Bestfriend Konsi Ambiel Panganiban

Directions

Bestfriend Konsi Ambiel Panganiban May Dangal at Galing sa Paglilingkod, ang Bestfriend ng Bayan, Ambiel Panganiban! 💙

NGITING HEALTHY, PUSONG HAPPY! 💙🥰🩺Hello po, mga Bestfriends! Magandang umaga po. 😊🫰Alam n’yo po, espesyal sa akin ang bu...
11/11/2026

NGITING HEALTHY, PUSONG HAPPY! 💙🥰🩺

Hello po, mga Bestfriends! Magandang umaga po. 😊🫰

Alam n’yo po, espesyal sa akin ang buwan ng November dahil birth month ko ito! At isa sa mga birthday wishes ko ngayong taon ay ang makapaghatid ng serbisyong tunay na mapapakinabangan ng ating mga kababayan. Kaya sobrang saya ko dahil isa sa mga kahilingang iyon ay natupad! 🥹💙

Taos-puso po akong nagpapasalamat sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at kay Ginoong Mel Robles sa pagkakataong maihatid ang Medical and Dental Mission Program dito sa Barangay Calios, sa ating mahal na Bayan ng Santa Cruz.

Espesyal din po ang aking pasasalamat sa ating ABC President Laura Panganiban Obligacion sa buong-pusong pagpapagamit ng venue dito sa Barangay Calios para sa ating programa.

Ang unang naging benepisyaryo ng programa ay ang ating mga kababayan mula sa sektor ng TODA, na kabilang sa mga lubos na nakakaramdam ng bigat ng patuloy na krisis at pagtaas ng gastusin.

Alam naman natin, mga Bestfriends, na sa likod ng bawat pasada ay may pamilyang umaasa. Kaya kahit sa simpleng paraan, napakalaking bagay na ang maipadama nating hindi sila nag-iisa. 💙

Maraming salamat din po sa ating mga BHW, doktor, dentista, aking mga masisipag na staff, at siyempre, sa aking mahal na maybahay na si Konsi Blossom Panganiban, sa kanilang oras, pagod at malasakit upang maging matagumpay ang programang ito. 🥰🙏

Alam n’yo, habang papalapit ang aking kaarawan, mas lalo kong naiisip na hindi naman kailangang engrande ang selebrasyon para maging masaya.

Minsan, ang pinakamagandang regalo sa kaarawan ay ang makitang may mga kababayan tayong napapangiti dahil sa munting tulong na naibibigay natin. 🥹💙

Kaya ngayong November, birthday ko man, mas masaya akong may pagkakataong makapagbigay kaysa tumanggap.

Maraming salamat po, mga Bestfriends! Ingat kayo palagi, mahal ko kayo! God bless po! 🫰🥰✨

HAPPY CHOOSE-DAY TUESDAY, MGA BESTFRIENDS! 💙🥰✨Hello po, mga Bestfriends! SKL lang. 😊Kahapon ay masaya nating nakasama si...
10/11/2026

HAPPY CHOOSE-DAY TUESDAY, MGA BESTFRIENDS! 💙🥰✨

Hello po, mga Bestfriends! SKL lang. 😊

Kahapon ay masaya nating nakasama si Vice Mayor Arlene Genove ng Sariaya, Quezon, sa kanyang pagbisita sa ating Sangguniang Bayan, kasama ang buong miyembro ng ating Sangguniang Bayan at mga kapwa konsehal. Siyempre, present po tayo! 😁🫰

Nakakatuwa po ang mga ganitong pagkakataon. Bukod sa kuwentuhan at kumustahan, mas napapatibay din ang magandang ugnayan at samahan ng mga kapwa lingkod-bayan. Dahil sa paglilingkod, mahalaga rin ang marunong makinig, umunawa at rumespeto sa isa't isa. 💙

At dahil Choose-day Tuesday ngayon, ito rin ang munting paalala ko sa ating lahat.

Sa panahon ngayon na ang daming nangyayari at kanya-kanya tayo ng pinagdaraanan, sana mas piliin nating maging maunawain at bukas ang isip sa bawat sitwasyon. Hindi naman natin kailangang magkapareho ng pananaw para manatiling mabuti sa isa't isa.

At kung may mga bagay na kaya namang palagpasin, palagpasin na lang natin. Minsan, mas mahalaga ang payapang puso kaysa ang laging may huling salita. 🥰

Choose kindness, choose understanding, and choose peace. Dahil araw-araw, may pagkakataon tayong piliing maging mas mabuting tao. 💙✨

Happy Choose-day po, mga Bestfriends! Sana maging magaan at maganda ang takbo ng araw ninyo. Ingat palagi, mahal ko kayo! God bless po! 🫰🥰

MAPAYAPANG ARAW NG MGA SANTO, MGA BESTFRIENDS! 🕯️💙Ngayong araw, sama-sama po nating alalahanin at ipagdasal ang ating mg...
01/11/2026

MAPAYAPANG ARAW NG MGA SANTO, MGA BESTFRIENDS! 🕯️💙

Ngayong araw, sama-sama po nating alalahanin at ipagdasal ang ating mga mahal sa buhay na nauna nang namahinga sa piling ng Panginoon.

Para sa akin, espesyal ang araw na ito dahil isa rin ako sa mga anak na nangungulila sa isang ama. Papa, marami na pong nagbago, pero ang pagmamahal, mga aral at alaala mo ay dala-dala ko pa rin sa bawat araw. 💙

Totoo pala, mga Bestfriends, may mga taong hindi na natin mayayakap, pero habang-buhay nating dadalhin sa puso.

Sa mga dadalaw po sa kanilang mga mahal sa buhay, ingat kayo sa biyahe, ha? At habang may pagkakataon, yakapin at iparamdam natin ang pagmamahal sa mga taong kasama pa natin ngayon.

Isang mahigpit na yakap sa lahat ng nangungulila. Nawa'y maging mapayapa at puno ng pagmamahal ang araw nating lahat. 🙏💙

MALIGAYANG IKA-71 KAARAWAN, KA EDUARDO V. MANALO! 💙🎂Taos-puso po ang aking pagbati kay Ka Eduardo V. Manalo, Tagapamahal...
31/10/2026

MALIGAYANG IKA-71 KAARAWAN, KA EDUARDO V. MANALO! 💙🎂

Taos-puso po ang aking pagbati kay Ka Eduardo V. Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, sa pagdiriwang ng inyong ika-71 kaarawan ngayong Oktubre 31.

Dalangin ko po ang inyong patuloy na mabuting kalusugan, lakas at marami pang makabuluhang taon ng paglilingkod.

Nawa’y patuloy po kayong pagpalain at gabayan ng ating Panginoong Dios sa inyong mga tungkulin at mabubuting layunin para sa ating kapwa.

Happy Birthday po, Ka Eduardo! Mabuhay po kayo! 💙🙏

LIGTAS NA UNDAS 2026! 🕯️💙Hello, mga Bestfriends! 🥰Sa pagdalaw natin sa ating mga mahal sa buhay na pumanaw, huwag din po...
31/10/2026

LIGTAS NA UNDAS 2026! 🕯️💙

Hello, mga Bestfriends! 🥰

Sa pagdalaw natin sa ating mga mahal sa buhay na pumanaw, huwag din po nating kalimutang alagaan ang mga mahal natin sa buhay ngayon.

Dahil sa matinding init, ugaliing magbaon ng malamig na tubig, payong at iwasan ang sobrang pagbibilad sa araw. Huwag ding kalimutang i-save ang ating mga emergency hotline para laging handa.

Mahalaga kayo sa akin, kaya ingat po tayong lahat, ha? 💙🙏🫰

— Ang inyong Bestfriend Ambiel

28/10/2026

Happy Wednesday, mga Bestfriends! 💙✨

Busy Wednesday tayo today! Sunod-sunod ang trabaho at committee meetings, pero laban lang tayo! Haha! 😁

Iba talaga kapag mahal mo ang ginagawa mo. Kahit busy, happy pa rin, lalo na kung para sa ating mga kababayan. 🥰

Magandang araw po sa inyong lahat! Stay safe and ingat kayo lagi, mga Bestfriends! 😉🫰✨

IT'S ALWAYS A GOOD VIBES MONDAY, MGA BESTFRIENDS! 💙😊SKL lang po! Last week, nagkaroon tayo ng meeting kasama ang mga kin...
26/10/2026

IT'S ALWAYS A GOOD VIBES MONDAY, MGA BESTFRIENDS! 💙😊

SKL lang po! Last week, nagkaroon tayo ng meeting kasama ang mga kinatawan ng TODA ng Santa Cruz, Mayor's Office, at representatives ng Bajaj at Motorcentral, kung saan ipinakilala at tinalakay nila ang TRICYCAB bilang isa sa mga opsyon para sa modernisasyon ng ating mga tricycle. 😅

Maganda ang pagkakaroon ng mga bagong ideya, pero para sa akin, mahalaga munang marinig ang saloobin ng ating mga driver at operator. Dahil sa bawat pagbabago, kabuhayan ng ating mga kababayan ang dapat nating isaalang-alang.

Bilang konsehal, mananatili tayong bukas sa pag-unlad, pero hindi natin kalilimutan ang kapakanan ng mamamayan. 💙

Happy Monday po! Ingat palagi at God bless! 🙏

Address

Santa Cruz

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bestfriend Konsi Ambiel Panganiban posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services