03/06/2026
Happy World Bike Day, QCitizens! 🚲
Hindi lamang ito nakatutulong sa ating kalusugan, nakababawas din ito sa polusyon at nakapagbibigay ng positibong ambag sa ating komunidad at kapaligiran.
Pagbati sa lahat ng cyclists na patuloy na nagsusulong ng aktibong pamumuhay at responsableng paggamit ng ating mga kalsada at pampublikong espasyo.
"𝘈𝘯𝘨 𝘤𝘪𝘳𝘤𝘭𝘦 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘈𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘬𝘦, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰!"
03/06/2026
Safety Reminders mula sa QMC! 🌧
Paalala sa mga bibisita sa parke sa panahon ng tag-ulan:
- Mag-ingat sa madulas na daan
- Iwasang sumilong sa ilalim ng puno
- Bantayan ang mga bata
- Mag-ingat sa mga bumabagsak na sanga ng puno
- Magdala ng kapote o payong
- Park at your own risk
Sa ganitong panahon, pinapayuhang manatili na lamang sa inyong tahanan kung hindi importante ang lakad.
Maaring tumawag sa QC Helpline 122 para sa inyong emergencies.
"𝘈𝘯𝘨 𝘤𝘪𝘳𝘤𝘭𝘦 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘈𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘬𝘦, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰!"
02/06/2026
QMC Events Highlights | Mayo 2026 ✨
Isang makabuluhan at masiglang buwan ang ating tinapos ngayong Mayo 2026! 🎉
Sa buong buwan, naging bahagi tayo ng iba't ibang programa, aktibidad, at pagdiriwang na nagbigay ng oportunidad para sa pagkatuto, pakikilahok, at pagkakaisa ng ating komunidad. Maraming salamat sa lahat ng mga kalahok, katuwang, at tagasuporta na naging bahagi ng tagumpay ng bawat kaganapan.
Para sa mas detalyadong ulat at mga larawan ng bawat event, bisitahin ang mga link sa ibaba:
1. Inauguration of Skatepark and Lawn Tennis Court
:https://www.facebook.com/share/p/1BNCitinyn/
2. QMC Free Badminton Clinic
:https://www.facebook.com/share/p/1EB5Ws2gtn/
3. QMC Free Running Clinic
:https://www.facebook.com/share/p/18pYYbbiAL/
4. QMC Free Chess Clinic
:https://www.facebook.com/share/p/1Qj9UXz31F/
5. QMC Free Arnis Clinic
:https://www.facebook.com/share/p/1GYbQiz86H/
6. QMC & PESO Planting Education Project 2026
:https://www.facebook.com/share/p/18ZdNSQLej/
7. Philippines and Australia Friendship Day 2026
:https://www.facebook.com/share/p/1aXZMFmwFA/
8. QMC Free Art & Sketching Workshop
:https://www.facebook.com/share/p/1Bx4ZuNDnY/
9. Eid'l Adha Al-Mubarak
:https://www.facebook.com/share/p/1PD2jWg6EV/
10. Furries De Mayo
: https://www.facebook.com/share/p/1Gx1DRdQEj/
"𝘈𝘯𝘨 𝘤𝘪𝘳𝘤𝘭𝘦 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘈𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘬𝘦, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰!"
31/05/2026
Shoutout sa mga skaters na nag-bayanihan kanina para linisin ang skatepark! Hindi lang puro flips and grinds, may malasakit din sa spot. 🤙🏻🛹
"𝘈𝘯𝘨 𝘤𝘪𝘳𝘤𝘭𝘦 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘈𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘬𝘦, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰!"
31/05/2026
FURRIES DE MAYO 2026 🐾
Matagumpay na naisagawa ang ikalawang taon ng Furries de Mayo 2026, na inorganisa ng Quezon City Veterinary Department katuwang ang iba’t ibang kawani at organisasyon, na ginanap sa Quezon Memorial Circle.
Naging makulay at kaabang-abang na parada tampok ang mga cute at adorable na pets na rumampa suot ang kanilang naggagandahang costumes, magagarang gown, at malikhaing props, na swak na swak pa sa outfit ng kanilang fur parents!
Higit pa sa kasiyahan, ipinapakita ng programang ito ang tunay na pangangalaga at pagmamahal ng tao sa kanilang mga alagang hayop, hindi lamang bilang simpleng pets, kundi bilang bahagi ng pamilya at tunay na anak.
Sa huli, itinanghal ang nagwaging Hara at Lakan ng Furries de Mayo 2026, bilang kampeon sa nasabing kompetisyon. 👑
"𝘈𝘯𝘨 𝘤𝘪𝘳𝘤𝘭𝘦 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘈𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘬𝘦, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰!"
30/05/2026
Advisory, QCitizens! 📢
Magandang araw, QCitizens! Ipinapaalam po namin sa inyo na magiging regular na ang pagpapasara ng ating Skatepark simula ngayong darating na Lunes (Hunyo 1, 2026) at magiging epektibo tuwing Lunes para sa maintenance checking, cleaning, at minor repairs.
Layunin po nito na masiguro ang kaligtasan ng lahat ng skaters na gumagamit ng ating pasilidad.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.
"𝘈𝘯𝘨 𝘤𝘪𝘳𝘤𝘭𝘦 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘈𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘬𝘦, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰!"
30/05/2026
Happening now...
Maya-maya ay magsisimula na ang Furries de Mayo! 🐾
Tara na, QCitizens! Sama-sama nating ipagdiwang at panuorin ang mga bonggang costumes ng mga cute at adorable na furbabies! 🫶
"𝘈𝘯𝘨 𝘤𝘪𝘳𝘤𝘭𝘦 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘈𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘬𝘦, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰!"
30/05/2026
Advisory, QCitizens! 📢
To give way to the ongoing construction works for the Rehabilitation Project of Liwasang Aurora and Commonwealth Promenade, the areas indicated on the map will be temporarily inaccessible to park visitors.
We apologize for any inconvenience this may cause. Rest assured that this project aims to enhance Liwasang Aurora and Commonwealth Promenade into a more improved, safe and relaxing space for everyone.
Thank you for your understanding.
"𝘈𝘯𝘨 𝘤𝘪𝘳𝘤𝘭𝘦 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘈𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘬𝘦, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰!"
28/05/2026
Isang makulay at makabuluhang pagtatapos ng ating 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐀𝐫𝐭 & 𝐒𝐤𝐞𝐭𝐜𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐬𝐡𝐨𝐩 para sa mga bata na buong husay na ipinresenta ang kanilang final artworks at sketch outputs. 🖼️✏️
Bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at talento, binigyan sila ng kanilang certificates of participation.
I-didisplay rin ang kanilang mga likhang sining sa QMC, restaurants area upang makita at ma-appreciate ng mga park-goers ang art ng mga bata.
Maraming salamat sa Q-Art Circle Philippines na nagturo sa mga bata, sa lahat ng nakiisa, sumuporta, magulang at naging bahagi ng workshop na ito! 🫶
Bilang bahagi rin ng event, maaari ninyong kunin at i-save ang inyong mga pictures. May pahintulot o consent din mula sa mga participants at guardians para sa pagkuha at pag-post ng mga larawan kaugnay ng arts & sketching workshop.
"𝘈𝘯𝘨 𝘤𝘪𝘳𝘤𝘭𝘦 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵. 𝘈𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘬𝘦, 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰!"