Kagawad Samboy Sahagun

Directions

Kagawad Samboy Sahagun

“Mas mabuting handa bago dumating ang sakuna kaysa magsisi kapag huli na.”Bilang bahagi ng ating patuloy na serbisyo sa ...
08/08/2026

“Mas mabuting handa bago dumating ang sakuna kaysa magsisi kapag huli na.”

Bilang bahagi ng ating patuloy na serbisyo sa komunidad, isinusulong natin ang Disaster Preparedness para mas maging ligtas at handa ang bawat pamilya sa panahon ng bagyo, baha, lindol, sunog at iba pang emergency.

🎒 MGA DAPAT IHANDA:

✅ Emergency Go-Bag
✅ Tubig at ready-to-eat food
✅ First-aid kit at personal na gamot
✅ Flashlight, batteries at powerbank
✅ Whistle at portable radio
✅ Extra damit at kumot
✅ Mahahalagang dokumento at emergency contacts
✅ Cash para sa emergency

Inirerekomenda rin na regular na i-check at palitan ang mga expired na laman ng Go-Bag.

Kahandaan ay proteksyon.
Kaligtasan ng bawat pamilya, ating responsibilidad.





Mula noon hanggang ngayon, buo ang suporta natin sa sports para sa lahat ng Batang Tañong.Nakakatuwang makita ang tagump...
26/07/2026

Mula noon hanggang ngayon, buo ang suporta natin sa sports para sa lahat ng Batang Tañong.

Nakakatuwang makita ang tagumpay ng isa nating kabarangay, Alyssa Eroa—dating manlalaro ng San Sebastian College at ngayon ay isa nang player ng Alas Pilipinas. Isa siyang inspirasyon at patunay na ang sipag, disiplina, at dedikasyon ay kayang magdala ng isang Batang Tañong hanggang sa pagrepresenta sa ating bansa.

Hangad ko na mas marami pang kabataan ang mahikayat na mahalin ang sports, mahasa ang kanilang talento, at balang araw ay maging kinatawan din ng Pilipinas.

Asahan ninyo na patuloy at buong puso ang aking suporta sa lahat ng proyekto at programang pang-sports para sa ating kabataan. Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malusog, disiplinado, at matagumpay na Batang Tañong!




📢📢SUPER SERBISYO ANNOUNCEMENT📢📢💚 LIBRENG PAMIMIGAY NG GAMOT 💚Patuloy po ang munting pagtulong para sa ating mga kabarang...
20/07/2026

📢📢SUPER SERBISYO ANNOUNCEMENT📢📢

💚 LIBRENG PAMIMIGAY NG GAMOT 💚

Patuloy po ang munting pagtulong para sa ating mga kabarangay.

📢 Kabuuang 100 BOXES ng gamot ang ating ipapamahagi:

💊 Amlodipine
💊 Losartan
💊 Metformin
💊 Vitamin B12

Unahan po ang pagbibigay habang may suplay. Mangyaring magpm Lang po , Kung Pano makakuha or pwedeng ihatid KO po mismo ..

Ang ating pong layunin ay makatulong sa mga nangangailangan ng maintenance na gamot sa ating komunidad.





🏀 BATANG C4 REPRESENT – INTER STREET BASKETBALL TRYOUTS 🏀📢 Calling all 15 UNDER basketball players!Ito na ang pagkakatao...
19/07/2026

🏀 BATANG C4 REPRESENT – INTER STREET BASKETBALL TRYOUTS 🏀

📢 Calling all 15 UNDER basketball players!

Ito na ang pagkakataon mong maging bahagi ng Batang C4 Represent at katawanin ang inyong street!

📅 Date: July 20, 2026 (Monday)
🕕 Time: 6:00 PM – 8:00 PM
📍 Venue: Hembol Court

Requirements: ✅ Dapat taga C4 talaga.
✅ Magdala ng light at dark jersey.
✅ Kailangang may waiver na pirmado ng magulang o legal guardian.

❗ NO WAIVER, NO TRYOUT.

Pakita ang husay, disiplina, at puso sa paglalaro. Kita-kits sa Hembol Court!

📩 For inquiries: Message Samboy Sahagun

🏀 BATANG C4 REPRESENT 🏀INTER STREET BASKETBALL TRYOUTS📢 Calling all aspiring basketball players! Show your skills and ea...
16/07/2026

🏀 BATANG C4 REPRESENT 🏀

INTER STREET BASKETBALL TRYOUTS

📢 Calling all aspiring basketball players! Show your skills and earn a chance to represent your street!

🏆 DIVISIONS
🏀 16 UNDER DIVISION
🏀 17–24 YEARS OLD DIVISION

📅 Date: July 18, 2026 (Saturday)
🕕 Time: 6:00 PM – 8:00 PM
📍 Venue: Beacum Court

Bring your basketball shoes, proper playing attire, and your A-game!

Represent your street. Play with pride. Be part of BATANG C4! 💪🔥




07/07/2026

⚠️ SUPER SERBISYO ADVISORY ⚠️

Mga kabarangay, inaasahan ang epekto ng Super Typhoon Bavi (Bagyong Inday). Hinihikayat ang lahat na maging alerto at mag-ingat.

✅ Siguraduhing ligtas ang inyong tahanan.
✅ Maghanda ng flashlight, pagkain, inuming tubig, at first aid kit.
✅ I-charge ang inyong mga cellphone at power bank.
✅ Iwasang lumabas kung hindi kinakailangan, lalo na kapag malakas na ang ulan at hangin.
✅ Bantayan ang mga bata, senior citizens, at mga may karamdaman.

Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. Patuloy tayong makinig sa mga opisyal na anunsyo at makipagtulungan sa ating barangay.

🙏 Magdasal tayo para sa kaligtasan ng lahat.

"Maging handa, maging ligtas, at magbayanihan sa oras ng sakuna."

20/06/2026

💚 Happy Father's Day! 💚

Ngayong Father's Day, nais nating pasalamatan ang lahat ng ama na walang sawang nagsisikap, nagsasakripisyo, at nagbibigay ng pagmamahal para sa kanilang pamilya. Kayo ang haligi ng tahanan, gabay sa bawat hakbang, at inspirasyon sa oras ng pagsubok.

Hindi man laging nasasabi, lubos naming pinahahalagahan ang inyong sipag, tiyaga, at walang kapantay na pagmamahal. Maraming salamat sa lahat ng sakripisyong ginagawa ninyo upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang inyong mga mahal sa buhay.

Nawa'y patuloy kayong bigyan ng Diyos ng kalakasan, mabuting kalusugan, at maraming biyaya. Maligayang Araw ng mga Ama sa lahat ng tatay, lolo, at mga tumatayong ama sa kanilang pamilya. Kayo ang aming mga tunay na bayani.

💚 Happy Father's Day sa inyong lahat! 👨‍👩‍👧‍👦🙏




🇵🇭 Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭Ang kalayaan ay bunga ng sakripisyo ng ating mga bayani. Nawa'y patuloy natin itong pa...
12/06/2026

🇵🇭 Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭

Ang kalayaan ay bunga ng sakripisyo ng ating mga bayani. Nawa'y patuloy natin itong pahalagahan sa pamamagitan ng pagkakaisa, at pagmamahal sa ating bansa .

Mabuhay ang Pilipinas!




‼️RULES SA PAGPAPAHIRAM NG UPUAN LAMESA TENT FAN‼️1.para po ito SA mga kapwa KO batang Tañong Lang .. inuulit KO exclusi...
01/06/2026

‼️RULES SA PAGPAPAHIRAM NG UPUAN LAMESA TENT FAN‼️

1.para po ito SA mga kapwa KO batang Tañong Lang .. inuulit KO exclusive Lang para SA mga taga tañong . (Kung Meron man gsto na nde taga tañong may rent na po un )

2.pickup Lang po SA 1st , kapag manghihiram kayo .. or pwede din ipakisuyo SA Tao KO , abutan niu nalang po kahit magkano , ganun din Kasi kapag pinickup niyo isasakay niyo din SA trike .
Ung Tao KO po Kasi may komisyon Kada rent. Tutal dahil libre nalang po angbpagpapahiram mawawalan nadin siya komisyon , Kaya Sana maabutan nalang po salmaat

3. Kung pickup kayo or ideliver pakipic nalang po Ng mga gamit na natanggap niu dumating o kinuha niyo para atleast alam po natin preho na maayos po ung mga gamit na dumating sa inyo ..

4.kapag po tapos na ung event niu pakisalansan nalang din po maigi . Pagsama samahin kng Ilan po ung hiniram niyo tapos pakipic din po para ,alam na maayos at kumpleto ung hiniram niyo .

5. Kng manghihiram kayo , mas ok kng 1week before para mareserve natin maayos . Tsaka Sana po wag kayo magpareserve Ng madami para may nakahiram pang iba . Ung sakto Lang po SA kelangan niyo ..

6. SA mga patay po , tanging huling lamay Lang po AnG PAGPAPAHIRAM natin Ng mga gamit Ng SA gayon e , mas marami pang makahiram SA mga ibang event tulad Ng bday binyag pabasa etc. Sana po maintinidihan niyo .

7. Kung sakaling may mawala man o masira , papalitan niyo po Ito or babayaran Ng may takdang halaga .. para po maiwasan natin magkulang ung mga gamit natin , at mas maging maingat Tayo sa paggamit .

8. Fill up niyo po ..
Name
Add
Contact #
Time and date

Maraming salamat po SA pagunawa at pagintindi ..
Mula po SA inyong lingkod ..

Kagawad SAMBOY SAHAGUN💚



💚💚💚💚💚

Maligayang kaarawan po former Vice MAYOR Ninong Dela Cruz! 🎉Nawa’y patuloy po kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, ma...
19/04/2026

Maligayang kaarawan po former Vice MAYOR Ninong Dela Cruz! 🎉

Nawa’y patuloy po kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at marami pang tagumpay. Maraming salamat po sa inyong serbisyo, malasakit, at gabay sa ating komunidad. Hangad po namin ang mas marami pang masasayang alaala at biyaya para sa inyo at sa inyong pamilya.

Muli, maligayang maligayang kaarawan po, Ninong! God bless po palagi. 🎂🎈
Mula noon hanggang ngayon ATAB MO KO !!!



Address

Tañong
Malabon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawad Samboy Sahagun posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category

Nearby government services