00 ng hapon
📍 Lokasyon: Livelihood Office, sa tapat ng Pabahay 2000 Covered Court, CSJDM, Bulacan
MGA NAKABAKANTING TRABAHO:
🏢 Kumpanyang Nagtatanggap: JOBnet HR SOLUTIONS, INC.
👷 Posisyon: 100 LALAKI – Production Helpers / Factory Workers
Huwag palampasin ang pagkakataong ito na makahanap ng trabaho! Maghanda na ng inyong mga dokumento at dumalo sa ating recruitment activity.
Para sa mas maunlad na kabuhayan ng bawat pamilyang San Joseño.
Sulong Muzon South!