Sangguniang Kabataan - Sipat 2023

Directions

Sangguniang Kabataan - Sipat 2023 Official page of Sangguniang Kabataan ng Sipat ❤️ SK Chairperson Prince Jared V. Santiago ❤️

Ngayong Araw naganap ang Clinic/Screening para sa nalalapit na JJV CUP INTER BARANGAY BASKETBALL TOURNAMENT 2026 🏆🏀Muli ...
25/10/2026

Ngayong Araw naganap ang Clinic/Screening para sa nalalapit na JJV CUP INTER BARANGAY BASKETBALL TOURNAMENT 2026 🏆🏀

Muli po nating samahan at suportahan ang Sipat Knights sa kanilang bawat laban para sa ating BARANGAY 🏆



LIBRENG PRINT AT PHOTOCOPY PARA SA KABATAAN NG SIPAT 📚🖨️📃Inilunsad ng SK Sipat ang FREE PRINTING and PHOTOCOPY SERVICES ...
08/10/2026

LIBRENG PRINT AT PHOTOCOPY PARA SA KABATAAN NG SIPAT 📚🖨️📃

Inilunsad ng SK Sipat ang FREE PRINTING and PHOTOCOPY SERVICES para makatulong sa mga kabataan ng ating barangay sa kanilang school requirements at work-related documents.

Layunin ng proyektong ito na mapagaan ang gastusin sa pagpi-print ng mga mahahalagang dokumento, lalo na para sa mga mag-aaral at naghahanapbuhay. Nais ng inyong Sangguniang Kabataan na makatulong sa pag-abot ng inyong mga pangarap sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyong maayos, at libre.

✔️ Open to all residents of Brgy. Sipat
✔️ Must present a valid School ID
✔️ For work-related printing, present a valid ID

🖨️ PRINTING LIMIT:
•Maximum of 5 pages per kabataan per day

📅 Every Monday, Wednesday & Friday
⏰ 10:00 AM – 3:00 PM
📍 SK Office 2nd Floor Brgy. Sipat
📩 Send your files through the SK Page ( Sangguniang Kabataan ng Sipat 2023 ), Gmail acc. ( [email protected] )
or directly message SK Chairman Jared Santiago or SK Councils 🖨️📚

Let's make school and work requirements a little easier and more accessible for every kabataan. 🖨️📚

BOY/GIRL OFFICIAL 2026 ❤️REPRESENTATIVE OF BARANGAY SIPAT ❤️JAKE VINZA PASTORSHEKAINAH V. DE GUZMAN Ang ating Boy and Gi...
10/09/2026

BOY/GIRL OFFICIAL 2026 ❤️

REPRESENTATIVE OF BARANGAY SIPAT ❤️

JAKE VINZA PASTOR
SHEKAINAH V. DE GUZMAN

Ang ating Boy and Girl Official Representative ay Masayang nakilahok na maging bahagi sa programa ng Pamahalaang Bayan ng Plaridel mula sa pagdalo sa pormal na session, pagtulong sa barangay activities, Paglibot sa bayan ng Plaridel at hanggang sa pagkatuto ng mga responsibilidad ng isang tunay na lider at Marami pang iba 🫡

Sa bawat hakbang natututo silang makilahok, magplano, makipag-ugnayan, at maglingkod para sa komunidad 😊

Patunay lang ito na kahit kabataan, may kakayahan, Malasakit at Puso para sa bayan ❤️ Mabuhay ang Kabataang Plarideleño ✨

Maraming Maraming Salamat po Mayor Jocell Vistan, Sa Bumubuo ng Local Youth Development Office at Sangguniang Kabataan Chairperson Prince Jared Santiago and SK Councils❤️

BOY/GIRL OFFICIAL 🇵🇭✨Orientation and Election 💯Ang BGO (Linggo ng Kabataan) ay isang natatanging programa na nagbibigay ...
15/07/2026

BOY/GIRL OFFICIAL 🇵🇭✨
Orientation and Election 💯

Ang BGO (Linggo ng Kabataan) ay isang natatanging programa na nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na maranasan at masaksihan ang tungkulin at responsibilidad ng mga opisyal ng barangay at Munisipyo. Ito ang kanilang pagkakataon upang matuto tungkol sa mabuting pamamahala, pamumuno at tunay na diwa ng paglilingkod sa bayan.

Bilang pakikiisa sa taunang Linggo ng Kabataan ngayong darating na August 2026. Masayang nakilahok ang mga piling Kabataan na si SHEKAINAH DE GUZMAN at JAKE VINZA PASTOR na maging bahagi sa programa ng Pamahalaang Bayan ng Plaridel upang mapalawig ang kanilang kaalaman bilang isang Kabataang Plarideleño.


Patuloy ang suporta ng Sangguniang Kabataan ng Sipat na pinangungunahan ni Sk Chairman Jared Santiago at SK Councils sa ...
10/07/2026

Patuloy ang suporta ng Sangguniang Kabataan ng Sipat na pinangungunahan ni Sk Chairman Jared Santiago at SK Councils sa mga kabataan na lalaro para sa PSL INTER-BRGY VOLLEYBALL TOURNAMENT 2026 🏆🏀

Atin pong suportahan ang ating Barangay sa kanilang bawat laban🥇

“Blood donation will cost you nothing, but it will save a life.”
16/06/2026

“Blood donation will cost you nothing, but it will save a life.”





PLARIDEL SUPERLIGA INTER BARANGAY MEN'S AND WOMEN'S VOLLEYBALL TEAM 🏐🔥SAMA SAMA PO NATING SUPORTAHAN ANG ATING MGA MAHUH...
14/06/2026

PLARIDEL SUPERLIGA INTER BARANGAY MEN'S AND WOMEN'S VOLLEYBALL TEAM 🏐🔥

SAMA SAMA PO NATING SUPORTAHAN ANG ATING MGA MAHUHUSAY NA MANLALARO ❤️🔥

OPENING DATE : JULY 04, 2025 💯


Narito po ang makakatanggap ng Free bags at School supplies mula sa Sangguniang Kabataan ng Sipat. Mangyari lamang po na...
05/06/2026

Narito po ang makakatanggap ng Free bags at School supplies mula sa Sangguniang Kabataan ng Sipat. Mangyari lamang po na i-claim ang bag at school supplies sa June 6, 2026 (SATURDAY) sa ganap na 8:00 ng Umaga hanggang 9:00 am sa ating Brgy Hall 2nd floor sa Sk Office.

Magdala lamang po ng School ID upang maging katunayan na kayo po ang nasa listahan.
Kita kita tayo mga Mahal kong Kabataan ng Sipat! ❤️✨

Magandang Araw po mga Kabataan ng Brgy.Sipat 🙌❤️ Open napo ang ating Registration via Google Form para sa ating "SK SIPA...
04/06/2026

Magandang Araw po mga Kabataan ng Brgy.Sipat 🙌❤️ Open napo ang ating Registration via Google Form para sa ating "SK SIPAT FREE BAGS AND SCHOOL SUPPLIES 2026" na handog ng Sangguniang Kabataan ng Sipat , maaari napo kayong kumuha ng slot.

Narito po ang link :
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSeLl0e2SgcB_SUV8JK_H0o8YZibtPSQ_226Qicfemp5S8bwlA/viewform?usp=publish-editor

MULING PAALALA :
- ITO AY PARA LAMANG SA MGA JUNIOR AT SENIOR HIGHSCHOOL.
- KAPAG PUNO NAPO ANG SLOTS AY AGAD NAPO NAMING ISASARA ANG REGISTRATION MARAMING SALAMAT PO! ❤️


Ang Sangguniang Kabataan ng Sipat, Plaridel ay naglulunsad ng “ FREE BAGS AND SCHOOL SUPPLIES 2026 ” bilang suporta sa mga mag-aaral para sa darating na pasukan. Layunin ng programang ito na makapagbigay ng mga pangunahing gamit sa paaralan sa mga karapat-dapat na estudyanteng nasa high school a...

LIBRENG BAG AT SCHOOL SUPPLIES 2026 HANDOG NG SANGGUNIANG KABATAAN NG SIPAT 📗✏️🎒🖊️📏Magandang Araw, Mga Minamahal namin K...
02/06/2026

LIBRENG BAG AT SCHOOL SUPPLIES 2026 HANDOG NG SANGGUNIANG KABATAAN NG SIPAT 📗✏️🎒🖊️📏

Magandang Araw, Mga Minamahal namin Kabataan ng Brgy Sipat 💗✨

Ang Sangguniang Kabataan ng Sipat, Plaridel ay naglulunsad ng “ FREE BAGS AND SCHOOL SUPPLIES 2026 ” bilang suporta sa mga mag-aaral para sa darating na pasukan. Layunin ng programang ito na makapagbigay ng mga pangunahing gamit sa paaralan sa mga karapat-dapat na estudyanteng nasa high school at residente ng Barangay Sipat. Sa pamamagitan ng proyektong ito, nais ng SK na makatulong sa pagpapagaan ng gastusin ng mga pamilya at mahikayat ang mga kabataan na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral nang may sipag at inspirasyon.

120 na Junior Highschool at Senior Highschool lamang po ang makakatanggap ng Bag at school supplies. 💗✨

Mga Panuntunan at Paalala :

1.Ang programa ay bukas lamang para sa mga high school students.
2. Ang aplikante ay dapat na residente ng Barangay Sipat, Plaridel.
3. Isang rehistrasyon lamang bawat pamilya ang papayagan.
4. Siguraduhing tama at kumpleto ang impormasyong ilalagay sa registration form.
5. Ang pagpapasa ng requirements at pagrerehistro ay dapat gawin sa itinakdang schedule ng SK dahil ang slot ay limitado sa mga kabataan na makakapagregister sa google forms bago magclose ang link.

Ito ay paunahan lamang po, kapag napuno napo ang slots ay isasara napo agad ang ating google form! ✅

Mangyari lamang po na hintayin ang Pagbubukas ng Registration via Google forms sa darating na June 04, 2026 ( Thursday ) 8:00 am.

ANG LINK PO AY IPOPOST SA DARATING NA JUNE 04,2026 MARAMING SALAMAT PO!


Address

Sipat
Plaridel

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Sipat 2023 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category

Nearby government services