12/11/2026
18 BENEPISYARYO SA CALBIGA, SAMAR, TUMANGGAP NG LIVELIHOOD GRANT MULA SA MTD
Matagumpay na isinagawa ng Office of the Vice President – Eastern Visayas Satellite Office (OVP-EVSO) ang awarding ng Mag Negosyo Ta ’Day (MTD) Program noong Nobyembre 6, 2026, sa ABC Hall, Calbiga, Samar, para sa 18 benepisyaryo mula sa nasabing bayan.
Sa ilalim ng programa, bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱15,000 na livelihood grant, na may kabuuang halagang ₱270,000. Magsisilbi itong karagdagang puhunan upang mapalago at mapatatag ang kanilang mga kasalukuyang maliliit na negosyo.
Sa tulong ng karagdagang puhunan, inaasahang mas mapauunlad ng mga benepisyaryo ang kanilang mga negosyo, mapatatag ang kanilang pinagkukunan ng kita, at masuportahan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga pamilya.
Patuloy na isinusulong ng OVP-EVSO sa pamamagitan ng MTD Program ang pagbibigay ng oportunidad at suporta sa mga micro-entrepreneur upang mapalago ang kanilang kabuhayan at makamit ang mas matatag na kinabukasan.