Dodot Jaworski

Directions Contact the organization

Dodot Jaworski This is my only and official page. Hindi po sa akin ang ibang “Dodot Jaworski” accounts.

  | Hindi natatapos ang serbisyo sa malalapad na kalsada lang dahil ang tunay na kaayusan, dapat nararamdaman sa bawat t...
27/10/2026

| Hindi natatapos ang serbisyo sa malalapad na kalsada lang dahil ang tunay na kaayusan, dapat nararamdaman sa bawat tapat ng bahay. Tuloy-tuloy ang ating Oplan Kaayusan para masigurong maayos, ligtas, at maaliwalas ang bawat bahagi ng ating komunidad.

Personal nating binabaybay ang bawat sulok at kaloob-looban ng ating mga barangay kasama ang ating Oplan Kaayusan team. Hindi mapipigilan ang ating kagustuhang marating at kumustahin ang bawat isa saanmang dako ng Pasig, dahil naniniwala tayo na walang pamilya ang dapat maiwan pagdating sa kalinga at serbisyo publiko.

Maraming salamat sa bawat residenteng mainit na sumasalubong, nakikiisa, at nagbubukas ng pinto para sa atin. Tuloy-tuloy ang ating sama-samang pagkilos para sa isang maayos, ligtas, at nagkakaisang lungsod para sa lahat!

Hindi dapat pribilehiyo ang magpagamot, at lalong hindi dapat nakadepende ang kalusugan sa laman ng bulsa. Karapatan ito...
27/10/2026

Hindi dapat pribilehiyo ang magpagamot, at lalong hindi dapat nakadepende ang kalusugan sa laman ng bulsa. Karapatan ito ng bawat isa sa atin.

Noong nakaraang linggo sa Brgy. Manggahan, kitang-kita ang tunay na lakas ng komunidad kapag nagtutulungan para tiyaking walang maiiwan.

Kasama ang Alagang Pasigueño, dinala ng Kakampi ng Pag-asa Medical Mission ang libreng check-up, gamot, at serbisyong may malasakit diretso sa ating komunidad.

Maraming salamat sa bawat doktor, volunteer, at sa bawat kapitbahay na sumadya at nakiisa sa ating medical mission. Tuloy-tuloy ang laban natin para sa isang Pasig na malusog, makatarungan, at tunay na nag-aaruga sa bawat isa!

Ang piyesta ay higit pa sa tradisyon, ito ang tibok ng ating komunidad na nabubuhay sa malasakit, salu-salo, at patuloy ...
15/10/2026

Ang piyesta ay higit pa sa tradisyon, ito ang tibok ng ating komunidad na nabubuhay sa malasakit, salu-salo, at patuloy na pagtutulungan ng bawat isa.

Isang malaking karangalan ang makasama ang Barangay Pineda sa ating misa kasama si Bishop Teodoro Bacani Jr., hango sa tapang, kababaang-loob, at pananampalataya ng ating patron, Sta. Teresa de Avila.

Happy Fiesta! Nawa’y mapuno ng saya, biyaya, at kapayapaan ang bawat pamilya at bawat tahanan sa ating barangay ngayong araw.

Walang mas hihigit pang regalo sa kaarawan ko kundi ang makasama kayo sa ating Pasig State of the City Address.Higit sa ...
14/10/2026

Walang mas hihigit pang regalo sa kaarawan ko kundi ang makasama kayo sa ating Pasig State of the City Address.

Higit sa lahat, busog ang puso ko dahil kasama ko ang aking pamilya. To my wife Mikee, and our boys Raf, Renzo and Robbie, thank you for always being my rock and cheerleaders. At kahit wala ngayon si Robbie, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pagbati mo. We’re so proud of you, anak!

Maraming salamat po sa lahat ng pagbati, dasal, at pagmamahal. Dahil sa ating pagkakaisa, sigurado akong ang pinakamagagandang taon ng Pasig ay nasa ating harapan pa lamang.

Isang karangalan ang magsilbi sa inyo. Mabuhay ang Pasig, at God bless po sa ating lahat! 💙🧡

14/10/2026

Let us be clear.

The responsibility for this vision does not rest on the shoulders of our elected officials alone. It rests on all of us. Our people have as much responsibility to uphold good governance as their leaders have to practice it. Hindi nag-tatapos ang tungkulin bilang mamayan sa araw ng halalan. Ang ating responsibilidad ay nagpapatuloy sa araw-araw, sa pagsusunod sa batas, sa pag-galang sa kapwa, sa pangagalaga ng ating komunidad, pati na din sa pagiging mapanuri sa pag-gamit ng pondo ng bayan.

𝐆𝐨𝐨𝐝 𝐠𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐭 𝐬𝐨𝐦𝐞𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐰𝐞 𝐬𝐢𝐦𝐩𝐥𝐲 𝐝𝐞𝐦𝐚𝐧𝐝 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐨𝐮𝐫 𝐥𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫𝐬. 𝐈𝐭 𝐢𝐬 𝐬𝐨𝐦𝐞𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐰𝐞 𝐦𝐮𝐬𝐭 𝐚𝐥𝐥 𝐩𝐫𝐚𝐜𝐭𝐢𝐜𝐞, 𝐩𝐫𝐨𝐭𝐞𝐜𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐫𝐞𝐬𝐞𝐫𝐯𝐞. And with the continued leadership of Mayor Vico Sotto in the executive branch, the cooperation of our barangays, our civil society partners, the private sector and our active citizens, we can give a Pasig that demonstrates what is possible when government and people work together with a common purpose.

We have the opportunity to show the rest of the country that the city can progress without compromising integrity. The development can be inclusive and that government can earn the trust of its people through transparency, and accountability. Let us together build our city where progress is measured not only by economic growth, but also by the strength of our institutions, the character of our citizens, and the opportunities we bring for future generations.

Our accomplishments give us reason to be proud. Our challenges give us reason to persevere, and our shared responsibility gives us reason to believe that the best years of Pasig are still ahead of us. Kaya naman sama-sama nating itaguyod ang isang Pasig na may matibay na pundasyon ng integridad, bukas na pamamahala at tunay na malasakit sa kapwa.

Mabuhay ang lungsod ng Pasig.

God bless po sa ating lahat!

Sobrang proud of this milestone! Saludo sa pamumuno ni Mayor Vico Sotto at sa buong local government ng Pasig para sa pi...
06/10/2026

Sobrang proud of this milestone! Saludo sa pamumuno ni Mayor Vico Sotto at sa buong local government ng Pasig para sa pinakamataas na GDP growth rate sa NCR para sa 2025!

Exciting pa ang mga susunod na improvements, lalo na sa Ease of Doing Business. Kapag lumalago ang ekonomiya, mas lumalaki rin ang oportunidad para guminhawa ang buhay ng bawat pamilya.

𝗣𝗮𝘀𝗶𝗴 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗵𝗮𝗱 𝘁𝗵𝗲 𝗵𝗶𝗴𝗵𝗲𝘀𝘁 𝗚𝗗𝗣 𝗴𝗿𝗼𝘄𝘁𝗵 𝗿𝗮𝘁𝗲 𝗶𝗻 𝗡𝗖𝗥 𝗳𝗼𝗿 𝟮𝟬𝟮𝟱!!! 📊📈📈📈 according to the Philippine Statistics Authority.

We will do our best to sustain. The Exciting part? We are still expecting big improvements soon. For example, with regard to Ease Of Doing Business-- we expect substantial improvements for this permit renewal season (January 2027), but we project the biggest changes to be felt within the next 12 months (gearing up towards Jan 2028 renewal season).

Kapag lumalago ang ekonomiya, mas lumalaki rin ang oportunidad para guminhawa ang buhay ng bawat pamilya.

Mula noon hanggang ngayon, bitbit ko pa rin ang mga natutunan ko sa sports. Kung paano bumangon kapag nadapa, kung paano...
06/10/2026

Mula noon hanggang ngayon, bitbit ko pa rin ang mga natutunan ko sa sports. Kung paano bumangon kapag nadapa, kung paano magtiwala sa kasama, at kung paano magtulungan para sa iisang layunin.

Kaya naman malapit sa puso ko ang Grand Launch ng Studio 300 at ng Atleta 63. Espasyo ito para sa mga pamilya, para sa bawat Pasigueño.

Habang lumalaki ang mga anak ko, mas lalo kong naintindihan na ang pinakamahalagang tagumpay sa buhay ay hindi yung mga nakamit o medalya. Ang totoo, nasa mga simpleng sandali iyon kasama ang pamilya mo.

Sa Pasig, ang pag-unlad ay hindi nasusukat sa laki ng istruktura. Makikita ito sa kung binibigyan natin ng maayos na espasyo ang mga pamilya para magkasama at mangarap.

Para sa mga bata, para sa ating mga pamilya. Para sa atin ito!

Mas magiging maluwag, mas maayos, at mas komportable na ang biyahe para sa ating mga kababayan at komyuter na dumaraan s...
28/09/2026

Mas magiging maluwag, mas maayos, at mas komportable na ang biyahe para sa ating mga kababayan at komyuter na dumaraan sa Pasig at Taytay.

Nitong nagdaang araw, opisyal nating nilagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng City Government of Pasig at ng Munisipalidad ng Taytay, kasama sina Mayor Allan De Leon at Vice Mayor JV Cabitac ng Taytay.

Ang ibig sabihin nito, tapos na ang pangangamba sa out-of-line penalties para sa ating mga tricycle drivers na tumatawid ng hangganan. Dahil sa bagong inter-municipality route integration na ito, papayagan na ang cross-boundary drop-off ng mga pasahero.

Sa pagtutulungang ito, pinapadali natin ang daan para sa lahat dahil ang komportableng biyahe ay karapatan ng bawat mamamayan, hindi pribilehiyo.

Tuloy-tuloy pa rin ang ating Oplan Kaayusan ngayong linggo! Nakakatuwa talagang makausap kayo at magkamustahan kahit saa...
23/09/2026

Tuloy-tuloy pa rin ang ating Oplan Kaayusan ngayong linggo! Nakakatuwa talagang makausap kayo at magkamustahan kahit saan tayo magkita.

Kahit ano pa ang hamon sa ating paligid, patuloy nating pinatutunayan na mas magaan ang bawat araw basta't magkakasama tayong nagtutulungan para sa ating komunidad.

Sabay-sabay po nating ipagpatuloy ang mga magagandang hakbang na ito para sa mas maayos na lungsod ng Pasig!

100% passing rate ulit para sa PLP College of Nursing! Congratulations sa ating mga bagong nurses. Bunga ito ng matindi ...
19/09/2026

100% passing rate ulit para sa PLP College of Nursing!

Congratulations sa ating mga bagong nurses. Bunga ito ng matindi ninyong sakripisyo, at sobrang proud kami sa inyo!

The LGU will continue to invest in our future nurses, dahil walang estudyante ang dapat mamrublema sa gastos habang nag-aaral magligtas ng buhay. Meron tayong Return Service Agreement. Sagot ng LGU ang inyong libreng tuition, connectivity, book at graduation allowances, pati na rin ang free RLE. Kapag naging professionals na kayo, you will serve in our LGU hospitals.

Sagot namin ang edukasyon niyo, para makapag-focus kayo sa pag-aalaga sa ating komunidad. Mabuhay ang ating mga bagong nurses!

Address

7th Floor, Pasig City Hall, Carunco Avenue, Pasig City
Pasig
1606

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dodot Jaworski posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Dodot Jaworski:

Shortcuts

Share

Nearby government services