Polillo Tourism

Directions Contact the organization

Polillo Tourism The Official Tourism page of Polillo Island Quezon. Follow and get updated to all of our Tourism Happenings!

09/10/2026

🌅

08/10/2026

Kulalanum Falls Brgy. Pamatdan Polillo, Quezon

Isinagawa ngayong araw ng Setyembre 25, 2026 ang Quezon Tourism Summit sa Quezon Convention Center na pinangasiwaan ng P...
25/09/2026

Isinagawa ngayong araw ng Setyembre 25, 2026 ang Quezon Tourism Summit sa Quezon Convention Center na pinangasiwaan ng Panlalawigang Tanggapang Panturismo. Nilahukan ito ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Kgg. Angelique E. Bosque-Pico, Kgg. Ginalyn O. Flores, Kgg. Khiara Shane L. Puchol, at Gng. Harly May C. Flores. Kasama rin sina G. Wenston E. Gujilde na kinatawan ng sektor ng edukasyon at si G. Kenway A. Curia na kinatawan ng sektor ng transportasyon. Layunin ng programang ito na palakasin ang turismo sa ating lalawigan sa pamamagitan ng sustainable tourism habang isinusulong ang paggamit ng mga bagong teknolohiya gaya ng Artificial Inteligence (AI) upang mas malawak ang maabot ng promotion at mapadali ang transaksyon para sa mas magandang karanasan ng turista at paglago ng mga establisyimento.

Malugod na tinanggap ng Pambayang Tanggapang Panturismo ang mga bisitang kinatawan ng Mase Holdings Incorporated ngayong...
24/09/2026

Malugod na tinanggap ng Pambayang Tanggapang Panturismo ang mga bisitang kinatawan ng Mase Holdings Incorporated ngayong araw, Setyembre 24, 2026. Ibinahagi nila ang mga proyektong nakaplano at isasagawa sa ating bayan na maglilikha ng mga oportunidad tungo sa patuloy na pag-asenso.

Isinagawa ngayong araw, Setyembre 16, 2026 ang Enhancing Tourism Excellence: A Workshop Integrating DTI Services, Innova...
16/09/2026

Isinagawa ngayong araw, Setyembre 16, 2026 ang Enhancing Tourism Excellence: A Workshop Integrating DTI Services, Innovative Tour Packaging, and Gender and Development sa 3rd Floor, Annex Bldg., Municipal Hall. Alinsunod ito sa pagpapaunlad at pagtataguyod ng turismo na kabilang sa mga ipinag-uutos na tungkulin ng mga Local Government Unit (LGU) sa ilalim ng Local Government Code of 1991 (Republic Act No. 7160) .

Dahil dito, ang Municipal Tourism Office ay nakatuon sa pagbuo ng isang turismong tumutugon sa pangangailangan ng lahat ng kasarian (gender-responsive) at napapanatili sa paraang makakalikasan (ecologically sustainable) , na makikinabang kapwa ang mga residente at mga turista, anuman ang kanilang kasarian, kulturang kinabibilangan, o edad. Layunin ng mga inisyatibong ito na matiyak na ang mga karanasan sa turismo ay ligtas, maginhawa, at makabuluhan para sa lahat.

Higit pa rito, ang Municipal Tourism Office at Tourism Council ay nakatuon sa pagpapanatili ng reputasyon ng Polillo bilang isang ligtas, gender-responsive, at makakalikasang destinasyon ng turismo. Ang pangmatagalang pananaw na ito ay naglalayong makahikayat ng mas maraming bisita, makalikha ng mga oportunidad na pagkakakitaan, at mapabuti ang kalagayang pang-ekonomiya ng kapwa kalalakihan at kababaihang kabilang sa sektor ng turismo.

Sa taong ito, ang pagdiriwang ng Tourism Week ay nakatuon sa pagpapalakas ng lokal na industriya ng turismo sa pamamagitan ng isang Workshop ng mga rehistradong tourism establishments. Dahil dito, naghanda ang Municipal Tourism Office ng isang araw na pagdiriwang na puno ng mga kapaki-pakinabang at makabuluhang gawain.

Kabilang sa mga pangunahing gawain ang mga sumusunod:

Una, Tour Packaging – pagbuo at pagpapaunlad ng mga tour package na magtatampok sa mga atraksyon, produkto, kultura, at iba pang yaman ng turismo ng Polillo. Nagsilbing tagapagsalita sa Tour Packaging Session si Mr. Rexmar R. Aguillon, Training and Consultancy Specialist II buhat sa RHUDARDA Multipurpose Cooperative. Tinalakay niya ang pagkakaroon ng malaking advantage ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagbuo ng tour package bilang bahagi ng promotion ng ating mga tourism destinations.

Ikalawa, DTI Services – pagbibigay ng mga serbisyo at impormasyon mula sa Department of Trade and Industry (DTI) upang makatulong sa mga tourism establishment at mga lokal na negosyante. Ibinahagi naman ni Ms. Mabelle V. Samas, Business Negosyo Center Counselor (DTI Quezon Province), ang ilang mahahalagang impormasyon para sa mas maayos na pagpapatakbo ng negosyo at makabagong paraan upang mas mapadali ang mga transaksyon gaya ng digitization ng bookings at promotion.

Ikatlo, Gender and Development (GAD) Workshop – isang pagsasanay na naglalayong palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga kalahok tungkol sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagsasama ng mga prinsipyo ng GAD sa sektor ng turismo. Binigyang diin naman ni Ms. Grace E. Hollesca, TWG President ng GAD Unit ng LGU Polillo, ang kahalagahan ng pagpapanatili ng respeto at pag-unawa pagdating sa kasarian ng isang tao maging lokal man o bisita.

Layunin ng ating munisipalidad na itaguyod at paunlarin ang isang industriya ng turismo na napapanatili, makakalikasan, at responsable sa kapaligiran, gayundin ang isang programang aktibong nilalahukan ng komunidad na magbibigay ng kapakinabangan sa kapwa kalalakihan at kababaihang residente ng munisipalidad.

Dagdag pa rito, ang ating Local Government Unit (LGU), sa pakikipagtulungan sa mga Tourism Stakeholders, ay naglalayong magkaroon ng isang maunlad at progresibong industriya ng turismo na makapagbibigay ng kasiya-siya, ligtas, at makabuluhang karanasan sa ating mga lokal at dayuhang bisita.

Mula po sa Pambayang Tanggapang Panturismo, ipinaaabot po namin ang aming lubos na pasasalamat sa ating butihing Punong Bayan, Kgg. Angelique E. Bosque-Pico; Ikalawang Punong Bayan, Kgg. Ginalyn O. Flores; at sa lahat po ng bumubuo ng Sangguniang Bayan sa patuloy na pagsuporta sa mga gawaing panturismo ng tanggapan. Gayun din po sa mga nakasamang panauhin mula sa Polillo MPS, PCG Polillo Sub-station, at lalong higit sa mga nakiisang resort and accomodation owners para sa makabuluhang gawain na ito. Muli, maraming salamat po.


Tampok na salitaSanggunian: KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino
10/09/2026

Tampok na salita

Sanggunian: KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Address

Mabini Street
Polillo

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm
Sunday 8am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Polillo Tourism posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Polillo Tourism:

Shortcuts

Share

Nearby government services