30/08/2026
𝗣𝗔𝗚𝗣𝗨𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗜🇵🇭
Ngayong National Heroes Day, ating ginugunita at binibigyang pugay ang katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga bayaning nag alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bansa.
Ang kabayanihan ay hindi lamang bahagi ng ating kasaysayan. Patuloy itong nabubuhay sa bawat Pilipinong naglilingkod nang tapat, tumutulong sa kapwa, at gumagawa ng mabuti para sa bayan.
Saludo tayo sa lahat ng ating mga bayani at sa bawat Pilipinong patuloy na nagpapakita ng tunay na malasakit at pagmamahal sa ating bansa.
Mabuhay ang ating mga Bayani! Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭