Brgy. Pallocan Kanluran

Call Directions Contact the organization

Brgy. Pallocan Kanluran Pallocan Kanluran Public Information - Official page

MAGANDANG ARAW MGA KA-BARANGAY!
29/10/2026

MAGANDANG ARAW MGA KA-BARANGAY!

29/10/2026
Kung sino po Ang may ari ng sasakyang ito na nakapark sa ilalim Ng tulay makikialis Naman po at may event ngayon.Itotow ...
28/10/2026

Kung sino po Ang may ari ng sasakyang ito na nakapark sa ilalim Ng tulay makikialis Naman po at may event ngayon.Itotow na po kapag di pa naalis dahil magsisimula na po Ang event. At kung sakaling madamage Ang inyong sasakyan Wala pong pananagutan Ang Barangay at Ang ahensiya na nagtow.Salamat po

Tara na sa Calumpang River Summit Simultaneous Activity! 💚
27/10/2026

Tara na sa Calumpang River Summit Simultaneous Activity! 💚

PARINE NA!, makisaya sa isang exciting  at fun-filled activity na punong-puno ng surprises, at Halloween  vibes! OCULAR ...
27/10/2026

PARINE NA!, makisaya sa isang exciting at fun-filled activity na punong-puno ng surprises, at Halloween vibes!

OCULAR INSPECTION AND FINAL PREPARATIONS FOR UNDRAS HALLOWEEN CELEBRATION 2026

Nagsasagawa ng ocular inspection at final preparations ang komite para sa nalalapit na UNDRAS Halloween Celebration 2026 na gaganapin sa Oktubre 30, sa Calumpang Bridge.

Layunin ng mga paghahandang ito na matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at matagumpay na pagsasagawa ng nasabing aktibidad.

Tampok sa selebrasyon ang iba't ibang makukulay at masasayang gawain na maghahatid ng kasiyahan hindi lamang sa mga bata kundi maging sa lahat ng makikiisa sa pagdiriwang.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Sangguniang Barangay Pallocan Kanluran sa SIDC – Soro-Soro Ibaba Development Cooperative ...
27/10/2026

Taos-pusong nagpapasalamat ang Sangguniang Barangay Pallocan Kanluran sa SIDC – Soro-Soro Ibaba Development Cooperative sa kanilang pagkakaloob ng isang Barangay Patrol Vehicle na malaking tulong sa pagpapalakas ng seguridad, pagpapanatili ng kaayusan, at paghahatid ng mas mabilis at maayos na serbisyo sa ating mga kabarangay.

Ang inyong kabutihang-loob at patuloy na suporta ay patunay ng kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga organisasyon at ng pamahalaang barangay para sa ikabubuti ng ating komunidad.

Mula sa pamunuan ng Barangay Pallocan Kanluran, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Romy D. Catilo at ng buong Sangguniang Barangay, maraming salamat po sa inyong makabuluhang kontribusyon at malasakit sa ating mga kabarangay.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain upang mas marami pa kayong matulungan at mapaglingkuran. Maraming salamat po, SIDC! 💚

27/10/2026

Magandang Araw po Sa mga may ari po Ng mga sasakyan na nakapark sa ilalim Ng tulay makikitanggal po Muna upang pagbigyang Daan Ang event na gaganapin mula sa Araw na ito.Maraming Salamat po.

MAHALAGANG ANUNSYO PARA SA MGA BENEPISYARYO NG BIGASMagandang gabi po!Ang mga pangalan na kabilang sa listahan na HINDI ...
26/10/2026

MAHALAGANG ANUNSYO PARA SA MGA BENEPISYARYO NG BIGAS

Magandang gabi po!

Ang mga pangalan na kabilang sa listahan na HINDI PA NAKAKAKUHA NG BIGAS ay maaaring magtungo bukas, Oktubre 27, 2026 (Martes), sa People’s Quadrangle mula 9:30 AM hanggang 12:00 NN upang makuha ang kanilang bigas.

📌 MGA DAPAT DALHIN:

✅ Kung ang benepisyaryo mismo ang kukuha:
• Valid ID

✅ Kung representative ang kukuha:
• Photocopy ng Valid ID ng benepisyaryo na may tatlong (3) pirma
• Authorization Letter mula sa benepisyaryo
• Sariling Valid ID ng representative

PAALALA:

Ang mga HINDI PA LAMANG NAKAKAKUHA NG BIGAS ang kailangang magtungo bukas sa People’s Quadrangle.

Kung kayo po ay kabilang sa listahan ngunit NAKAKUHA NA NG BIGAS, hindi na po kailangang pumunta bukas.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa!

TINGNAN | October 25, 2026𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐀𝐋𝐋𝐎𝐂𝐀𝐍 𝐊𝐀𝐍𝐋𝐔𝐑𝐀𝐍 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 🇵🇭Matagumpay na idinaos ang Barangay Assembly 202...
25/10/2026

TINGNAN | October 25, 2026

𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐀𝐋𝐋𝐎𝐂𝐀𝐍 𝐊𝐀𝐍𝐋𝐔𝐑𝐀𝐍 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 🇵🇭

Matagumpay na idinaos ang Barangay Assembly 2026 noong October 25, 2026, sa Pallocan Kanluran Covered Court, sa pangunguna ni Hon. Romy D. Catilo, kasama ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan.

Dinaluhan din ang pagtitipon ng mga kinatawan mula sa kapulisan at Public Affairs and Assistance Division (PAAD), na nakiisa upang magbahagi ng mahahalagang impormasyon at suportahan ang mga programa at serbisyong naglalayong mapabuti ang kapakanan ng ating mga kabarangay.

Layunin ng pagtitipong ito na maipabatid sa mga mamamayan ang mahahalagang ulat, programa, at proyekto ng barangay, gayundin ang palakasin ang ugnayan at pakikiisa ng bawat sektor para sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo, sa ating mga katuwang na ahensya, sa mga kapulisan, sa PAAD, at sa lahat ng nakiisa sa makabuluhang pagtitipong ito.

Sama-sama para sa isang ligtas, maunlad, at nagkakaisang Barangay Pallocan Kanluran! 💚

Address

Pallocan West
Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Telephone

+437220496

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Pallocan Kanluran posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Brgy. Pallocan Kanluran:

Shortcuts

Share