Michael Tabios Ocava, RSW, LPT

Directions

Michael Tabios Ocava, RSW, LPT IGG. Michael T. Ocava, RSW, LPT
Punong Barangay
Barangay Narra III, Silang, Cavite

𝙉𝙊𝙑𝙀𝙈𝘽𝙀𝙍 — 𝘼 𝙎𝙀𝘼𝙎𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙇𝙊𝙑𝙀, 𝙂𝙍𝘼𝙏𝙄𝙏𝙐𝘿𝙀, 𝘼𝙉𝘿 𝘾𝙀𝙇𝙀𝘽𝙍𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉. 💜November has always been very special to me. It is a season wh...
03/11/2026

𝙉𝙊𝙑𝙀𝙈𝘽𝙀𝙍 — 𝘼 𝙎𝙀𝘼𝙎𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙇𝙊𝙑𝙀, 𝙂𝙍𝘼𝙏𝙄𝙏𝙐𝘿𝙀, 𝘼𝙉𝘿 𝘾𝙀𝙇𝙀𝘽𝙍𝘼𝙏𝙄𝙊𝙉. 💜

November has always been very special to me. It is a season when we celebrate not only birthdays but, more importantly, the gift of life, meaningful connections, and the people who make our community a family.

We had the joy of celebrating the lives of our beloved 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀, 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝘀 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 (𝗣𝗪𝗗𝘀), 𝗦𝗼𝗹𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁𝘀, 𝗮𝗻𝗱 𝗺𝘆 𝗱𝗲𝗮𝗿 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆.

Every smile, every shared moment, and every birthday wish reminds us that life becomes more meaningful when celebrated together.

To all our November birthday celebrants, may your lives continue to be filled with good health, happiness, strength, and countless blessings.

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲 𝐭𝐨 𝐞𝐯𝐞𝐫𝐲𝐨𝐧𝐞! You are loved, valued, and appreciated.

This is more than just a birthday celebration. This is our season of love, unity, and gratitude. 💜

𝗠𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗮𝗿𝗿𝗮 𝟯!



𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲Isang mapayapa at makabuluhang paggunita ng Undas sa ating lahat!Ngayong araw, sama-sama nating alalahanin nan...
01/11/2026

𝗨𝗡𝗗𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟲

Isang mapayapa at makabuluhang paggunita ng Undas sa ating lahat!

Ngayong araw, sama-sama nating alalahanin nang may pasasalamat ang mga magagandang alaala, pagmamahal, at gabay na iniwan sa atin ng ating mga yumaong mahal sa buhay.

May their souls rest in eternal peace. 🕊️




🏆 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐑𝐄𝐂𝐎𝐆𝐍𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 | 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 🏆Isang karangalan, isang tagumpay, at isang patunay ng sama-samang pagliling...
27/10/2026

🏆 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐑𝐄𝐂𝐎𝐆𝐍𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 | 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟐𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 🏆

Isang karangalan, isang tagumpay, at isang patunay ng sama-samang paglilingkod! 💜

Buong puso po nating ipinagmamalaki ang mga parangal at pagkilalang ipinagkaloob ng Pamahalaang Bayan ng Silang at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Silang noong ika-22 ng Oktubre 2026.

Ang mga pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap, dedikasyon, at pagkakaisa tungo sa mas maayos, mapayapa, at responsableng pamamahala sa ating barangay.

💜 𝗛𝗶𝗴𝗵𝗹𝘆 𝗙𝘂𝗻𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝗻𝘁𝗶-𝗗𝗿𝘂𝗴 𝗔𝗯𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 (𝗕𝗔𝗗𝗔𝗖)

💜 𝗛𝗶𝗴𝗵𝗹𝘆 𝗙𝘂𝗻𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗣𝗲𝗮𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲

💜 𝗧𝗼𝗽 𝟮 – 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗢𝘂𝘁𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆 𝟮𝟬𝟮𝟲

💜 𝗢𝗻𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗧𝗼𝗽 𝟱 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗢𝘂𝘁𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝗖𝗮𝗹𝗲𝗻𝗱𝗮𝗿 𝗬𝗲𝗮𝗿 𝟮𝟬𝟮𝟲

Ang bawat parangal ay hindi lamang simbolo ng tagumpay, kundi isang paalala na ang tunay na serbisyo publiko ay nasusukat sa malasakit, integridad, pananagutan, at patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kabarangay.

Taos-puso po tayong nagpapasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Silang, sa DILG–Silang, sa ating mga opisyal ng barangay, mga kawani, mga katuwang, at sa buong komunidad na naging bahagi ng mga tagumpay na ito.

Sa ating buong team, ang mga parangal na ito ay bunga ng ating sama-samang pagsisikap. Patuloy tayong maglingkod nang may puso, dangal, at dedikasyon.

𝙈𝙖𝙡𝙖𝙮𝙤 𝙣𝙖, 𝙣𝙜𝙪𝙣𝙞𝙩 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙮𝙤 𝙥𝙖. Patuloy sa paglilingkod, patuloy sa pag-unlad, at patuloy na maghahatid ng serbisyong may malasakit para sa bawat mamamayan!

💜 Serbisyong tapat, pamamahalang mahusay, at barangay na maipagmamalaki!








Apply now! Bring BioData/Resume ✅ Production Helper ✅ Sales Promoter ✅ Warehouse Helper In partnership with PESO Silang.
27/10/2026

Apply now! Bring BioData/Resume

✅ Production Helper
✅ Sales Promoter
✅ Warehouse Helper

In partnership with PESO Silang.

🌱 HALINA’T MAGTANIM NG PRUTAS AT GULAY (HAPAG)!🍅🥬💜Bilang bahagi ng pagpapatuloy at pagpapalawak ng ating Community Garde...
27/10/2026

🌱 HALINA’T MAGTANIM NG PRUTAS AT GULAY (HAPAG)!🍅🥬💜

Bilang bahagi ng pagpapatuloy at pagpapalawak ng ating Community Garden Project, tayo po ay nakipag-ugnayan sa Department of Agriculture Silang, katuwang ang Office of the Municipal Mayor sa pangunguna ng ating minamahal na Mayor Gen. Ted Carranza upang higit pang mapalago ang ating programang naglalayong palakasin ang seguridad sa pagkain at hikayatin ang bawat pamilya na magtanim ng sariling prutas at gulay.

Taos-puso rin po ang ating pasasalamat kay Kuya Bob Ariel Bob Bibit sa kanyang donasyon na Sun Screen Net, na malaking tulong upang mapangalagaan ang ating mga tanim at masuportahan ang patuloy na pag-unlad ng ating Community Garden. 🌿💜

Maraming salamat din sa lahat ng ating partners, volunteers, at mga indibidwal na patuloy na nagbibigay ng oras, suporta, at malasakit upang maisakatuparan ang proyektong ito.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang ating munting hardin upang mas marami pang kabahayan ang mahikayat na magtanim, mag-alaga ng kalikasan, at makibahagi sa pagbuo ng isang mas luntian, mas masustansiya, at mas masaganang pamayanan.

Sa bawat punlang ating itinatanim, may pag-asang inaalagaan. Sa bawat bungang ating aanihin, may pamilyang makikinabang.🌱💜💜

Sama-sama nating isulong ang HAPAG tungo sa isang masaganang pamayanan!








𝐃𝐀𝐘 11 𝐎𝐅 𝟏𝟐 𝐌𝐎𝐍𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐅𝐄𝐄𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 💜𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐌𝐨𝐧𝐝𝐚𝐲 𝐢𝐬 𝐚 𝐁𝐥𝐞𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠!🙏💜Labing-isang Lunes na ang lumipas, labing-isang pagka...
26/10/2026

𝐃𝐀𝐘 11 𝐎𝐅 𝟏𝟐 𝐌𝐎𝐍𝐃𝐀𝐘𝐒 𝐅𝐄𝐄𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 💜

𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲 𝐌𝐨𝐧𝐝𝐚𝐲 𝐢𝐬 𝐚 𝐁𝐥𝐞𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠!🙏💜

Labing-isang Lunes na ang lumipas, labing-isang pagkakataon na naman upang maghatid ng biyaya, malasakit, at pagmamahal sa ating mga kabarangay.

Ang ating 12 Mondays Feeding Program ay patuloy na nagpapatunay na sa simpleng paghahandog ng pagkain, naipaparamdam natin ang tunay na diwa ng pagkakaisa at paglilingkod sa komunidad.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mga masisipag na volunteers at generous partners na patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa programang ito. Ang inyong kabutihan ay malaking bahagi ng tagumpay ng ating adhikain. 💜🙏

Dalawang Lunes na lamang, ngunit ang ating hangaring maglingkod at magbahagi ng biyaya ay patuloy na mananatili.

Sama-sama sa malasakit, sama-sama sa paglilingkod! 💜💜💜








26/10/2026

This is the Barangay Narra III Council Regular Session
October 6, 2026 | 10AM
In front of People's Hall, Barangay Narra III, Silang, Cavite

🧹 BARANGAY KALINISAN DAY📅 October 25, 2026Nakakalungkot po na hanggang ngayon, marami pa rin tayong nakikitang basura sa...
25/10/2026

🧹 BARANGAY KALINISAN DAY
📅 October 25, 2026

Nakakalungkot po na hanggang ngayon, marami pa rin tayong nakikitang basura sa ating mga daanan—at maging sa mismong tapat ng ating mga tahanan.

Pakiusap po sa ating mga kabarangay:
Huwag po nating hintayin na may maglinis bago natin panatilihing malinis ang ating paligid.

Ang kalinisan ay hindi lamang trabaho ng barangay. Responsibilidad nating lahat.

👉 Tapat Ko, Linis Ko. Tapat Mo, Linis Mo.
👉 Itapon ang basura sa tamang lugar.
👉 Panatilihing malinis ang harapan ng inyong tahanan.

Maliit na disiplina mula sa bawat tahanan, malaking pagbabago para sa buong Barangay Narra 3.

Sama-sama nating panatilihing malinis, maayos at ligtas ang ating barangay. 💜

Galing, Husay at Puso sa Paglilingkod.

Address

Barangay Narra III
Silang
4118

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Michael Tabios Ocava, RSW, LPT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby government services