11/11/2026
𝐌𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓𝐎, 𝐈𝐖𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐀𝐌𝐒!
Huwag basta magtiwala. Maging mapanuri sa bawat online transaction, investment, at financial offer. Alamin ang iba't ibang uri ng scams at kung paano maiiwasan ang mga ito.
𝐀𝐋𝐖𝐀𝐘𝐒 𝐃𝐎 𝐓𝐇𝐄 𝐂-𝐏-𝐑!
𝐂 - 𝐂𝐇𝐄𝐂𝐊
Mag-isip muna bago mag-click ng links. Palaging i-verify ang sources at i-check ang impormasyon gamit ang BSP Verifier.
𝐏 - 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐂𝐓
Gumamit ng strong passwords. Huwag kailanman ibahagi ang iyong personal at financial information, PIN, at OTP.
𝐑 - 𝐑𝐄𝐏𝐎𝐑𝐓
Agad na i-report sa iyong bank o e-money issuer ang anumang suspicious transactions o posibleng fraudulent activities.
𝐂𝐎𝐌𝐌𝐎𝐍 𝐒𝐂𝐀𝐌𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐅𝐑𝐀𝐔𝐃
Mag-ingat sa mga sumusunod na uri ng financial at digital scams.
Skimming - Palihim na pagkopya o pagkuha ng card information gamit ang hidden devices habang nagsasagawa ng legitimate transactions.
Jackpotting - Paglalagay ng malicious software sa ATM upang makontrol ang functions nito at makakuha ng pera nang walang pahintulot.
Card Cloning - Paggawa ng counterfeit credit, debit, o ATM cards gamit ang nakuhang card information upang makapagsagawa ng fraudulent purchases o withdrawals.
Identity Theft - Paggamit ng personal o financial information ng ibang tao upang magsagawa ng unauthorized transactions.
Text Scam or Smishing (SMS Phishing) - Pagpapadala ng fraudulent text messages upang makuha ang personal information, account details, o pera ng biktima.
Phishing - Pagpapadala ng pekeng emails na naglalayong nakawin ang personal information, passwords, at banking details.
Vishing (Voice Phishing) – Paggamit ng phone calls o voice messages upang magpanggap na trusted individuals o institutions at makakuha ng sensitive information ng biktima.
Quishing (QR Phishing) - Paggamit ng malicious QR codes upang dalhin ang biktima sa fake websites, nakawin ang personal information, o mag-download ng malware.
Website Spoofing - Paggawa ng pekeng websites na ginagaya ang itsura ng legitimate websites upang makuha ang sensitive information ng users.
Fake Documents - Paggawa o paggamit ng fraudulent documents na nagsisilbing pekeng patunay ng deposits, fund transfers, gold reserves, securities, o investments.
Ponzi Scam - Pangakong malaking returns sa maikling panahon kung saan ginagamit ang pera ng bagong investors upang bayaran ang naunang investors.
Pyramiding Scam - Pag-aalok ng kita kapalit ng pagre-recruit ng bagong members o investors. Nakadepende ang earnings sa perang nanggagaling sa mga bagong recruits.
Advance Fee Fraud - Paniningil ng upfront payment o advance fee kapalit ng isang produkto, serbisyo, loan, o payout na hindi naman talaga ibibigay.
Love Scams (Romance and Dating Fraud) - Pagsasamantala sa emosyon at tiwala ng isang tao upang makahingi ng pera, gifts, o personal information.
Recruitment Fraud - Pag-aalok ng pekeng job opportunities upang makakolekta ng application fees, processing fees, o personal information mula sa job seekers.
SIM Card Fraud - Paggamit o pagkuha ng SIM card information upang makuha ang OTPs, passwords, at authentication details upang ma-access ang accounts ng biktima.
Unauthorized Online Lenders - Mga nagpapanggap na nagbibigay ng loans sa ngalan ng legitimate financial institutions kahit wala silang legal na pahintulot o awtorisasyon.
𝐓𝐀𝐍𝐃𝐀𝐀𝐍!
Hindi lahat ng online offers, investment opportunities, at loan advertisements ay legitimate. Palaging mag-verify bago magtiwala o maglabas ng pera.
𝐒𝐈𝐆𝐍𝐒 𝐎𝐅 𝐅𝐑𝐀𝐔𝐃 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐂𝐀𝐌
Posibleng scam ang isang offer kapag:
• Sinabihan kang nanalo sa lottery o raffle na hindi mo naman sinalihan.
• Pinipilit kang magdesisyon agad dahil mawawala ang opportunity.
• Pinili ka para makatanggap ng special offer, incentive, o free gift.
• Kailangan mong magbayad ng shipping fee bago matanggap ang iyong prize o gift.
• Nangangako ng high returns na walang risk o may 100% guaranteed return on investment.
• Humihingi ng personal information gaya ng bank account number, credit card number, PIN, at passwords sa pamamagitan ng email o messages.
• Walang maipakitang written records o official transaction documents.
• Hindi registered o regulated ang institusyon sa kinauukulang regulatory body.
• Mobile number lamang ang ibinigay na contact information.
• Gumagamit ng testimonials o success stories na hindi mo kayang i-verify.
𝐖𝐇𝐀𝐓 𝐓𝐎 𝐃𝐎 𝐓𝐎 𝐀𝐕𝐎𝐈𝐃 𝐒𝐂𝐀𝐌𝐒
Maging matalino at mapanuri. Sundin ang mga hakbang na ito upang maprotektahan ang iyong pera.
1. Stop. Think. Be Skeptical. Huwag magpadalos-dalos sa pagdedesisyon. Maglaan ng oras upang suriin ang offer bago bumili, pumirma, o magbigay ng pera.
2. Do Your Due Diligence. Magsaliksik tungkol sa investment at sa mga taong makakatransaksyon mo. Siguraduhing naiintindihan mo ang investment bago maglabas ng pera.
3. Get Everything in Writing. Humingi ng written information at dokumento bago magbigay ng anumang halaga.
4. Verify the Institution. Suriin kung legitimate at registered ang investment company sa pamamagitan ng kaukulang regulatory agency.
5. Never Pay to Claim a Prize. Huwag magpadala ng pera para sa taxes, fees, o prepaid cards kapalit ng lottery winnings o prizes na hindi mo naman sinalihan.
6. Protect Your Identity. Huwag basta magbigay ng personal information. Kapag napag-alamang compromised ang iyong identity, agad itong i-report sa iyong bank o credit card issuer.
7. Be Careful with Calls and Emails. Huwag magbigay ng account details sa phone calls kung hindi tiyak ang pagkakakilanlan ng caller. Huwag mag-reply sa suspicious emails o magbukas ng unfamiliar attachments.
8. Avoid Suspicious Links. Huwag basta mag-click ng links mula sa emails, messages, o pop-ups. I-type mismo ang official website address upang makasigurong lehitimo ang iyong pinupuntahang website.
9. Monitor Your Credit Card. Bantayan ang iyong credit card sa tuwing ginagamit ito. Wasakin nang maayos ang old cards, receipts, at billing statements bago itapon.
10. Stay Calm and Verify. Huwag agad maniwala sa mga tawag na humihingi ng pera kapalit ng kaligtasan ng isang kidnapped o hospitalized na kapamilya. Kumpirmahin muna ang sitwasyon sa ibang miyembro ng pamilya bago kumilos.
𝐓𝐇𝐈𝐍𝐊 𝐁𝐄𝐅𝐎𝐑𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐂𝐋𝐈𝐂𝐊. 𝐕𝐄𝐑𝐈𝐅𝐘 𝐁𝐄𝐅𝐎𝐑𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐓𝐑𝐔𝐒𝐓. 𝐑𝐄𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐈𝐍 𝐃𝐎𝐔𝐁𝐓.
Sources:
https://www.bsp.gov.ph/SitePages/FinancialStability/BSPVerifier.asp
https://www.bsp.gov.ph/Media_and_Research/Primers%20Faqs/Fraud.pdf