02/11/2026
PABASA SA NUTRISYON 2026 💙❤️
🎓✨ ISANG MATAGUMPAY NA PAGTATAPOS, ISANG BAGONG HAKBANG TUNGO SA MAS MALUSOG NA BUKAS! ✨🎓
Sa matagumpay na pagtatapos ng PABASA sa Nutrisyon at sa pagdiriwang ng Graduation Day noong Oktubre 31, 2026, na ginanap sa Barangay Hall ng Barangay Salao, ang Sangguniang Barangay ng Salao, sa pangunguna ng ating Punong Barangay, Kgg. Carlo Cuevillas , ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang programang ito.
Sa ating mga minamahal na panauhin, BNS President at BNS Vice President, maraming salamat po sa inyong pagdalo, suporta, at pagbabahagi ng panahon upang makiisa sa isang programang naglalayong maghatid ng kaalaman at malasakit para sa ating komunidad.
Isang taos-pusong pasasalamat din sa ating masipag at dedikadong Barangay Nutrition Scholar (BNS) Maricel Caponpon Bragado, na nagsilbing katuwang ng Sangguniang Barangay sa matagumpay na pagsasakatuparan ng programang ito. Ang inyong sipag, tiyaga, at pusong handang maglingkod ay tunay na mahalagang bahagi ng tagumpay na ating ipinagdiriwang.
Maraming salamat din sa ating mga Barangay Health Workers (BHW), lahat ng Barangay Functionaries, at sa bawat isa na naglaan ng oras, lakas, at suporta. Higit sa lahat, binabati natin ang lahat ng ating PABASA Participants at Graduates, na naging inspirasyon at tunay na dahilan ng tagumpay ng programang ito. 🎓✨
Ang tagumpay na ito ay patunay na sa pagkakaisa at pagtutulungan, ang bawat munting hakbang ay maaaring maging daan tungo sa mas malaki at mas magandang pagbabago.
🎉🎓 Congratulations, PABASA Graduates!
Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malusog, mas masigla, at mas maunlad na Barangay Salao!