23/10/2026
📚💙 MAKIISA PARA SA MAS MASIGLANG PAGKATUTO! 💙📚
Ang Caruhatan East Elementary School ay tumatanggap ng mga donasyon para sa ating School Library, lalo na ng mga aklat at iba pang babasahin na makatutulong sa paglinang ng kaalaman, kasanayan sa pagbasa, at pagmamahal sa pag-aaral ng ating mga mag-aaral. 📖✨
Anumang donasyon, maliit man o malaki, ay malaking tulong upang mas marami pang bata ang magkaroon ng pagkakataong matuto, mangarap, at maabot ang kanilang mga mithiin. ❤️
🤝 Makibahagi, magbahagi, at maging bahagi ng paghubog sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral!
📍 Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa donasyon, mangyaring bumisita sa Caruhatan East Elementary School.
Maraming salamat sa inyong kabutihang-loob at patuloy na suporta sa ating paaralan! Sama-sama nating palawakin ang kaalaman ng bawat batang Caruhateño sa pamamagitan ng pagbabasa. 🥰📚
“Bawat aklat na ibinabahagi ay isang pangarap na pinagyayaman.” 💖