Department of Health (Philippines)

Call Directions

Department of Health (Philippines) The official page of the Department of Health in the Philippines The Department of Health (DOH) is the principal health agency in the Philippines.

It is responsible for ensuring access to basic public health services to all Filipinos through the provision of quality health care and regulation of providers of health goods and services.

PROTEKTAHAN ANG PAMILYA LABAN SA MALARIA AT FILARIASISAlam mo ba na ang malaria at filariasis ay mga sakit na naipapasa ...
04/11/2026

PROTEKTAHAN ANG PAMILYA LABAN SA MALARIA AT FILARIASIS

Alam mo ba na ang malaria at filariasis ay mga sakit na naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng lamok? Ang malaria ay maaaring magdulot ng lagnat, panginginig, at sakit ng ulo, habang ang filariasis ay maaaring magdulot ng pamamaga ng mga bahagi ng katawan.

Mahalagang protektahan ang sarili at pamilya sa pamamagitan ng paggamit ng kulambo, pagpapanatiling malinis ng kapaligiran, pag-iwas sa kagat ng lamok, at pagsunod sa mga programang pangkalusugan sa inyong lugar.

Kapag nakaranas ng mga sintomas, agad na kumonsulta sa inyong PhilHealth YAKAP clinic. Para sa karagdagang pagsusuri at angkop na gamutan, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Center for Health Development (CHD) para sa impormasyon tungkol sa pagkakaroon at access sa kinakailangang gamot.

Alamin ang mga benepisyo ng PhilHealth YAKAP dito: https://bit.ly/4zKdTH0






GAWIN ANG TAMA AT LIGTAS NA PAGGAMIT NG STORED WATER NGAYONG PANAHON NG EL NIÑO!Sa panahon ng tagtuyot, mahalagang tiyak...
04/11/2026

GAWIN ANG TAMA AT LIGTAS NA PAGGAMIT NG STORED WATER NGAYONG PANAHON NG EL NIÑO!

Sa panahon ng tagtuyot, mahalagang tiyakin na malinis at ligtas ang tubig na ating ginagamit sa pang-araw-araw.

Maging mapagmatyag sa tamang pag-iingat at pagtrato sa ating stored water—mula sa pagpapakulo at pag-chlorine ng inumin, hanggang sa maayos na paggamit ng recycled water at pagtatakip ng mga lalagyan upang maiwasan ang mga sakit tulad ng dengue.






DOH AT DOF, ISINUSULONG ANG PAGPAPALAKAS SA SB TAX PARA MAIWASAN ANG SAKIT NA DULOT NG SWEETENED BEVERAGESPatuloy na sin...
04/11/2026

DOH AT DOF, ISINUSULONG ANG PAGPAPALAKAS SA SB TAX PARA MAIWASAN ANG SAKIT NA DULOT NG SWEETENED BEVERAGES

Patuloy na sinusuportahan ng Department of Health, kasama ang Department of Finance, ang pag-update at pagpapalakas ng kasalukuyang Sweetened Beverages (SB) tax.

Detalye sa comment section.






Paano Nakakahawa ang Trangkaso?Ang trangkaso ay kumakalat sa pamamagitan ng maliliit na particles na nailalabas ng taong...
04/11/2026

Paano Nakakahawa ang Trangkaso?

Ang trangkaso ay kumakalat sa pamamagitan ng maliliit na particles na nailalabas ng taong may sakit kapag umuubo, bumabahing, o nagsasalita.

Kapag may sakit, takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing, ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, at manatili sa bahay para hindi makahawa sa iba.

Magpakonsulta sa iyong YAKAP Clinic para sa regular na check-up, mga kinakailangang laboratory test, at iba pang serbisyong pangkalusugan.

Makakuha rin ng mga gamot sa mga PhilHealth GAMOT facility kung kinakailangan.





03/11/2026
📣 Ngayon ang simula ng  !Maraming iba't ibang uri ng side effect. Anuman ang anyo o paraan ng paglitaw ng mga ito, hindi...
03/11/2026

📣 Ngayon ang simula ng !

Maraming iba't ibang uri ng side effect. Anuman ang anyo o paraan ng paglitaw ng mga ito, hindi ito dapat balewalain. Alamin kung paano matutukoy ang mga ito at mag-report sa isang healthcare professional o sa FDA gamit ang VigiMobile: https://vigiflow-eforms.who-umc.org/ph/fdaadr

Tulung-tulong tayong magpalaganap ng kaalaman para sa kaligtasan ng bawat pasyente. Bisitahin ang link na ito para sa iba pang detalye 👉 https://www.fda.gov.ph/pharmacovigilance/



www.facebook.com/share/p/1CrYsMzuVA/

MAGING MAPAGMATYAG AT SUGPUIN ANG MGA POSIBLENG PAMUGARAN NG LAMOK!Alamin kung saan maaaring matagpuanang mga kitikiti. ...
03/11/2026

MAGING MAPAGMATYAG AT SUGPUIN ANG MGA POSIBLENG PAMUGARAN NG LAMOK!

Alamin kung saan maaaring matagpuan
ang mga kitikiti. Karaniwan itong nakikita sa mga lalagyan o sisidlang may naipong tubig, tulad ng timba, plorera, paso, bote, lata, gulong, drum, at iba pang maaaring pamugaran ng lamok.

Kung may makitang kitikiti, agad na itapon ang naipong tubig at linisin ang lalagyan upang mapigilan ang pagdami ng lamok. Regular ding suriin ang paligid at alisin ang mga bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig.

Patuloy na gawin ang 4Ts: Taob, Taktak, Tuyo, at Takip upang mapanatiling malinis at ligtas ang ating tahanan at komunidad.






PROTEKTAHAN ANG SARILI MULA SA ASHFALL AT PANGANIB NG BULKANG MAYONAyon sa report ng DOST-PHIVOLCS, nag-tala muli ng mah...
03/11/2026

PROTEKTAHAN ANG SARILI MULA SA ASHFALL AT PANGANIB NG BULKANG MAYON

Ayon sa report ng DOST-PHIVOLCS, nag-tala muli ng mahina hanggang katamtamang pagputok ng bulkan ang Bulkang Mayon kaninang 8:22AM. Nagdulot ito ng ashfall patungong timog-kanluran.

Nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang status ng Bulkan. Pinapaalalahanan ng DOH ang publiko sa mga kalapit na lugar na mag-ingat laban sa masamang epekto ng abo ng bulkan at makipag-ugnayan agad sa mga awtoridad kung kinakailangan.

Sundin ang health tips at alamin ang emergency hotlines kapag kailangan lumikas.





PROTEKTAHAN ANG BAGA, MAGPATINGIN NANG MAAGA!Nananatiling isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa ang Lung Ca...
03/11/2026

PROTEKTAHAN ANG BAGA, MAGPATINGIN NANG MAAGA!

Nananatiling isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa ang Lung Cancer, kung saan 1 sa bawat 5 kaso ng kanser sa kalalakihan ay mula rito. Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga kaso, mahalagang malaman na maaari itong maiwasan at mas madaling magamot kapag natuklasan nang maaga!

Upang mapangalagaan ang iyong baga at kalusugan:
- Iwasan ang Yosi at V**e.
- Kumain ng masustansyang pagkain at mag-ehersisyo nang regular.
- Magpakonsulta nang regular: Alamin ang mga sintomas at magpatingin agad kapag may nararamdaman—lalo na kung naninigarilyo o may history ng kanser sa pamilya.

Huwag hihintaying lumala! Pumunta sa pinakamalapit na Health Center o magpakonsulta sa doktor para sa tamang payo at rekomendasyon.




Address

Rizal Avenue
Manila
1003

Telephone

+6326517800

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Department of Health (Philippines) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share