27/10/2026
57th REGULAR SESSION
Sa Question and Answer portion ngayong umaga, pinatawag natin sina Mr. Nolito R. Garcia, Jr. ng Department of Agriculture XII, Engr. Verma Joy Sanchez ng National Irrigation Administration XII, at Ma’am Elsie Villanueva ng City Agriculturist Office upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon ng agrikultura sa General Santos City sa harap ng nagbabantang epekto ng Super El Niño.
Hindi simpleng pagbabago ng panahon ang El Niño. Ang matagal na kakulangan sa ulan, matinding init, at limitadong suplay ng tubig ay nagdulot ng malaking impact sa ating mga palayan, taniman ng mais at gulay, livestock production, at kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda.
Batay sa mga ulat, bilyun-bilyong piso na ang pinsala sa sektor ng agrikultura sa bansa. Higit na nakababahala, maaaring magpatuloy ang matinding El Niño hanggang sa unang bahagi ng 2027.
Ang General Santos City ay mainit na lugar kaya mas matindi ang epekto sa ating mga sakahan. Kaya mahalagang maagap tayong kumilos, magkaroon ng malinaw na impormasyon, at pagtibayin ang koordinasyon ng City Government, national agencies, barangays, at mga samahan ng ating mga magsasaka.
Tinalakay ang kalagayan ng agricultural production, lawak ng posibleng pinsala, mga programa ng ayuda at mitigation, at ang kahandaan ng ating mga irrigation system at water resources.
Sa harap ng Super El Niño, hindi sapat ang maghintay. Kailangan ang maagap na paghahanda, tamang impormasyon, at sama-samang pagkilos.
Serbisyo at aksyon para sa bawat Heneral!