29/05/2026
CAMO MEMBER, TULUYAN NANG TUMALIKOD SA MAKAKALIWANG GRUPO SA LA PAZ, TARLAC
Camp Gen. Francisco S. Macabulos, San Vicente, Tarlac City – Tuluyan nang tinalikuran ng isang dating tagasuporta ng makakaliwang grupo ang kaniyang kaugnayan sa kilusan matapos boluntaryong bawiin ang suporta at isuko ang kaniyang baril sa La Paz Municipal Police Station noong Mayo 29, 2026.
Sa pangunguna ng La Paz MPS, katuwang ang PIU-Tarlac PPO at RIU-PRO3, matagumpay na naisagawa ang withdrawal of support ng isang 52 taong gulang na lalaki na dating miyembro ng Alyansang Manggagawang Bukid ng Asyenda Luisita (AMBALA).Kasabay nito ay isinuko rin ng nasabing indibidwal ang isang improvised shotgun.
Ayon kay PCOL JOEL L. MENDOZA, Provincial Director, patuloy ang pagsisikap ng Tarlac PPO na hikayatin ang mga dating kaanib at tagasuporta ng makakaliwang grupo na magbalik-loob at mamuhay nang mapayapa kasama ang kanilang pamilya at komunidad. # # #
29/05/2026
MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA SAN JOSE, TARLAC
Camp Gen. Francisco S. Macabulos, San Vicente, Tarlac City – Naaresto ng Tracker Team ng San Jose Municipal Police Station ang isang Most Wanted Person sa municipal level sa isinagawang manhunt operation ngayong Mayo 29, 2026, sa San Jose, Tarlac.
Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code na inisyu ni Hon. Francis William M. Espinola, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 112, Camiling, Tarlac, na may Criminal Case No. 2026-87 dated May 26, 2026 at may inirekomendang piyansa na Php108,000.00.
Ayon kay PCOL JOEL L. MENDOZA, Provincial Director, patuloy ang pinaigting na operasyon ng Tarlac PPO laban sa mga wanted persons upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. # # #
29/05/2026
ISANG LALAKI, ARESTADO SA KASONG PAGNANAKAW SA TARLAC CITY
Camp Gen. Francisco S. Macabulos, San Vicente, Tarlac City – Agad na naaresto ng mga tauhan ng Tarlac City Police Station ang isang 27 taong gulang na lalaki matapos tangkaing nakawin ang isang mountain bike sa isang Subdivision sa Tarlac City noong Mayo 28, 2026.
Nakita ng biktima ang suspek na papasok sa kanilang bakuran at tinatangay ang mountain bike na nagkakahalaga ng Php15,000.00. Agad siyang humingi ng tulong sa pulisya dahilan upang mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Tarlac City PS na nagresulta sa agarang pagkakaaresto ng suspek habang palabas ng lugar sakay ng nasabing bisikleta.
Ayon kay PCOL JOEL L. MENDOZA, Provincial Director, patunay ang insidenteng ito ng mabilis at maagap na pagtugon ng kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad. # # #
28/05/2026
RANK 6 MUNICIPAL MOST WANTED PERSON NG CONCEPCION, ARESTADO
Camp Gen. Francisco S. Macabulos, San Vicente, Tarlac City – Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Concepcion Municipal Police Station, RID3-IOS, RMFB3 Intelligence Section, at 1st PMFC Tarlac ang 36 taong gulang, na kabilang sa Rank 6 Municipal Most Wanted Person ng Concepcion MPS, noong Mayo 28, 2026 sa Baliuag, Bulacan.
Ang akusado ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Section 5(i) ng RA 9262 o Violence Against Women and Their Children Act sa ilalim ng Criminal Case No. CC 431-STM-2019 na may inirekomendang piyansa na Php72,000.00.
Naging matagumpay ang operasyon sa tulong ng PRO3 Cyber Patroller-RID3 na nagsagawa ng social media elicitation at validation upang matukoy ang kinaroroonan ng akusado. Ang warrant ay inisyu ni Hon. April Anne M. Turqueza-Pabellar, Presiding Judge ng Family Court, Third Judicial Region, Branch 6, Sta. Maria, Bulacan noong Mayo 12, 2026.
Ayon kay PCOL JOEL L. MENDOZA, Provincial Director, patuloy ang pinaigting na manhunt operations at paggamit ng makabagong teknolohiya ng kapulisan upang mapanagot sa batas ang mga wanted persons. # # #
28/05/2026
₱137K HALAGANG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST; 28-ANYOS NA BABAE, ARESTADO
Camp General Francisco S Macabulos, Tarlac City - Kalaboso ang isang 28-anyos na babae na itinuturing na Street Level Individual (SLI) matapos maaresto sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Tarlac City Police Station sa koordinasyon ng PDEA RO3 noong umaga ng Mayo 28, 2026 sa Tarlac City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nakumpiska mula sa suspek ang apat (4) na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 20.27 gramo at tinatayang Standard Drug Price na PhP137,836.00. Narekober din ang marked money, isang Android cellphone, at iba pang personal na gamit.
“Patuloy ang pinaigting na kampanya ng Tarlac PPO laban sa ilegal na droga. Hindi kami titigil sa pagsasagawa ng mga operasyon upang mapanatili ang kaligtasan ng komunidad at mapanagot ang mga sangkot sa ilegal na gawain.” – PCOL JOEL LUZUNG MENDOZA, Provincial Director. # # #
28/05/2026
59-ANYOS NA LALAKI, TIMBOG SA KASONG ATTEMPTED HOMICIDE SA TARLAC
Camp General Francisco S Macabulos, Tarlac City — Bumagsak sa kamay ng Tarlac PNP ang isang 59-anyos na lalaki na kabilang sa Other Wanted Persons (OWP) matapos maaresto ng mga operatiba ng Warrant Personnel ng Tarlac City Police Station sa isinagawang operasyon noong Mayo 27, 2026 sa Tarlac City.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng Alias Warrant of Arrest para sa kasong Attempted Homicide sa ilalim ng criminal case no. 8307-01 na may petsang Hunyo 5, 2002 na inisyu ni Hon. Marvin B. Mangino, Judge ng MTC Branch 1, Tarlac City na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng PhP12,000.00.
“Walang puwang ang pagtatago sa batas. Maaaring tumagal ang panahon, ngunit mananatiling pursigido ang kapulisan ng Tarlac sa pagtugis sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanagot sila sa kanilang mga kaso.” –PCOL JOEL LUZUNG MENDOZA, Provincial Director. # # #
27/05/2026
LALAKI ARESTADO SA IKINASANG POLICE OPERATION NG PNP SA VICTORIA, TARLAC
Camp Gen. Francisco S. Macabulos, San Vicente, Tarlac City – Matagumpay na naipatupad ng Victoria Municipal Police Station ang isang Search Warrant operation laban sa 33 taong gulang na binata sa Victoria, Tarlac ngayong umaga ng Mayo 27, 2026.
Ang nasabing Search Warrant na isinilbi ng mga operatiba ng Victoria MPS ay inisyu ni Hon. Jane T. Yap-Evangelista, Presiding Judge ng 3rd Municipal Circuit Trial Court, Victoria, Tarlac para sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakasamsam ng isang homemade caliber .38 revolver na walang serial number at tatlong piraso na bala ng caliber .38.
Ayon kay PCOL JOEL L. MENDOZA, Provincial Director, patuloy ang pinaigting na kampanya ng Tarlac PPO laban sa ilegal na pag-iingat ng baril upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa lalawigan. # # #
26/05/2026
LALAKI, ARESTADO SA KASONG ROBBERY SA TARLAC CITY
Camp Gen. Francisco S. Macabulos, San Vicente, Tarlac City – Matagumpay na naaresto ng Warrant Personnel ng Tarlac City Police Station ang 42 taong gulang, isang wanted person, hapon ng Mayo 26, 2026 sa Tarlac City.
Ang akusado ay inaresto sa bisa ng Alias Warrant of Arrest para sa kasong Robbery na may Criminal Case No. 6299-2017 na inisyu ni Hon. Maria Roma Flor A. Ortiz, Presiding Judge ng RTC Branch 63, Tarlac City noong Oktubre 26, 2017 na may inirekomendang piyansa na Php24,000.00.
Ayon kay PCOL JOEL L. MENDOZA, Provincial Director, patuloy ang pinaigting na manhunt operations ng Tarlac PPO laban sa mga wanted person upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. # # #
25/05/2026
58 LAW VIOLATORS ARRESTED BY TARLAC PNP ON A WEEK-LONG ANTI-CRIME DRIVE
Camp General Francisco S Macabulos, Tarlac City – The intensified anti-crime campaign of the Tarlac Police Provincial Office resulted in the arrest of 58 law violators in a province-wide police operations covering the period from May 18 to 24, 2026.
Out of the 58 total number of arrested individuals, 13 were apprehended for illegal drugs, 23 for illegal gambling, 19 by virtue of warrants of arrest, 1 through the implementation of search warrant, and 2 in other police operations.
Meanwhile, Tarlac PNP seized 20.9 grams of suspected shabu with a standard drug price of Php141,882.00. Moreover, Php5,385.00 bet money was confiscated in connection with illegal gambling operations; two (2) fi****ms were seized in other police operations; three (3) fi****ms were voluntarily surrendered through Oplan Katok; one (1) firearm was confiscated during the service of a search warrant; and three (3) fi****ms were recovered through other operation.
The Tarlac Police Provincial Office assured the public of its unwavering commitment to maintaining peace and order in the province. PCOL JOEL L MENDOZA, Provincial Director, emphasized that the Tarlac PNP will continue to strengthen its anti-criminality operations and law enforcement initiatives to ensure a safer and more secure community for all Tarlaqueños. # # #
23/05/2026
ISANG LALAKI ARESTADO SA PAGLABAG SA RA 10591 SA PANIQUI, TARLAC
Camp General Francisco S. Macabulos, San Vicente, Tarlac City – Matagumpay na naipatupad ng Paniqui Municipal Police Station ang isang Search Warrant operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng 37 taong gulang na lalaki na suspek sa Paniqui, Tarlac madaling araw ng Mayo 23, 2026.
Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng Search Warrant na inisyu ni Hon. Luis C. Velasquez, Presiding Judge ng RTC Branch 105, Paniqui, Tarlac.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang caliber .45 pistol, isang magazine, at walong piraso ng bala ng caliber .45 na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto para sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act.
Ayon kay PCOL JOEL L. MENDOZA, Provincial Director, patuloy ang pinaigting na operasyon ng kapulisan laban sa illegal na pag-iingat ng baril upang mapanatili ang seguridad at kaayusan sa lalawigan. # # #
22/05/2026
PINASINAYAAN ANG BAGONG RENOVATED OPISINA NG PIU, PIDMU AT PIO, TARLAC POLICE PROVINCIAL OFFICE
Camp General Francisco S. Macabulos, San Vicente, Tarlac City - Pormal na pinasinayaan ngayong Mayo 22, 2026 sa Camp General Francisco S. Macabulos, San Vicente, Tarlac City ang bagong renovated na tanggapan ng Provincial Intelligence Unit, Provincial Investigation and Detective Management Unit, at Public Information Office ng Tarlac Police Provincial Office.
Pinangunahan ito ni Hon. Noel “Bong” N. Rivera, Congressman, 3rd District of Tarlac, kasama sina PCOL REYNALDO S OGAY, Jr., DRDA, PMAJ ALDRIC A ERANA, OIC, RLRDD, command group and staff, other commissioned and non-commissioned officers, and non-uniformed personnel ng Tarlac PPO, bilang bahagi ng pagpapalakas ng serbisyo publiko at pagpapabuti ng pasilidad ng kapulisan. Dumating din si Hon. Christian Tell A Yap, Governor Tarlac Province upang makiisa sa nasabing aktibidad.
Binigyang-diin sa programa ang kahalagahan ng maayos at modernong opisina upang higit pang mapahusay ang operasyon at serbisyong ihahatid sa mamamayan, alinsunod sa adhikain ng PNP na maging tunay na “Bagong PNP, para sa Bagong Pilipinas, Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman”. – PCOL JOEL L LUZUNG, Provincial Director. # # #