Barangay Poblacion UNO - CSJDM Bulacan

Call Directions Contact the organization

Barangay Poblacion UNO - CSJDM Bulacan This is the Official page of Barangay Poblacion UNO - City of San Jose del Monte, Bulacan

AS OF 06:16PM - NOV. 1NATIONAL ROAD, POBLACION1 WAY - Moderate to Heavy Traffic, dagsa ang mga taong bumisita sa mga sem...
01/11/2026

AS OF 06:16PM - NOV. 1
NATIONAL ROAD, POBLACION

1 WAY - Moderate to Heavy Traffic, dagsa ang mga taong bumisita sa mga sementeryo..

AS OF 04:40PM - NOVEMBER 1NATIONAL ROAD, POBLACION 1
01/11/2026

AS OF 04:40PM - NOVEMBER 1
NATIONAL ROAD, POBLACION 1

AS OF 9:36AM - NOVEMBER 1Narito ang kasalukuyang sitwasyon ng daloy ng Traffic at pangunahing sementeryo dito sa Baranga...
01/11/2026

AS OF 9:36AM - NOVEMBER 1
Narito ang kasalukuyang sitwasyon ng daloy ng Traffic at pangunahing sementeryo dito sa Barangay Poblacion 1.

Keep Safe at magdala po tayo ng tubig na maiinom at payong..

PABATID SA PUBLIKO:Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng UNDAS 2026 – OPLAN KALULUWA, hinihikayat ang lahat ng mamamayan na...
31/10/2026

PABATID SA PUBLIKO:

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng UNDAS 2026 – OPLAN KALULUWA, hinihikayat ang lahat ng mamamayan na makiisa sa pagpapanatili ng isang ligtas, maayos, malinis at mapayapang paggunita sa ating mga yumaong mahal sa buhay.
Pinaaalalahanan ang lahat ng bibisita sa sementeryo na:

***Panatilihin ang kalinisan at itapon ang basura sa tamang lalagyan.
***Sumunod sa mga alituntunin at paalala ng mga awtoridad.
***Maging mapagmatyag at ingatan ang mga personal na gamit.
***Iwasan ang anumang gulo o kaguluhan sa loob at paligid ng sementeryo.
***Makipagtulungan sa mga awtoridad at kawani ng barangay para sa kaligtasan ng lahat.

Nawa'y maging makabuluhan, tahimik at mapayapa ang ating pag-alala sa mga mahal natin sa buhay na pumanaw na.

📢 PABATID SA MAMAMAYAN NG BARANGAY POBLACION 1Magandang araw po sa lahat ng mga residente ng Barangay Poblacion 1!Ipinab...
28/10/2026

📢 PABATID SA MAMAMAYAN NG BARANGAY POBLACION 1

Magandang araw po sa lahat ng mga residente ng Barangay Poblacion 1!

Ipinababatid po sa lahat na ngayong araw po, OCTOBER 28, 2026 ang mga kawani ng City Population Office, kasama ang mga kawani ng Barangay Poblacion 1, ay iikot sa ating barangay upang magsagawa ng Household Profiling 2026.

Kaugnay nito, hinihiling po namin ang inyong pakikiisa at kooperasyon. Mangyari po lamang na buksan natin ang ating mga pinto at maglaan ng kaunting oras upang sila ay makapagsagawa ng kinakailangang profiling.

Makakaasa po kayo na ang inyong pakikiisa ay malaking tulong sa pangangalap ng mahahalagang impormasyon para sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at serbisyong angkop sa pangangailangan ng ating komunidad.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na suporta!

Mula po sa Pamahalaang Barangay ng Poblacion 1.

MARAMING SALAMAT PO!

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒!October 24, 2026 araw ng Sabado ay ginanap ang 2nd Quarter Barangay Assembly na ginanap sa San Francisco St. P...
27/10/2026

𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒!

October 24, 2026 araw ng Sabado ay ginanap ang 2nd Quarter Barangay Assembly na ginanap sa San Francisco St. Poblacion 1, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.

Ang 2nd Quarter Barangay Assembly ay may Temang;
"𝗧𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆! 𝗡𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗶𝗻𝗶𝗴, 𝗠𝗮𝗸𝗮𝗯𝘂𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗨𝘀𝗮𝗽𝗮𝗻, 𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗔𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱"

Dito ay nagbahagi ang Sangguniang Barangay ng kanilang mga nagawa at gagawin pang mga Proyekto sa ating Barangay.

Ito ay pinangunahan ng ating Punong Barangay Hon. Laarnie Miranda Contreras kasama ang Barangay Council, Hon. Esmeralda Gojo Cruz, Hon. Randy Mendoza, Hon. Henry Badillo, Hon. Jimmy Domingo, Hon. Morris Reynante Medina, Hon. Leo Avanceña, at Hon. Antonio Manuel.

Nagbahagi din ng mensahe ang kinatawan ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) si Sir Kelvin Santiago patungkol sa Climate Change, El Niño at La Niña.

Nakasama din natin ang ating City Local Goverment Operation Officer, DILG CSJDM - Dir, Benedict M. Pangan.

Sa ating mga pa-raffle na na mula sa ating Sangguniang Barangay, sa ating Punong Lungsod Hon. Florida P. Robes at Congressman Hon. Arthur Robes, sa ating Vice Mayor Arlene “ABA” Bartolome at sa mga mahal nating Konsehal at Konsehala, Hon. Brigs Abela , Hon. Noli Concepcion, Hon. Dra. Rosalyn Cabuco, Hon. Oliver Miranda Robes at Hon. Konsi Jojo Gerona .

Sa mga Nakiisa at Nakilahok sa ating Barangay Assembly, maraming maraming salamat po. 🧡🩷





Sec Chard 🌟
24/10/2026

Sec Chard 🌟

HAPPENING NOW!2nd Quarter BARANGAY ASSEMBLY at San Francisco St., Poblacion 1, City of San Jose del Monte, Bulacan.Na ma...
24/10/2026

HAPPENING NOW!

2nd Quarter BARANGAY ASSEMBLY at San Francisco St., Poblacion 1, City of San Jose del Monte, Bulacan.

Na may Temang:

"Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad"




PAANYAYA SA LAHAT NG MAMAMAYAN!Minamahal na mga residente ng Barangay Poblacion 1,Kayo po ay buong-pusong inaanyayahan n...
21/10/2026

PAANYAYA SA LAHAT NG MAMAMAYAN!

Minamahal na mga residente ng Barangay Poblacion 1,
Kayo po ay buong-pusong inaanyayahan na dumalo sa gaganaping BARANGAY ASSEMBLY DAY ng Barangay Poblacion 1 sa darating na Oktubre 24, 2026 (Sabado), ganap na ika-2:00 ng hapon, sa San Francisco Street, Poblacion 1.

Layunin ng pagtitipong ito na maipabatid sa ating mga mamamayan ang mahahalagang programa, proyekto, gawain, at ulat ng ating barangay, gayundin ang mga usaping may kaugnayan sa kaayusan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat residente.

Ang inyong pagdalo, pakikilahok, at mga mungkahi ay mahalaga upang higit nating mapalakas ang pagkakaisa at pagtutulungan tungo sa isang maunlad, ligtas, at nagkakaisang Barangay Poblacion 1.
Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa at pagdalo.
Maraming salamat po!

Mabuhay ang Barangay Poblacion 1!

Lubos na gumagalang,

HON. LAARNIE M. CONTRERAS at Sangguniang Barangay ng Poblacion 1

🚨 BABALA SA PUBLIKO! 🚨BARANGAY POBLACION 1ITIGIL ANG PAGNANAKAW NG GROUNDING WIRE NG KURYENTE!Sa lahat ng mamamayan ng P...
16/10/2026

🚨 BABALA SA PUBLIKO! 🚨

BARANGAY POBLACION 1

ITIGIL ANG PAGNANAKAW NG GROUNDING WIRE NG KURYENTE!

Sa lahat ng mamamayan ng Poblacion 1, maging mapagmatyag at makiisa sa pagpigil sa pagnanakaw ng mga grounding wire ng mga poste at instalasyon ng kuryente.

Ang ganitong gawain ay hindi lamang nagdudulot ng pinsala sa mga kagamitan, kundi maaari ring maglagay sa panganib sa buhay at kaligtasan ng ating mga kababayan.

PAALALA SA LAHAT:

- Huwag magnakaw o manira ng mga kawad at kagamitang elektrikal.
- Iulat agad sa Barangay ang anumang kahina-hinalang gawain.
- Huwag hawakan ang naputol o nakalaylay na kawad ng kuryente.
- Makipagtulungan sa mga kinauukulan upang mapanatili ang kaligtasan ng ating komunidad.

ANG PAGNANAKAW AY HINDI SOLUSYON — ITO AY PANGANIB SA BUHAY!

Maging mapagmatyag. Maging responsable. Protektahan ang ating Barangay!

Paalaala mula sa Sangguniang Barangay ng Poblacion 1.

ANG SINO MAN PONG NAKAKA KILALA SA NASA LARAWAN SA IBABA AY MAAARI NIYO PONG IPAGBIGAY ALAM SA TANGGAPAN NG ATING BARANGAY. MARAMING SALAMAT PO...

Address

Andrew Compound, Barangay Poblacion 1
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Telephone

+639126369044

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Poblacion UNO - CSJDM Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Poblacion UNO - CSJDM Bulacan:

Shortcuts

Share