Polo National High School Valenzuela City

Directions Contact the organization

Polo National High School Valenzuela City This is the Official page of Polo National High School - Valenzuela City

Ang buong kagawaran ng Polo National High School ay taos-pusong nagpapasalamat sa PNP Valenzuela City Police Station, sa...
25/09/2026

Ang buong kagawaran ng Polo National High School ay taos-pusong nagpapasalamat sa PNP Valenzuela City Police Station, sa ating Schools Division Superintendent, Sir Noel D. Bagano, at higit sa lahat, sa ating minamahal na Mayor Wes Gatchalian para sa kanilang agarang pagtugon at pakikipagtulungan upang matukoy ang sangkot sa kumalat na pananakot at banta sa ilang mag-aaral sa ating paaralan. 🫡

Lubos din ang aming pasasalamat sa pagbibigay ng seguridad at proteksyon sa buong komunidad ng Polo National High School, lalo na sa pagtiyak ng kaligtasan ng buong kawani ng paaralan higit lalo sa lahat ng ating mag-aaral. ✨

Ang inyong suporta, malasakit, at mabilis na aksyon at napakalaking tulong upang mapanatili ang kaayusan, kapanatagan, at kaligtasan sa aming paaralan. ❤️

Update kaugnay sa Online Threat sa Polo NHSMaraming salamat sa patuloy na pag-imbestiga, PNP VALENZUELA CITY POLICE STAT...
25/09/2026

Update kaugnay sa Online Threat sa Polo NHS

Maraming salamat sa patuloy na pag-imbestiga, PNP VALENZUELA CITY POLICE STATION! 🫡

UPDATE: Online Threat sa Polo National High School, Na-trace sa Kapwa Menor de Edad

Patuloy ang ginagawang pag-iingat at pagproseso ng Valenzuela City Police Station (VCPS) kaugnay ng viral online threat na kinasasangkutan ng mga menor de edad mula sa Polo National High School.

Batay sa isinagawang follow-up investigation at koordinasyon ng mga awtoridad, natukoy ang isang menor de edad na umano’y nasa likod ng pagpapadala ng naturang mensahe ng pagbabanta sa pamamagitan ng Messenger. Sa isinagawang pag-uusap at kaukulang proseso, umamin umano ang naturang menor-de-edad sa pagpapadala ng mensahe ng pagbabanta.

Dahil parehong menor de edad ang mga sangkot, patuloy na isinasagawa ng Valenzuela police sa pamamahala ni PCOL Joseph G Talento, Chief of Police, ang mga hakbang na naaayon sa child protection protocols at sa umiiral na mga batas at alituntunin sa pangangalaga sa mga bata.

Ang naturang menor de edad ay isasailalim sa counselling at iba pang kaukulang intervention at assessment sa City Child Protection Center, alinsunod sa nararapat na proseso para sa mga batang nasasangkot sa ganitong insidente.

Samantala, patuloy ang koordinasyon ng VCPS at Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa school authorities, City Child Protection Center, at iba pang concerned agencies upang matiyak ang kapakanan ng mga batang sangkot at mapanatili ang seguridad sa paaralan.

Muling binibigyang-diin ng Valenzuela City Police Station na seryosong tinutugunan ang bawat ulat ng banta, online man o personal, lalo na kung may kinalaman sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Hinihikayat ang lahat na maging maingat sa paggamit ng social media at messaging platforms. Ang pagpapadala ng banta, kahit ito ay ginawa online o sinasabing biro lamang, ay maaaring magdulot ng takot at pangamba at maaari ring magkaroon ng kaukulang legal at intervention process.

Patuloy ang Valenzuela City Police Station at Pamahalaang Lungsod sa pakikipagtulungan sa mga paaralan, magulang, at iba pang stakeholders upang mapanatiling ligtas ang mga paaralan at maprotektahan ang kapakanan ng ating mga kabataan.
🖊Beng Samson




Happy birthday to our School Principal, Dr. Djoana L. Poja! ✨❤️
25/09/2026

Happy birthday to our School Principal, Dr. Djoana L. Poja! ✨❤️

𝙃𝙖𝙥𝙥𝙞𝙚𝙨𝙩 𝘽𝙞𝙧𝙩𝙝𝙙𝙖𝙮, 𝘿𝙤𝙘 𝘿𝙟𝙤𝙖𝙣𝙖 𝙇. 𝙋𝙤𝙟𝙖! 🎉

Today, we celebrate not only another wonderful year of life but also the dedication and passion leadership you bring to our community every single day. Thank you for being a constant source of inspiration, guiding us with your wisdom, and leading by example.

May your special day be filled with joy, warmth, and well-deserved celebration surrounded by tour mloved ones. We wish you a good health, continued success, and greater achievements. ✨🎉

𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞 𝐩𝐨 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐛𝐚𝐛𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐨𝐥𝐨 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥!Matapos masagap ang pagbabanta, bandang alas-3 ng hapo...
24/09/2026

𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞 𝐩𝐨 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐜𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐛𝐚𝐛𝐚𝐧𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐨𝐥𝐨 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥!

Matapos masagap ang pagbabanta, bandang alas-3 ng hapon ay kaagad na pumunta ang ating kapulisan sa Polo National High School upang mag-imbestiga.

Mga 6 pm, sa tulong ng Barangay Pulo, Anti-Cybercrime Group (ACG), at Task Force on Fraternities and Gangs Intervention and Prevention (TAFFGIP), ay mabilis na natukoy at nadala ang mga pinaghihinalaang sangkot sa PNP Valenzuela City Police Station– Women and Children Protection Desk (VCPS-WCPD) para sa kaukulang proseso at patuloy na imbestigasyon.

Patuloy nating binabantayan ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad.
💙🙏
- Mayor WES Gatchalian

FYI Polonians!
17/09/2026

FYI Polonians!

Read:

AFTERNOON FACE-TO-FACE CLASSES SUSPENDEDItinaas na sa ORANGE Rainfall Warning ang ilang bahagi ng Metro Manila, kabilang...
09/09/2026

AFTERNOON FACE-TO-FACE CLASSES SUSPENDED

Itinaas na sa ORANGE Rainfall Warning ang ilang bahagi ng Metro Manila, kabilang po ang Valenzuela City, as of 8:00 AM ngayong araw, September 9, 2026, dulot ng Habagat.

Dahil dito, SUSPENDIDO ang PANGHAPON na FACE-TO-FACE classes sa lahat ng antas (pampubliko at pribado) sa Lungsod ng Valenzuela.

Diskusyon ng paaralan kung anong alternative mode of learning ang ipatutupad matapos ang suspensyon ng klase.

Bilang pag-iingat po dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan ngayong umaga, MAGPAPATULOY po ang MORNING CLASSES at maaaring sunduin ang mga estudyante pagsapit ng uwian ng kanilang mga magulang o guardian.

Mag-iingat po ang lahat.

07/09/2026

𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬, 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝐅𝐚𝐜𝐞 𝐭𝐨 𝐟𝐚𝐜𝐞 𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬𝐞𝐬 𝐚𝐫𝐞 𝐬𝐮𝐬𝐩𝐞𝐧𝐝𝐞𝐝. 𝐀𝐥𝐥 𝐥𝐞𝐯𝐞𝐥𝐬, 𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐫𝐢𝐯𝐚𝐭𝐞

07/09/2026

𝐘𝐞𝐥𝐥𝐨𝐰 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐟𝐚𝐥𝐥 𝐖𝐚𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐌𝐞𝐭𝐫𝐨 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚.

Awtomatikong suspendido ang face-to-face classes.

Mga magulang, pakisundo na po ang inyong mga anak. Mga estudyante, maghanda nang umuwi habang hindi pa lumalakas ang buhos ng ulan.

Mag-ingat po tayong lahat.

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 4Pursuant to Memorandum Circular No. 134, alternative learning modes...
03/09/2026

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 4

Pursuant to Memorandum Circular No. 134, alternative learning modes and learning continuity measures shall be implemented at all levels in public and private educational institutions in the National Capital Region and the following provinces on September 4, 2026, unless their respective Local Chief Executives direct the cancellation or suspension of classes:

📍 National Capital Region (NCR)
📍 Ilocos Norte
📍 Ilocos Sur
📍 La Union
📍 Pangasinan
📍 Abra
📍 Benguet
📍 Zambales
📍 Bataan
📍 Bulacan
📍 Tarlac
📍 Pampanga
📍 Cavite
📍 Laguna
📍 Batangas
📍 Occidental Mindoro

The measure is in view of the anticipated continued heavy rainfall associated with the enhanced Southwest Monsoon (Habagat) and poor air quality in the NCR caused by haze from severe forest and peatland fires in Kalimantan and Sumatra, Indonesia.

Localized cancellation or suspension of classes in other areas may be implemented by their respective Local Chief Executives.

Address

PVES Compound, M. H. Del Pillar Street
Valenzuela
1444

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Polo National High School Valenzuela City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Polo National High School Valenzuela City:

Shortcuts

Share

Category

Nearby government services