Regional Sub-Committee for the Welfare of Children-BICOL Region

Directions Website Contact the organization

Regional Sub-Committee for the Welfare of Children-BICOL Region The Council for the Welfare of Children (CWC) is the focal inter- agency body of the Philippine Government for children.

This is the official page of the Regional Sub-Committee for the Welfare of Children (Bicol), the regional link of the Council for the Welfare of Children (CWC), an attached agency of Department of Social Welfare and Development (DSWD). It is mandated to coordinate the implementation and enforcement of all laws; formulate an integrated national policy and long range programs, monitor and evaluate the implementation of this policy, and all programs and services; advocate and mobilize resource assistance for the general welfare and protection of children by virtue of Presidential Decree 603, amended by Executive Order 233 s. 1987.

02/11/2026

📺 ✨ 𝗞𝗘𝗘𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗𝗥𝗘𝗡 𝗦𝗔𝗙𝗘 𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘: 𝗕𝗨𝗜𝗟𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗔 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗥 𝗔𝗡𝗗 𝗠𝗢𝗥𝗘 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗗𝗜𝗚𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗘𝗫𝗣𝗘𝗥𝗜𝗘𝗡𝗖𝗘

Paano natin masisiguro na ligtas ang mga bata online habang binibigyan sila ng pagkakataong matuto, maging malikhain, at makipag-ugnayan sa iba? 🤔 Sa panahon kung kailan bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng mga bata ang digital platforms, mahalagang matutuhan nila kung paano maging responsable at mapanuring digital citizens.

Sa episode na ito ng Makabata Teleradyo, pag-uusapan natin ang mga oportunidad at panganib na kaakibat ng paggamit ng digital platforms, kabilang ang cyberbullying, online scams, at exposure sa hindi angkop na content. Tatalakayin din natin kung paano makatutulong ang digital literacy, parental guidance, at safety features ng online platforms sa pagbuo ng mas ligtas at positibong digital experience para sa mga bata. 💬

Kasama natin si Atty. Yvez Gonzales, Head of Public Policy for TikTok, upang talakayin ang mga safety tools, initiatives, at responsibilidad ng digital platforms sa pagprotekta sa mga bata online, habang sinusuportahan ang kanilang pagkatuto, pagkamalikhain, at makabuluhang pakikilahok sa digital world.

📅 October 26, 2026
⏰ 5:00 PM – 6:00 PM
📻 Episode 142 | Radyo Magasin 1278 kHz

Makinig, matuto, at makiisa sa pagsusulong ng isang digital environment kung saan ang bawat bata ay ligtas, may sapat na kaalaman, malayang nakalilikha, at iginagalang ang kanilang mga karapatan! 💙



Basta Bata, Kami Ang Bahala!

19/10/2026

📺 ✨ 𝗧𝗘𝗟𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗𝗥𝗘𝗡’𝗦 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗜𝗘𝗦: 𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗢𝗟𝗘 𝗢𝗙 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗜𝗡 𝗦𝗛𝗔𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗬𝗢𝗨𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗡𝗗𝗦

Paano nakaaapekto ang media sa paraan ng pag-unawa ng mga bata sa mundo? 🤔 Sa dami ng kuwentong napapanood, napakikinggan, at nababasa nila araw-araw, mahalagang pag-usapan kung paano nakatutulong ang media sa kanilang pagkatuto at pag-unlad.

Sa episode na ito ng Makabata Teleradyo, pag-uusapan natin ang kahalagahan ng child-friendly media at ng responsable at makabuluhang pagkukuwento—mga kuwentong kumikilala sa karanasan, pananaw, at boses ng mga bata. Paano natin matitiyak na ang mga kuwentong ibinabahagi tungkol sa kanila ay may paggalang sa kanilang dignidad at karapatan? At paano natin mabibigyan ng puwang ang mga bata na maibahagi ang sarili nilang mga kuwento? 💬

Kasama natin si Nhil Xavier Piñera, Project Development Officer III ng National Council for Children’s Television (NCCT), para talakayin ang Philippine Conference on Children & Media 2026 at ang papel ng media sa paghubog ng mga kuwentong nagbibigay-halaga sa bawat bata.

📅 October 19, 2026
⏰ 5:00 PM – 6:00 PM
📻 Episode 140 | Radyo Magasin 1278 kHz
Makinig, matuto, at makiisa sa pagsusulong ng media na kumikilala at nagbibigay-halaga sa boses ng bawat bata! 💙



Basta Bata, Kami Ang Bahala!

14/10/2026

WE’RE LIVE!

Hello, mga LCPCs! Tuloy-tuloy ang ating E-Learning on LCPCs 2026 Webinar Series! 🎉

Ngayong araw, sama-sama nating palalimin ang ating kaalaman sa mahalagang papel ng mga Local Council for the Protection of Children (LCPCs) sa pagsusulong ng karapatan, kapakanan, at proteksyon ng bawat bata sa ating mga komunidad.

🌟 THIRD WEBINAR SESSION THE LCPC FUNCTIONALITY

Sa session na ito, ating tatalakayin ang kahalagahan ng functionality ng LCPCs, kabilang ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad, pagpapalakas ng koordinasyon at pagtutulungan ng mga miyembro, at pagpapatupad ng mga programa at mekanismong nagtataguyod sa karapatan at proteksyon ng mga bata.

Sama-sama nating tuklasin kung paano mapalalakas ang kakayahan at pagiging epektibo ng mga LCPC upang matiyak na ang mga lokal na programa, polisiya, at serbisyo ay tunay na tumutugon sa pangangailangan ng bawat bata!

📋 IMPORTANT REMINDER:

Huwag kalimutang ilagay ang tama at kumpletong pangalan at email address sa evaluation form upang matiyak ang maayos na pagpapadala ng inyong E-Certificate. 📩

Tune in, makinig, matuto, at makilahok! Sama-sama nating palakasin ang mga LCPC tungo sa mas aktibo, koordinado, at epektibong pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng bawat bata.

Basta Bata, Tayo ang Bahala! ❤️


12/10/2026

Opening of Bids for the Procurement of ICT Equipment (ITB No. 26-0002 PB)

08/10/2026
07/10/2026

🔴 WE’RE LIVE!

Hello, mga LCPCs! Tuloy-tuloy ang ating E-Learning on LCPCs 2026 Webinar Series!
Ngayong araw, sama-sama nating tutuklasin ang isang mahalagang bahagi ng pagpapatatag ng child protection systems sa ating mga komunidad.

🌟 SECOND WEBINAR SESSION
LOCAL CHILD SAFEGUARDING AND PROTECTION POLICY (LCSPP)

Paano natin masisiguro na ang ating mga komunidad ay tunay na ligtas, protektado, at child-friendly para sa bawat bata?
Sa session na ito, pag-uusapan natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matibay at epektibong child safeguarding and protection mechanisms—mula sa pagkilala sa mga posibleng panganib hanggang sa pagtatatag ng mga hakbang at sistema na magbibigay ng mas ligtas na kapaligiran para sa mga bata.
Sama-sama nating alamin kung paano maisusulong ang mas matatag na child safeguarding and protection mechanisms sa lokal na antas!

📋 IMPORTANT REMINDER:
Huwag kalimutang ilagay ang tama at kumpletong pangalan at email address sa evaluation form para sa pagpapadala ng inyong E-Certificate. 📩

🏆 Para naman sa Certificate of Completion, kinakailangang makumpleto ang tatlong (3) webinar sessions ng serye.
Tune in, makinig, matuto, at makilahok!
Sama-sama nating itaguyod ang mga komunidad kung saan ang bawat bata ay ligtas, protektado, at may karapatang lumaki sa isang child-friendly na kapaligiran.
Basta Bata, Tayo ang Bahala!


05/10/2026

🎲 𝐁𝐄𝐘𝐎𝐍𝐃 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐂𝐑𝐄𝐄𝐍: 𝐇𝐎𝐖 𝐓𝐀𝐁𝐋𝐄𝐓𝐎𝐏 𝐆𝐀𝐌𝐄𝐒 𝐁𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐅𝐀𝐌𝐈𝐋𝐈𝐄𝐒 𝐓𝐎𝐆𝐄𝐓𝐇𝐄𝐑!

MGA KA-MTR, READY NA BA KAYO SA ISANG MASAYANG AT MAKABULUHANG PAGLALARO? 🎲👨‍👩‍👧‍👦

Ngayong episode, pag-uusapan natin kung paano nagiging higit pa sa libangan ang tabletop games—mula sa paglinang ng communication, creativity, problem-solving, at cooperation ng mga bata hanggang sa pagbibigay ng pagkakataon para sa mas makabuluhang bonding at quality time kasama ang pamilya. 💬🧩
Makakasama natin si Mr. Marc Reuben Cuento, Co-Founder ng Kalaro Kolektib, para talakayin kung paano nagiging daan ang tabletop games para mag-usap, magtulungan, matuto, at magsaya ang mga bata at kanilang pamilya—beyond the screen! 🎯

📅 OCTOBER 5, 2026
⏰ 5:00–6:00 PM
📻 Episode 138 sa Radyo Magasin 1278 kHz
📱 Facebook Live

TARA, MGA KA-MTR! Sama-sama nating tuklasin kung paano maaaring maging masaya at makabuluhang bahagi ng family time ang isang simpleng laro sa mesa. ❤️

𝐈𝐧 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐬: The RSCWC Bicol and the Regional Juvenile Justice and Welfare Committee (RJJWC) V successfully held their 3rd...
23/09/2026

𝐈𝐧 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨𝐬: The RSCWC Bicol and the Regional Juvenile Justice and Welfare Committee (RJJWC) V successfully held their 3rd Quarter Joint Meeting on September 17, 2026, at La Piazza Hotel and Convention Center Inc. The meeting aimed to unify regional child protection efforts and outline institutional priorities to protect and fulfill child rights across the region.

Chaired by the DSWD Field Office V, the meeting brought together the committees’ member agencies, including DepEd, DOH, NNC, DILG, DOLE, NYC, RACCO, and PIA, alongside judicial and law enforcement bodies (BJMP, PAO, and PNP), and the provincial social welfare offices of Camarines Sur and Sorsogon, including Iriga City representing the League of Cities, with Non-Government Organization (NGO) representation from Educo Philippines and a child representative.

34TH NATIONAL CHILDREN’S MONTH 2026 🇵🇭MANINDIGAN! TUMUGON AT KUMALINGA: SA BATANG HANDA, MAS LIGTAS ANG BANSA. 📣Ngayong ...
09/09/2026

34TH NATIONAL CHILDREN’S MONTH 2026 🇵🇭

MANINDIGAN! TUMUGON AT KUMALINGA: SA BATANG HANDA, MAS LIGTAS ANG BANSA. 📣

Ngayong 34th National Children’s Month (NCM), binibigyang-diin natin ang Child Protection in Emergencies (CPiE)—ang pangangalaga sa karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng mga bata bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna at iba pang emergency.

Ang tema ngayong taon ay mula mismo sa tinig ng mga bata. 💙

Sa pamamagitan ng MakabaTanong online survey at National Children’s Month–Children’s Brainstorming Session (NCM-CBS), ibinahagi ng mga bata ang kanilang mga karanasan, saloobin, at mga usaping higit na nakaaapekto sa kanilang buhay. Kabilang sa kanilang mga binigyang-diin ang lumalaking panganib na dulot ng mga bagyo, baha, lindol, armadong tunggalian, at iba pang krisis.

Ipinapaalala sa atin ng mga bata: kailangan nilang maging handa, ligtas, protektado, at may boses sa panahon ng emergency.

Ngayong 34th NCM, sama-sama nating isulong ang isang Pilipinas kung saan ang bawat bata ay handa sa panganib, napapakinggan, at higit sa lahat, napoprotektahan.

Manindigan. Tumugon. Kumalinga. 🤝

Dahil sa batang handa, mas ligtas ang bansa! 🇵🇭💙





See less

34TH NATIONAL CHILDREN’S MONTH 2026 🇵🇭

MANINDIGAN! TUMUGON AT KUMALINGA: SA BATANG HANDA, MAS LIGTAS ANG BANSA. 📣

Ngayong 34th National Children’s Month (NCM), binibigyang-diin natin ang Child Protection in Emergencies (CPiE)—ang pangangalaga sa karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng mga bata bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna at iba pang emergency.

Ang tema ngayong taon ay mula mismo sa tinig ng mga bata. 💙

Sa pamamagitan ng MakabaTanong online survey at National Children’s Month–Children’s Brainstorming Session (NCM-CBS), ibinahagi ng mga bata ang kanilang mga karanasan, saloobin, at mga usaping higit na nakaaapekto sa kanilang buhay. Kabilang sa kanilang mga binigyang-diin ang lumalaking panganib na dulot ng mga bagyo, baha, lindol, armadong tunggalian, at iba pang krisis.

Ipinapaalala sa atin ng mga bata: kailangan nilang maging handa, ligtas, protektado, at may boses sa panahon ng emergency.

Ngayong 34th NCM, sama-sama nating isulong ang isang Pilipinas kung saan ang bawat bata ay handa sa panganib, napapakinggan, at higit sa lahat, napoprotektahan.

Manindigan. Tumugon. Kumalinga. 🤝

Dahil sa batang handa, mas ligtas ang bansa! 🇵🇭💙





Address

DSWD FO 5 REGIONAL CENTER SITE, RAWIS
Legazpi
4500

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Regional Sub-Committee for the Welfare of Children-BICOL Region posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Regional Sub-Committee for the Welfare of Children-BICOL Region:

Shortcuts

Share