Barangay San Antonio FB PAGE

Barangay San Antonio FB PAGE

Share

Barangay Goverment of San Antonio
City of San Pedro Laguna
Official page

Photos from Barangay San Antonio FB PAGE's post 20/04/2026

Matagumpay naisagawa ang Public Consultation ukol sa aplikasyon para sa Resolution of No Objection sa operasyon ng First Modern Green Management.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo, nakiisa, at nagbahagi ng kanilang mga opinyon at mungkahi. Ang inyong partisipasyon ay malaking ambag upang masiguro ang maayos, makatarungan, at makakalikasang desisyon para sa kapakanan ng ating komunidad.

Patuloy po nating ipakita ang pagkakaisa at pakikilahok sa mga usaping makaaapekto sa ating lugar.

Sama-sama para sa mas maayos na kinabukasan!

20/04/2026

SITIO HILLSIDE

ANDITO NA ang GOB SOL APP on Wheels!
MAG REGISTER NA at maging bahagi ng LIBRENG online check-up at LIBRENG gamot na direktang hatid sa inyo!

Wala pang account? No problem! May FREE WiFi on-site para mabilis, madali, at hassle-free ang registration!

14/04/2026

HOLIDAY HOMES PHASE 2 and 3

ANDITO NA ang GOB SOL APP on Wheels!
MAG REGISTER NA at maging bahagi ng LIBRENG online check-up at LIBRENG gamot na direktang hatid sa inyo!

Wala pang account? No problem! May FREE WiFi on-site para mabilis, madali, at hassle-free ang registration!

13/04/2026

SITIO KINGSFARM

ANDITO NA ang GOB SOL APP on Wheels!
MAG REGISTER NA at maging bahagi ng LIBRENG online check-up at LIBRENG gamot na direktang hatid sa inyo!

Wala pang account? No problem! May FREE WiFi on-site para mabilis, madali, at hassle-free ang registration!

10/04/2026

OPLAN GALUGAD: DISIPLINA PARA SA MAS LIGTAS NA KOMUNIDAD!

Mahigpit na ipinatutupad sa Barangay San Antonio ang mga alituntunin para sa kaayusan at kapayapaan ng ating mga kalsada:

Bawal ang inuman sa kalye
Bawal ang topless sa pampublikong lugar
Bawal ang videoke lampas 10PM
Bawal ang pagala-galang kabataan lagpas curfew

Sama-sama nating panatilihing ligtas, maayos, at disiplinado ang ating barangay!

Disiplina natin, seguridad ng lahat!

07/04/2026

Sa gitna ng matinding tag-init, huwag kalimutang alagaan ang sarili,uminom ng maraming tubig, magpahinga, at iwasan ang sobrang init ng araw.

Kalusugan at kaligtasan ang priority!

Sama-sama nating labanan ang init at manatiling presko araw-araw.

Photos from Barangay San Antonio FB PAGE's post 07/04/2026

Matagumpay na tinalakay ng Sangguniang Barangay ang mahahalagang panukalang batas at programa na naglalayong palakasin ang serbisyo at kapakanan ng ating mga kabarangay, naatasan maging Presiding Officer ng Barangay Regilar Session, Kag Abok Fojas

Kabilang sa mga pangunahing agenda ang:
✔️ Paglalaan ng mga kinakailangang kagamitan at suplay tulad ng office supplies, anti-rabies vaccine, BDRRM equipment, at service vehicle
✔️ Panukalang resolusyon para sa malinaw na financial at medical assistance para sa mga indigent na miyembro ng komunidad
✔️ Child-Safe School Program para sa kaligtasan ng ating mga kabataan
✔️ Regulasyon sa paggamit ng single-use plastics para sa pangangalaga ng kalikasan
✔️ Mandatory tree-planting para sa mga warehouse sa ating nasasakupan
✔️ Pagsunod sa energy conservation protocols ng pamahalaan
✔️ Pagbuo ng Community First Responders Group para sa mas mabilis na pagtugon sa sakuna at emerhensiya

Ibinahagi rin ang updates sa mga proyektong pang-imprastraktura:
• Ongoing: Concreting ng canal na may steel cover sa Sikap Street
• Accomplished: Pathwalk at hagdan sa Sitio Southside
• Accomplished: Pathwalk sa Quezon Street

Bukod dito, kinilala rin ang resulta ng Fire Olympics 2026 at ang pagtanggap ng BADAC Performance Audit Certification at Consolidated Information Report para sa 2025.

06/04/2026

SITIO MAHARLIKA 1 at 2

ANDITO NA ang GOB SOL APP on Wheels!
MAG REGISTER NA at maging bahagi ng LIBRENG online check-up at LIBRENG gamot na direktang hatid sa inyo!

Wala pang account? No problem! May FREE WiFi on-site para mabilis, madali, at hassle-free ang registration!

04/04/2026

Tagumpay ng pag-ibig laban sa kasalanan, at liwanag laban sa dilim. Nawa’y ang Kanyang muling pagkabuhay ay magbigay sa atin ng bagong pag-asa, panibagong simula, at lakas ng pananampalataya.

Sa bawat puso, nawa’y sumibol ang kapayapaan, kagalakan, at pananalig sa gitna ng anumang pagsubok.

03/04/2026

Damhin natin ang lalim ng pagninilay ang pagitan ng sakit at ng muling pagkabuhay. Ito ang sandali ng pagtitiwala, na kahit sa dilim, may liwanag na darating.

Nawa’y maging panahon ito ng pag-asa, panalangin, at tahimik na pakikipag-usap sa Diyos.

02/04/2026

Sa katahimikan ng araw na ito, alalahanin natin ang dakilang sakripisyo ni Hesukristo isang paalala ng walang kapantay na pag-ibig at pagpapatawad. Nawa’y maging sandigan natin ito upang magnilay, magsisi, at muling magbalik-loob.

Sa gitna ng ating mga pagsubok, nawa’y matagpuan natin ang liwanag sa Kanyang pag-aalay liwanag na magtuturo sa atin tungo sa mas makabuluhang pamumuhay.

Photos from Barangay San Antonio FB PAGE's post 02/04/2026

Sa pakikiisa sa pagninilay ng ating mga kababayan ngayong Mahal na Araw, buong puso pong inihahatid ng Barangay San Antonio ang serbisyong may malasakit at handang umagapay sa bawat isa.

Narito ang Lakbay Alalay na Serbisyo katuwang ang Barangay Health First Aid Desk at Oplan Sagip Uhaw na nagbibigay ng libreng tubig para sa ating mga mananampalataya.

Taos-pusong pasasalamat din sa Sangguniang Kabataan Council sa kanilang handog na mainit na lugaw at libreng tubig,isang simpleng alay na tunay na nakakapawi ng pagod at uhaw.

Patuloy pong nakaantabay ang ating mga BAPOSO at BDRRM upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng lahat.

Sa sama-samang pagkilos, mas napapalalim ang diwa ng malasakit, paglilingkod, at pagkakaisa.

Want your business to be the top-listed Government Service in San Pedro?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Quezon Street
San Pedro
4023

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm