10/11/2026
𝐋𝐨𝐨𝐤: Agad na nagbigay ng tulong ang mga tauhan ng Bontoc Municipal Police Station, sa pamumuno ni PMAJ ROBERT B. SAGANDOY, Chief of Police, sa isang batang lalaki sa ASF Quarantine Checkpoint na matatagpuan sa Sitio Dantay, Barangay Alab Oriente, Bontoc, Mountain Province, noong Nobyembre 8, 2026.
Ayon sa bata, habang siya ay nagbibisikleta mula sa Bailli, Bontoc, aksidenteng naipit ang kaniyang kanang paa sa pagitan ng rim ng kaniyang bisikleta, na nagdulot ng mga galos.
Napansin ito ng mga pulis na nakatalaga sa nasabing ASF Quarantine Checkpoint kaya agad nila itong nilapitan, tinulungan at binigyan ng paunang lunas upang maagapan ang kaniyang mga sugat.
Sa pamamagitan ng mabilis na pagtugon at malasakit sa kapwa, muling ipinakita ng mga tauhan ng Bontoc MPS na ang kanilang tungkulin ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi maging sa pagbibigay ng agarang tulong at paglingap sa sinumang nangangailangan.
Related post: https://www.facebook.com/share/p/1GGiGam5gw/
Bontoc Mps Kalalaychan