Aldrin Mercado

Aldrin Mercado Mabuhay! Ako si Aldrin Mercado, Konsehal mula sa Lungsod ng San Pedro. Ito ang aking opisyal na facebok page.

Sama-sama tayo sa mas malusog at maunlad na Lungsod ng San Pedro!

ANNOUNCEMENT: WALANG PASOKAlinsunod sa Memorandum Circular 135, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa...
09/09/2026

ANNOUNCEMENT: WALANG PASOK

Alinsunod sa Memorandum Circular 135, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan ngayon September 10, 2026. Hinihikayat ang paggamit ng Alternative Learning Modalities.

Hinihikayat din ang 𝗔𝗹𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗪𝗼𝗿𝗸 𝗔𝗿𝗿𝗮𝗻𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝘀 sa mga tanggapan ng ating lokal na pamahalaan.

Mag-ingat po tayong lahat! 💙


ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 10

Pursuant to Memorandum Circular No. 135, government offices are directed to implement appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces on September 10, 2026, in anticipation of continued heavy rainfall associated with the enhanced Southwest Monsoon (Habagat) and the cumulative effects of prolonged rainfall:

📍 National Capital Region (NCR)
📍 La Union
📍 Pangasinan
📍 Benguet
📍 Bataan
📍 Bulacan
📍 Pampanga
📍 Zambales
📍 Batangas
📍 Cavite
📍 Laguna
📍 Rizal
📍 Occidental Mindoro
📍 Oriental Mindoro

Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes at all levels in public and private schools shall be implemented in the aforementioned areas.

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

Contract of Service (COS) and Job Order (JO) workers placed under alternative work arrangements shall be paid their corresponding wages or salaries, subject to applicable rules and regulations.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

09.02.26 | Kahapon, dumalo tayo sa 57th Regular Session ng Sangguniang Panlungsod sa SP Session Hall.Ilan sa mga tinalak...
02/09/2026

09.02.26 | Kahapon, dumalo tayo sa 57th Regular Session ng Sangguniang Panlungsod sa SP Session Hall.

Ilan sa mga tinalakay natin ay mga panukalang ordinansa at resolusyon, pagkilala sa ating mga atletang San Pedronian, mga barangay ordinances para sa review, at accreditation ng isang Civil Society Organization.

Patuloy tayong makikilahok at makikinig, para mas maayos nating maisulong ang kapakanan ng bawat San Pedronian. 🤝💙

08.13.26 | Sa ating 54th Regular Session ng Sangguniang Panlungsod kahapon, August 12, naging bahagi ng ating talakayan ...
13/08/2026

08.13.26 | Sa ating 54th Regular Session ng Sangguniang Panlungsod kahapon, August 12, naging bahagi ng ating talakayan ang ilang mahahalagang agenda para sa mas ligtas, mas maayos, at mas progresibong San Pedro.

Kabilang dito ang mga hakbang para sa CCTV at automated weather stations, libreng at secure na Wi-Fi sa mga pampublikong lugar, mga usapin sa kalusugan tulad ng smoke-free at vape-free environment, pagkilala sa mga natatanging kabataan ng San Pedro, pati na rin ang mga reklamo at usaping barangay na nangangailangan ng maingat at patas na pagtalakay.

At isang mainit na welcome sa ating City Junior Official counterpart, John Lloyd Lopez! Masaya kaming makasama ka sa Sangguniang Panlungsod. Sana ay maging makabuluhan ang iyong karanasan at magsilbi itong magandang pagkakataon upang mas makilala at matutunan mo ang tunay na diwa ng public service. Welcome sa SP family! 🤝

Patuloy tayong magtutulungan para sa isang San Pedro na ligtas, maayos at may malasakit sa bawat mamamayan. 💙

09/08/2026

Mga minamahal kong San Pedrense,

Bilang bahagi ng ating patuloy na pag-iingat dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon (Habagat), ipinapaalam ko po na ang ating City Government of San Pedro ay magpapatupad ng Work-from-Home arrangement bukas, Agosto 10, 2026.

Bagama’t hindi kabilang ang City of San Pedro, Laguna sa mga lugar na tinukoy sa unang anunsyo ng Office of the President Memorandum Circular No. 123, minabuti nating pairalin ang Work-from-Home arrangement sa ating local government offices bilang karagdagang hakbang para sa kaligtasan ng ating mga kawani at ng buong komunidad.

Gayunpaman, mananatiling operational ang mga pangunahing tanggapan at serbisyo na may kinalaman sa Disaster Risk Reduction and Management, Health, Emergency Response, at iba pang essential services.

Patuloy ding ide-deploy ang ating mga response teams sa mga kinakailangang lugar upang masubaybayan ang sitwasyon, makapagbigay ng agarang tulong, at matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.

Hinihiling ko sa lahat na manatiling alerto, makinig sa mga opisyal na abiso, at unahin ang kaligtasan ng bawat pamilya.

08.03.26 | Sa ating 53rd Regular Session sa SP Session Hall, muli nating tinalakay at pinag-usapan ang mga mahahalagang ...
03/08/2026

08.03.26 | Sa ating 53rd Regular Session sa SP Session Hall, muli nating tinalakay at pinag-usapan ang mga mahahalagang resolusyon at ordinansa na makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng ating lungsod.

Malugod din nating tinanggap ang ating bagong SP Secretary, Atty. Jerica Clara Machado. Nawa'y maging mabunga ang ating pagtutulungan para sa mas mahusay at mas episyenteng paglilingkod sa bawat San Pedrense.

Patuloy tayong magseserbisyo nang may puso, integridad, at malasakit para sa ating lungsod. 💙💚

07.22.26 | Kahapon ay muling naging abala ngunit produktibo ang ating araw sa Sangguniang Panlungsod.Nakiisa tayo sa 51s...
22/07/2026

07.22.26 | Kahapon ay muling naging abala ngunit produktibo ang ating araw sa Sangguniang Panlungsod.

Nakiisa tayo sa 51st Regular Session, kasunod ang ilang mahahalagang committee hearings na tumalakay sa pagkilala sa AMIGA at sa kanilang mahalagang ambag sa ating komunidad, gayundin sa pagtalakay ng mga panukalang badyet ng SK Barangay San Antonio, Barangay Langgam, at Supplemental Budget ng Barangay Bagong Silang.

Bawat sesyon at pagdinig ay pagkakataon upang masiguro na ang ating mga desisyon ay makatao, makatarungan, at nakatuon sa kapakanan ng bawat San Pedrense. Patuloy po nating isusulong ang maayos na pamamahala at mga programang tunay na makikinabang ang ating mga kababayan.

07.15.26 | Isang produktibong Martes sa ating Sangguniang Panlungsod. 💙Kahapon ay nakiisa tayo sa 50th Regular Session k...
15/07/2026

07.15.26 | Isang produktibong Martes sa ating Sangguniang Panlungsod. 💙

Kahapon ay nakiisa tayo sa 50th Regular Session kung saan tinalakay ang iba't ibang panukala at usaping mahalaga sa patuloy na pag-unlad ng ating lungsod, mula sa Environmental Code, pagkilala sa mga makasaysayang pook, mga resolusyon para sa ating mga kababayan, hanggang sa iba pang programang makikinabang ang bawat San Pedrense.

Matapos ang sesyon, dumalo rin tayo sa Committee on Awards & Recognition upang pag-usapan ang pagbibigay ng nararapat na pagkilala sa AMIGA, bilang isa sa mga opisyal na LGBTQIA+ organizations ng ating lungsod na patuloy na nagbibigay ng positibong ambag sa komunidad.

Sinundan ito ng mga Committee Hearings on Budget, Accounts, Finance & Appropriation para sa 2026 Annual Budget ng Barangay Landayan at Supplemental Budget No. 1 ng Barangay Magsaysay, gayundin ng pagdalo sa Committee on Rules, Ethics & Privileges para sa pagsusuri ng isang barangay ordinance.

Patuloy po nating pagtutuunan ng oras ang bawat panukala at usapin upang masiguro na ang bawat desisyon ay para sa kapakanan at mas maayos na kinabukasan ng ating mga kababayan.

07.06.26 | Isang linggo na ang nakalipas mula nang ipagdiwang natin ang iyong retirement, Ate Bessy, pero hanggang ngayo...
07/07/2026

07.06.26 | Isang linggo na ang nakalipas mula nang ipagdiwang natin ang iyong retirement, Ate Bessy, pero hanggang ngayon ay dala pa rin namin ang pasasalamat sa lahat ng iyong naiambag sa Sangguniang Panlungsod.

Maraming salamat sa iyong paggabay, malasakit, at tahimik na dedikasyon na naging sandigan naming lahat sa paglalakbay sa serbisyo publiko. Malaki ang naging bahagi mo sa paghubog ng maayos at mahusay na pagtatrabaho sa loob ng SP.

Nawa'y maging masaya, payapa, at puno ng pagpapala ang bagong yugto ng iyong buhay. Hinding-hindi malilimutan ang iyong mga aral at kabutihan.

Muli, maraming salamat, Ate Bessy. God bless you always! 💙

07.06.2026 | Muling nagsama-sama ang ating Sangguniang Panlungsod ngayong araw upang talakayin at pagdesisyunan ang mga ...
06/07/2026

07.06.2026 | Muling nagsama-sama ang ating Sangguniang Panlungsod ngayong araw upang talakayin at pagdesisyunan ang mga panukalang may direktang epekto sa kapakanan ng bawat San Pedrense. 🇵🇭

Kabilang sa mga napag-usapan ang mga usaping may kaugnayan sa kalusugan, disaster preparedness, pondo ng barangay, oportunidad sa trabaho para sa ating mga first-time job seekers, at iba pang hakbang na naglalayong mapalakas ang serbisyo ng ating pamahalaang panlungsod.

Bilang inyong lingkod, patuloy kong isusulong ang mga panukalang makatutulong sa pag-unlad ng ating lungsod at magbibigay ng mas maayos, mas episyente, at mas makataong serbisyo para sa bawat mamamayan.

Ang bawat sesyon ay pagkakataon upang makinig, makipagtalakayan, at gumawa ng mga desisyong nakabatay sa kapakanan ng nakararami. Sama-sama nating itaguyod ang isang mas maunlad, mas ligtas, at mas maayos na San Pedro.

Masaya po kaming makita ang mas marami nating kababayan na nabibigyan ng oportunidad na mapalago ang kanilang kabuhayan ...
19/06/2026

Masaya po kaming makita ang mas marami nating kababayan na nabibigyan ng oportunidad na mapalago ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng AKAP Program.

Congratulations sa lahat ng mga benepisyaryo. Nawa’y maging matagumpay ang inyong mga bagong simula para sa inyong pamilya at kinabukasan. 💙

Address

San Pedro
4023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aldrin Mercado posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share