Pasay City Public Market

Call Directions Website Contact the organization

Pasay City Public Market This is the place to buy fresh products at an affordable price. We prioritize your safety and health

02/11/2026

PAGGUNITA SA MGA YUMAO

Ang Pamahalaang Lungsod Pasay sa pangunguna ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano ay nakikiisa sa taimtim na paggunita sa Araw ng mga yumao.

Nawa ay manatili sa ating puso at isip ang kanilang alaala at gawin natin silang inspirasyon upang magsikap sa buhay at ipanalangin ang kanilang mga kaluluwa.

02/11/2026
27/10/2026

Ngayong Araw, Oktubre 28, ay magbibigay po sa 65 Other Beneficiaries,(PWD, Solo Parent, 4Ps, Teacher, Toda Driver at Minimum Earner) ng Stub Number para sa Pagbili ng Murang Bigas, Magsisimula po ito sa ganap na ika-10 ng umaga. Pakidala lamang po ang inyong QR CODE.

25/10/2026

Magbibigay po ng Stub Number para sa pagbili ng Murang Bigas. Bukas po, Oktubre 26, 2026 sa ganap na ika-10 ng umaga magsisimula pong magbigay ng stub. Sa mga nakabili po nung Sabado, Oktubre 24, 2026, huwag na po pumila at hindi po kayo mabibigyan. Huwag po sana kayong magalit kung ipipilit na naman ninyo ang gusto ninyo. Sundin po natin ang mga nilatag na patakaran para maging maayos po ang lahat. 80 Seniors po ang pwedeng mabigyan bukas. Pakidala lang po ang inyong QR Code

24/10/2026

kung nakafollow po kayo dito sa aming FB page makikita nyo po kung may announcement na po ng pagbibigay ng Stub Number para sa murang Bigas. Nakasama din po ang post ng ating guidelines para hindi na po paulit-ulit ang tanong. Kung wala pong post ibig sabihin wala pong pila at walang bigas. Huwa po kayong magalit kung hindi po masagot ang lahat ng inyong messages at tawag agad. sa dami nyo po araw-araw ay mauubos na po ang buong oras namin sa pagsagot. Hindi nyo din po kailangan pumila ng napakaaga. Ang area po ng pilahan ay sa Driveway Area. May mga truk ng delivery po sa madaling araw at baka kayo po ay madisgrasya ng truk wala po silang maibabayad sa inyo. Huwag na po tayo makulit at huwag nyo din po awayin ang aming mga empleyado. Kami po ay nagaasist lang po patungkol sa Murang BIgas. Hindi po ito sa amin direktang nakaassign. Extra lamang po ito sa aming trabaho. Ginagawa lamang po nila kung ano ang inutos sa kanila. Huwag po kasi tayong magreserba sa mga kasama natin na hindi naman pumipila agad. Ung dadating na lamang pag malapit na magbigayan. Inuulit ko po BAWAL ANG MAGRESERBA NG SLOT SA PILA. Kami po ang inaaway at ito din po ang pinagmumula ng kaguluhan sa pila. Sana po ay matuto tayong sumunod ng maging maayos po ang ating pila. Hintayin na lamang po ang aming abiso. Pasensya na po hindi po kami nagagalit sa inyong kakulitan. Alam po namin na dadating din kami sa ganyang edad. Maraming salamat po sa pag-unawa. Maghintay na lamang po ng anunsyo dito.

22/10/2026

Magbibigay po tayo ng Stub Number para sa pagbili ng Murang iIgas sa 80 Senior Beneficiaries bukas, October 23, 2026, sa ganap na ika-10 ng umaga sa Pasay City Public Market Driveway Area. Pakidala po ang QR Code ninyo

Address

A. Arnaiz Avenue Corner Taft Avenue
Pasay City
1302

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pasay City Public Market posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Pasay City Public Market:

Shortcuts

Share