08/08/2026
BAGONG CABUYAO COACHES CONFERENCE 2026
Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabuyao, sa pangunguna ni MAYOR Dennis DENHA Hain, kasama ang buong Sangguniang Panlungsod, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission, at sa pamamagitan ng Cabuyao Youth And Sports Development Office ay inaanyayahan ang mga coaches ng ating lungsod na makiisa sa Bagong Cabuyao Coaches Conference 2026, na may temang: “Shaping the Future of Grassroots Sports Coaching.”
Layunin ng pagtitipong ito na palakasin ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng ating mga coaches upang higit pang mapaunlad ang grassroots sports sa Cabuyao at mas maihanda ang ating mga batang atleta tungo sa kanilang mga pangarap at tagumpay.
📅 Agosto 22, 2026 | 8:00 AM
📍 GYM 1, 4th Floor, Pamantasan ng Cabuyao (University of Cabuyao)
📌 Katapatan Mutual Homes, Brgy. Banay-banay, Cabuyao City, Laguna
👥 Eksklusibo para sa mga Cabuyao Coaches
📲 MAG-REGISTER NA!
I-scan ang QR Code at maging bahagi ng mahalagang pagtitipon para sa ating mga coaches!