28/10/2026
🚧 BARANGAY ROAD CLEARING OPERATION FOR THE MONTH OF OCTOBER 🌿🛣️
Patuloy ang pagsisikap ng Barangay Local Government Unit of Lanas na mapanatiling ligtas, maayos, at passable ang ating mga kalsada.
Bilang bahagi ng ating Road Clearing Operation, pinutol ang mga nakalaylay na sanga ng mga puno na nakaharang sa kalsada upang maiwasan ang posibleng aksidente. Gayundin, tinambakan ng buhangin ang maputik na bahagi ng daan upang mapadali at mapabuti ang pagdaan ng mga motorista at residente.
Ang mga simpleng hakbang na ito ay para sa kaligtasan at kaginhawaan ng bawat Lanaseño. Sama-sama nating pangalagaan ang ating mga kalsada at panatilihing ligtas ang ating komunidad. 💚
Serbisyong Totoo, Aksyon para sa Lanas!