Sec Conrado Estrella III

Directions

Sec Conrado Estrella III Official page of Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III

Sa lahat ng magsasakang matagal nang naghihintay ng titulo, ito po si Tatay Dominador.Tatlumpu’t pitong taon nilang hini...
05/11/2026

Sa lahat ng magsasakang matagal nang naghihintay ng titulo, ito po si Tatay Dominador.

Tatlumpu’t pitong taon nilang hinintay ng kanyang asawa ang titulo ng lupang sinasaka nila. Nitong Oktubre 23, kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kami na mismo ang naghatid nito sa kanilang niyugan.

Napakasaya ko na nakilala ko sila. Hindi ko makakalimutan ang yakap ni Tatay.

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng titulo. Kung hindi kayo makapunta, kami ang pupunta sa inyo. Maraming salamat po, Tatay Dominador!

05/11/2026

Sec, hindi ka ba napapagod?

Hindi po. Kapag naglilingkod ka sa kapwa, masarap ang tulog mo sa gabi.

Hinding-hindi ako mapapagod para sa ating mga magsasaka.

04/11/2026

Alam n’yo ba ang cempedak? Ang lemon drop mangosteen? Ang durian cacao?

Dito sa Ligao, Albay, may mga bibihirang puno na puwedeng itanim dito mismo sa Pilipinas. Kaya ito po, mamimili kami at iuuwi sa Pangasinan!

Mas maraming klase ng tanim, mas maraming pagkain at kita para sa ating mga magsasaka.

Alam n’yo rin ba kung ano ang fig? Panuodin nyo po hanggang dulo. 🤣

Bago umuwi, dumaan kami sa isang nursery dito sa Ligao, Albay. 🌱Cempedac, jabuticaba, pili at iba pang punong mamumunga....
04/11/2026

Bago umuwi, dumaan kami sa isang nursery dito sa Ligao, Albay. 🌱

Cempedac, jabuticaba, pili at iba pang punong mamumunga. Dito nagsisimula ang mga puno para sa susunod na henerasyon.

Salamat kina Jin Melitante at Angelo Jay Melitante, mga may-ari ng nursery, sa mainit na pagtanggap at sa pagbabahagi ng inyong kaalaman sa pagpapalago ng mga punla.

Kapag inalagaan natin ang punla ngayon, may aanihin ang ating mga anak bukas.

Padami nang padami ang mga magsasakang natutulungan ng DAR.Dahil sa repormang agraryo at sa pagsikap ng mga magsasaka, t...
04/11/2026

Padami nang padami ang mga magsasakang natutulungan ng DAR.

Dahil sa repormang agraryo at sa pagsikap ng mga magsasaka, tuloy-tuloy ang pag-asenso, at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

03/11/2026

Kapag wala nang magtatanim, magugutom tayong lahat.

Patanda na nang patanda ang ating mga magsasaka. Pagdating ng araw na hindi na nila kayang magsaka, saan manggagaling ang ating pagkain? Aasa na lang ba tayo sa ibang bansa?

Hindi lang ito problema ng magsasaka. Problema ito nating lahat. Dahil ang food security ay national security.

Kaya kailangan nating hikayatin ang mga kabataan sa agrikultura, at gawing moderno at siyentipiko ang pagsasaka para makatulong sa pagpapataas ng kita ng ating mga magsasaka.

Hindi kami bibitaw. Tutulungan natin lahat para sa ating food security.

Halos 30 taon naghintay si Nanay Apsay Luna, 74, ng Calinan, Davao City, para sa titulo ng lupang kanyang sinasaka.Nang ...
03/11/2026

Halos 30 taon naghintay si Nanay Apsay Luna, 74, ng Calinan, Davao City, para sa titulo ng lupang kanyang sinasaka.

Nang pumanaw ang kanyang asawa, isang buwan pa lamang ang bunso nila. Mag-isa siyang nagtrabaho para sa lima niyang anak na babae at nagpatuloy sa pagsasaka.

Nitong Oktubre 1, natanggap na niya ang pinakahihintay na titulo. Hindi raw niya inakalang darating pa ang araw na ito.

Maraming salamat po, Nanay Apsay, sa pagbabahagi ng inyong kuwento at sa mga taon ng pagsisikap para sa inyong pamilya.

02/11/2026

Kapag may sariling lupa ang magsasaka, mas marami siyang naitatanim. At kapag mas marami ang naitatanim, mas marami ang pagkain sa hapag ng bawat Pilipino.

Halos 2 milyong Pilipino na ang nabigyan natin ng titulo. Ang lupang dati’y inaalala nila kung kanino, ngayon ay buong-loob na nilang tinataniman, dahil alam nilang sa kanila ito at sa kanilang mga anak.

At wala na pong utang sa lupa. Ang kikitain sa ani, diretso na sa pamilya.

Ito ang isang mahalagang ambag ng repormang agraryo sa food security.

Sa Araw ng mga Kaluluwa, inaalala natin ang mga mahal sa buhay na nauna na sa atin.Sa bawat kandilang sinisindihan at da...
02/11/2026

Sa Araw ng mga Kaluluwa, inaalala natin ang mga mahal sa buhay na nauna na sa atin.

Sa bawat kandilang sinisindihan at dasal na iniaalay, patuloy silang buhay sa ating mga puso at kuwento.

Nawa’y maging mapayapa ang inyong pag-alala ngayong Undas.

Mapagpalang Linggo at makabuluhang Undas po sa ating lahat! 🙏Ngayong Undas, inaalala natin ang lahat ng mga banal at ang...
01/11/2026

Mapagpalang Linggo at makabuluhang Undas po sa ating lahat! 🙏

Ngayong Undas, inaalala natin ang lahat ng mga banal at ang ating mga mahal sa buhay na nauna na sa atin. Paalala ito na ang kabanalan ay hindi para lamang sa iilan. Bawat isa sa atin ay anak ng Diyos, tinatawag na mamuhay nang may kabutihan sa tahanan, sa trabaho, at sa ating komunidad.

“Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag tayong mga anak ng Diyos, at iyon nga ang totoo.” (1 Juan 3:1)

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sec Conrado Estrella III posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share