27/10/2026
OPLAN LIBRENG TULI!
Magsasagawa po ang City Health Office ng "Oplan Libreng Tuli" para sa mga lalaking kabataan sa lungsod ng Las Piñas na gaganapin sa 4th Flr., Mayor Nene Aguilar Multipurpose Hall, DRRMO Bldg., Brgy. Talon Dos, Las Piñas City sa darating na October 30, 2026 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Bahagi po ito sa pagpaprayoridad ng Pamahalaang Lungsod na maghatid ng libre at magagandang serbisyo sa mga Las Piñeros.
Makipag-ugnayan lamang po sa inyong nakakasakop na barangay health center para sa registration at screening ng mga kabataang nagnanais na lumahok sa naturang programa.
📌 Para sa karagdagang updates at anunsyo, i-like at i-follow ang aming official social media pages:
Facebook: https://www.facebook.com/LPCityhealth
TikTok: https://www.tiktok.com/
Instagram: https://www.instagram.com/laspinascityhealth/