31/10/2026
𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 – 𝐒𝐄𝐂𝐎𝐍𝐃 𝐒𝐄𝐌𝐄𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐂𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔!❤️
“𝚃𝚊𝚢𝚘 𝚗𝚊 𝚜𝚊 𝙱𝚊𝚛𝚊𝚗𝚐𝚊𝚢 𝙰𝚜𝚜𝚎𝚖𝚋𝚕𝚢! 𝙽𝚊𝚐𝚔𝚊𝚔𝚊𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚃𝚒𝚗𝚒𝚐, 𝙼𝚊𝚔𝚊𝚋𝚞𝚕𝚞𝚑𝚊𝚗𝚐 𝚄𝚜𝚊𝚙𝚊𝚗, 𝚊𝚝 𝚂𝚊𝚖𝚊-𝚜𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝙿𝚊𝚐𝚔𝚒𝚕𝚘𝚜 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝙰𝚝𝚒𝚗𝚐 𝙺𝚘𝚖𝚞𝚗𝚒𝚍𝚊𝚍.”
Sa temang ito, matagumpay na naisagawa ng Barangay Ligaya ang ating Second Semester Barangay Assembly Day noong October 31, 2026.
Taos-puso po ang pasasalamat ng Pamahalaang Barangay Ligaya sa lahat ng ating mga residente na nakiisa at dumalo, partikular sa ating mga sektor ng 4Ps, Senior Citizens, Persons with Disabilities (PWDs), Solo Parents, Women's Sector, Men's Sector, Sikad Drivers, at sa buong komunidad.
Maraming salamat sa inyong aktibong pakikilahok, pagbabahagi ng mga saloobin, suhestiyon, katanungan, at makabuluhang pakikipagtalakayan tungkol sa mga programa, proyekto, serbisyo, at mga usaping mahalaga sa ating barangay.
Ang inyong presensya at pakikiisa ay patunay na mahalaga ang bawat tinig at bawat ambag sa pagbuo ng isang mas maayos, ligtas, at maunlad na komunidad.
Sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Rolando Tapel at ng buong Sangguniang Barangay, muli, maraming salamat po sa inyong tiwala, suporta, at patuloy na pakikiisa.
Dahil sa Barangay Ligaya, bawat tinig ay mahalaga, bawat usapan ay may kabuluhan, at bawat pagkilos ay hakbang tungo sa pag-unlad!
Sama-sama tayo para sa mas maunlad na Barangay Ligaya! 💚