Kagawad Shierna B. Aquino

Call Directions Contact the organization

Kagawad Shierna B. Aquino Public Servant

Dear Lord,As we welcome the first day of September, we thank You for the gift of a new month and another opportunity to ...
31/08/2026

Dear Lord,

As we welcome the first day of September, we thank You for the gift of a new month and another opportunity to begin again.

May this month be filled with Your guidance, protection, peace, and abundant blessings. Lead us in every decision we make, strengthen us in every challenge we face, and remind us that we are never alone because You are always with us.

Bless our families, our loved ones, our work, and all the plans we have entrusted to You. Open doors that are meant for us and close those that are not. Give us a grateful heart, a humble spirit, and the courage to keep moving forward.

May September bring new hope, answered prayers, beautiful surprises, and countless reasons to be thankful.

We surrender this month into Your loving hands.

In Jesus’ name, Amen.🙏

30/08/2026
30/08/2026
Ngayong National Heroes Day, ating alalahanin at bigyang-pugay ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at s...
30/08/2026

Ngayong National Heroes Day, ating alalahanin at bigyang-pugay ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at sakripisyo para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bayan.

Ngunit ang pagiging bayani ay hindi lamang nasusukat sa malalaking sakripisyo. Sa bawat taong tapat na naglilingkod, tumutulong sa kapwa, ipinagtatanggol ang tama, at gumagawa ng mabuti para sa komunidad—naroon ang diwa ng kabayanihan.

🇵🇭 Ang tunay na kabayanihan ay patuloy na naglilingkod, kahit walang hinihintay na kapalit.

Mabuhay ang ating mga Bayani!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino! ❤️💙

Ngayong panahon ng tag-ulan, huwag nating balewalain ang kalinisan sa ating mga tahanan at paligid.🌧️ Ang mga nakakalat ...
29/08/2026

Ngayong panahon ng tag-ulan, huwag nating balewalain ang kalinisan sa ating mga tahanan at paligid.

🌧️ Ang mga nakakalat na basura, baradong kanal at naipong tubig ay maaaring maging sanhi ng pagdami ng lamok, mikrobyo at iba’t ibang sakit.

🩺 UNAHIN NATIN ANG KALUSUGAN!

Magsimula tayo sa simpleng gawain:

🗑️ Itapon ang basura sa tamang lugar.
🧹 Linisin ang bakuran at paligid ng bahay.
💧 Alisin ang mga bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig.
🚯 Huwag magkalat at huwag gawing tapunan ng basura ang paligid.
🌿 Panatilihing malinis ang mga kanal at daluyan ng tubig.

Tandaan: Ang kalinisan ay hindi lamang para sa kagandahan ng ating barangay—ito ay mahalagang hakbang upang maprotektahan ang kalusugan ng ating pamilya.

🤝 Kung bawat isa ay kikilos, sama-sama nating maiiwasan ang pagkalat ng sakit at mapapanatili nating MALINIS, LIGTAS AT MALUSOG ang ating barangay!

Paalala mula sainyo Kagawad- Lupon ng Kalusugan ng Barangay






Long weekend at Maulang Sabado!Ingat po ang lahat..🩷
28/08/2026

Long weekend at Maulang Sabado!
Ingat po ang lahat..🩷

𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 | 𝐋𝐈𝐌𝐈𝐓𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐒𝐔𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐈𝐁𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐏𝐔𝐍𝐀𝐍Dahil sa walang tigil na pag-ulan, 𝐥𝐢𝐦𝐢𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐥𝐚𝐦...
13/08/2026

𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 | 𝐋𝐈𝐌𝐈𝐓𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐒𝐔𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐈𝐁𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐏𝐔𝐍𝐀𝐍

Dahil sa walang tigil na pag-ulan, 𝐥𝐢𝐦𝐢𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐩𝐫𝐢𝐛𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐩𝐮𝐧𝐚𝐧 dahil sa sobrang putik at delikadong sitwasyon ng daan.

Dahil dito, maaaring magkaroon ng 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐚𝐧𝐭𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐫𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐤𝐞𝐝𝐲𝐮𝐥 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐨𝐧𝐠𝐨𝐥𝐞𝐤𝐭𝐚 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐬𝐮𝐫𝐚 sa inyong lugar.

𝐏𝐀𝐊𝐈𝐔𝐒𝐀𝐏 𝐏𝐎 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓
• 𝐈𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐥𝐚𝐛𝐚𝐬 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐮𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐬𝐚𝐝𝐚 upang hindi maging sagabal sa daloy ng trapiko at mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.
• 𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐰𝐚𝐬𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐢𝐡𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚𝐲 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐮𝐛𝐮𝐤𝐨𝐝-𝐛𝐮𝐤𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐬𝐮𝐫𝐚 habang hinihintay ang muling pagbalik sa regular na operasyon ng facility..
• Makipagtulungan sa mga kinauukulang tanggapan at sundin ang mga susunod na abiso kaugnay ng iskedyul ng pangongolekta ng basura.

Hinihiling po ang inyong pang-unawa, pasensya at pakikipagtulungan sa pansamantalang sitwasyong ito.

𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐂𝐫𝐮𝐳, 𝐒𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠-𝐔𝐧𝐥𝐚𝐝!

Alamin natin ang tunay na Duties & Responsibilities ng isang Kagawad—mula sa paggawa ng ordinansa, pagdalo at aktibong p...
13/08/2026

Alamin natin ang tunay na Duties & Responsibilities ng isang Kagawad—mula sa paggawa ng ordinansa, pagdalo at aktibong pakikilahok sa mga sesyon, hanggang sa pakikinig at pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kabarangay.

Serbisyo ay responsibilidad. Pananagutan ay para sa lahat.

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas at sunod-sunod na ulan, hinihiling po namin ang pag-iingat ng bawat isa.✅ Iwasan...
05/08/2026

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas at sunod-sunod na ulan, hinihiling po namin ang pag-iingat ng bawat isa.

✅ Iwasan ang pagtawid sa mga baha at rumaragasang tubig.
✅ Bantayan ang mga bata at matatanda, lalo na sa mga lugar na madaling bahain.
✅ Siguraduhing malinis ang mga kanal at huwag magtapon ng basura upang maiwasan ang pagbabara.
✅ Maghanda ng flashlight, fully charged na cellphone, at mga mahahalagang gamit sakaling kailanganin.
✅ Makinig lamang sa mga opisyal na anunsyo at agad mag-ulat sa barangay kung may emergency o anumang insidenteng nangangailangan ng agarang aksyon.

Ang kaligtasan ng bawat pamilyang Patimbaoueño ang ating pangunahing layunin. Mag-ingat po tayong lahat at manatiling handa.

KAPanalig sa Serbisyong Tapat at May Integridad.🩷🩷🩷


Hindi lahat ng nag-iisa ay mahina, at hindi lahat ng maraming kakampi ay nasa tama.Minsan, ang taong pinagtatawanan, ini...
29/07/2026

Hindi lahat ng nag-iisa ay mahina, at hindi lahat ng maraming kakampi ay nasa tama.

Minsan, ang taong pinagtatawanan, iniiwasan, o iniiwan ang siyang tahimik na lumalaban para sa katotohanan.
Samantalang ang pang-aapi ay mas lumalakas kapag may mga taong nanonood, tumatawa, o nananatiling tahimik.

Piliin nating maging tao na nagtatanggol, hindi nanghuhusga.
Maging bahagi ng solusyon, hindi ng dahilan kung bakit may nasasaktan.

Ang respeto at kabutihan ay hindi kailanman naluluma.

Address

Patimbao
Santa Cruz
4009

Telephone

+639366567261

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawad Shierna B. Aquino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kagawad Shierna B. Aquino:

Shortcuts

Share

Nearby government services