30/10/2026
Tara na’t makiisa sa ikalawang Barangay Assembly Day ng Barangay San Rafael I - CSJDM, Bulacan ngayong taong 2026!
Ito ay gaganapin BUKAS, OCTOBER 31, 7:00 AM onwards sa Barangay Multipurpose Hall (Lower)
Dito mapapakinggan ang ulat ni SK Chairperson Janisse Tabuzo Turla patungkol sa mga proyektong pang-kabataan na nagawa, ginagawa, at gagawin pa lamang ngayong taon maging ang State of the Barangay Address ni Punong Barangay Edmon Daluz at ng buong Sangguniang Barangay.
Kitakits, kabataan at ka-barangay San Rafael 1! 🫶
𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝐃𝐀𝐘 | 𝟐𝐧𝐝 𝐒𝐞𝐦 𝐨𝐟 𝟐𝟎𝟐𝟔 📑
Magandang araw, mga kabarangay!
Tara na't makibahagi sa ating gaganaping 𝘽𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝘼𝙔 𝘼𝙎𝙎𝙀𝙈𝘽𝙇𝙔 𝘿𝘼𝙔 para sa ikalawang bahagi ng taong 2026 sa darating na 𝗢𝗖𝗧𝗢𝗕𝗘𝗥 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲, 𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼 sa ganap na ika-7:00 ng umaga na gaganapin sa ating 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗠𝘂𝗹𝘁𝗶𝗽𝘂𝗿𝗽𝗼𝘀𝗲 𝗛𝗮𝗹𝗹.
Pakinggan ang mga proyekto, programa at mga aktibidad ng barangay para sa kasalukuyan at sa hinaharap at magbahagi ng inyong mga mungkahi at saloobin para sa kabutihan ng ating barangay.
Inaasahan namin ang inyong presensya! 🧡
𝑻𝒂𝒚𝒐 𝒏𝒂 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚 𝑨𝒔𝒔𝒆𝒎𝒃𝒍𝒚! 𝑵𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑻𝒊𝒏𝒊𝒈, 𝑴𝒂𝒌𝒂𝒃𝒖𝒍𝒖𝒉𝒂𝒏𝒈 𝑼𝒔𝒂𝒑𝒂𝒏, 𝒂𝒕 𝑺𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒊𝒍𝒐𝒔 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑨𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑲𝒐𝒎𝒖𝒏𝒊𝒅𝒂𝒅