21/06/2026
Para sa mga Haligi ng bawat Tahanan!
Maraming salamat po!💚
This is the updated and official page of the SK Municipal Federation of Bauan 💚
21/06/2026
Para sa mga Haligi ng bawat Tahanan!
Maraming salamat po!💚
19/06/2026
Isang mainit na pagbati sa SK Chairperson ng Barangay Manalupang, Bauan, Batangas na si Hon. Jorlius A. Casapao, sa kaniyang pagtatapos sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Marketing Management.
Saludo kami sa iyong dedikasyon at nawa ay ipagpatuloy mo ang pagsisilbi para sa bayan at para sa kabataan.
Pagbati sa iyo, SK Jorlius! 🎓✨
18/06/2026
Isang mainit na pagbati ng maligayang kaarawan sa SK Chairperson ng Barangay San Diego, Bauan, Batangas, Hon. Mark Macalom!
Continue to lead with passion and dedication, and may the light of the Lord shine brightly on you today.
Happy Birthday, SK Mark!💚🎉
18/06/2026
Isang mainit na pagbati ng maligayang kaarawan sa SK Chairperson ng Barangay Balayong, Bauan, Batangas, Hon. Paul Andrei Salcedo!
Continue to lead with passion and dedication, and may the light of the Lord shine brightly on you today.
Happy Birthday, SK Paul!💚🎉
18/06/2026
Isang mainit na pagbati ng maligayang kaarawan sa SK Chairperson ng Barangay Rizal, Bauan, Batangas, Hon. PJ Gonda!
Continue to lead with passion and dedication, and may the light of the Lord shine brightly on you today.
Happy Birthday, SK PJ!💚🎉
18/06/2026
Masayang nagsama-sama ang mga miyembro ng Local Youth Development Council (LYDC) para sa ating 2nd Quarterly Meeting ngayong araw, June 18, 2026 ❤️
Tinalakay ang mga concerns, mungkahi, at prayoridad ng kabataan bilang bahagi ng pagbuo ng Local Youth Development Plan (LYDP), gayundin ang mga programa, proyekto, at aktibidad na isasagawa para sa patuloy na pag-unlad ng kabataang Bauan.
Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang mga ideya para sa mas makabuluhang kinabukasan ng ating kabataan! 💯
12/06/2026
Isang makulay at makasaysayang umaga ang ating pinagsaluhan sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas dito sa Bayan ng Bauan 🇵🇭❤️
Kasama ang iba’t ibang sektor ng pamahalaan, ating ginunita ang kabayanihan at sakripisyo ng mga Pilipinong nagbigay daan sa kalayaang ating tinatamasa ngayon.
Nawa’y patuloy po nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at responsableng paggamit ng ating kalayaan 🫡
Mabuhay ang Bauan! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭
09/06/2026
PAALALA SA PUBLIKO
Ipinababatid sa lahat na sa Hunyo 15, 2026, ang kahabaan ng Bauan–Mabini Road mula Manghinao Proper hanggang Sta. Maria bridge ay sasailalim sa “Preventive Maintenance”o pagsasaayos ng kalsada bilang bahagi ng pagpapaunlad ng ating imprastraktura.
Dahil dito, inaasahan ang mabagal na daloy ng trapiko at posibleng pansamantalang abala sa mga motorista at mga biyahero na daraan sa nasabing lugar.
Pinapayuhan ang lahat na maglaan ng karagdagang oras sa kanilang biyahe at, kung maaari, ay gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang pagkaantala.
Lubos po kaming humihingi ng inyong pang-unawa at pakikiisa habang isinasagawa ang proyektong ito para sa mas ligtas at maayos na kalsada para sa lahat.
Maraming salamat po.
04/06/2026
Matagumpay na natapos ang Basketball Clinic kahapon, Hunyo 3, 2026, sa Hon. Julio M. Cruzat Mini Coliseum, Poblacion IV, Bauan, Batangas. Ito ay pinangunahan ng Good News Hoops sa inisyatiba nina Pastor Peter Aranda at Head Coach Evangelist Brent Gellos. Sa tulong ng SK Federation of Bauan at lokal na pamahalaan katuwang ang RHU Bauan, mas naging maayos ang daloy ng nasabing aktibidad.
Tanaw sa mukha ng humigit kumulang sandaang kabataan ang galak matapos matuto ng mga bagong kaalaman. Ang ganitong aktibidad ay patunay sa pagpapahalaga sa larangan ng sports. Patuloy nating palawigin ang mahusay, aktibo, at epektibong kabataang Bauangeño.💚
03/06/2026
HAPPENING NOW: Good News Hoops Basketball Clinic at Hon. Julio M. Cruzat Mini Coliseum💚