03/06/2026
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ซ๐จ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐๐ญ ๐๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐๐จ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐ซ๐ญ๐ข๐๐ข๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง
Ipinababatid na ang Processing at Issuance ng Voter Certification ay tuwing ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐:๐๐ ๐.๐ฆ. - ๐:๐๐ ๐ฉ.๐ฆ.
Maaaring kumuha ng Voter Certification sa:
1.) ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ na nakakasakop sa lungsod o bayan kung saan ka nagparehistro; o
2.) ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ข๐ง ๐๐๐๐ข๐๐ - ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฒ๐ป๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐ถ๐น๐ฒ ๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐ก๐๐๐), FEMII Building, extension Cabildo Street, Intramuros, Manila.
Ang Applications for Registration na natanggap ng COMELEC mula April 1, 2026 hanggang May 18, 2026 ay sumasailalim pa sa Election Registration Board (ERB) Hearing na nagsimula sa June 1, 2026.
Para sa mga naaprubahan na ang registration application, mangyaring makipag-ugnayan muna sa Election Officer ng iyong lungsod o bayan kung kailan maaaring makakuha ng Voter Certification.
๐ฃ๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐๐ฅ๐ ๐๐ง ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐จ๐๐ ๐ก๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ฅ๐ง๐๐๐๐๐๐ง๐๐ข๐ก.
03/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐๐
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.
Mariing pinag-iingat ang publiko sa mga nakakalitong pahayag sa social media kung matutuloy o hindi ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.
Para sa kaalaman at kapanatagan ng lahat, ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay isasagawa sa November 2, 2026, ayon sa Republic Act No. 12232.
Ang batas na ito ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos, Jr. noong August 13, 2025. Hindi na ito maituturing na โBreaking Newsโ tulad nang nakasaad sa social media post ng Asenso Ka Barangay page sa kanang bahagi.
PAALALA na ang pagpapalaganap ng maling impormasyon upang maging sanhi ng kalituhan ng mga botante ay maaaring ituring na Election Offense sa ilalim ng Section 261(z)(11) ng Omnibus Election Code.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐๐
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.
Mariing pinag-iingat ang publiko sa mga nakakalitong pahayag sa social media kung matutuloy o hindi ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon.
Para sa kaalaman at kapanatagan ng lahat, ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay isasagawa sa November 2, 2026, ayon sa Republic Act No. 12232.
Ang batas na ito ay pinirmahan ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos, Jr. noong August 13, 2025. Hindi na ito maituturing na โBreaking Newsโ tulad nang nakasaad sa social media post ng Asenso Ka Barangay page sa kanang bahagi.
PAALALA na ang pagpapalaganap ng maling impormasyon upang maging sanhi ng kalituhan ng mga botante ay maaaring ituring na Election Offense sa ilalim ng Section 261(z)(11) ng Omnibus Election Code.
03/06/2026
๐๐ข๐ ๐๐๐๐ ๐ญ๐๐ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฆ๐๐บ๐บ๐ถ๐: ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป, ๐๐ป๐ผ๐ฏ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป, ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ต๐๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ถ
Matagumpay na naisagawa ng Commission on Elections ang kauna-unahang Finance Summit noong 27โ29 Mayo 2026 sa Manila Hotel, City of Manila, na may temang "Empowering Financial Excellence Through Digitization and Open Governance," na dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng mula sa Main Office at ilang mga Field Offices sa buong bansa.
Binigyang-diin ni Chairman George Erwin M. Garcia sa kanyang Inspirational Message na ang tunay na layunin ng summit ay higit pa sa pagbabahagi ng mga bagong polisiya at kaalaman sa pananalapi. "Ang nakikita ko ay hindi kakulangan sa kaalaman kung ano ang dapat gawin, kundi kakulangan sa pag-unawa sa kakayahan at limitasyon ng isaโt isa."
Ayon kay Chairman Garcia, mahalaga ang mas malalim na pagkakaunawaan at pagtutulungan ng Main Office at Field Offices upang higit pang mapahusay ang mga proseso sa pananalapi at mapanatili ang mataas na antas ng integridad at pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng modernisasyon at digitalisasyon, ngunit ipinaalala na ang tagumpay ng anumang sistema ay nakasalalay pa rin sa mga taong nagpapatakbo nito. "Walang magiging matagumpay na digitalization kung walang maayos, mahusay, at dedikadong human resources. "
Kabilang sa mga tampok na talakayan ang paksang โBudget Cycle and Agencyโs Fiscal Strategy: Understanding Every Phase, Owning Every Roleโ na pinangunahan sa unang araw ni Hon. Dante B. De Chavez, Assistant Secretary ng Budget Preparation and Ex*****on Group ng Department of Budget and Management (DBM), na nagbigay linaw sa kahalagahan ng wastong pagpaplano, pagba-budget, at pagpapatupad ng mga programa upang matiyak ang mabisa at responsableng paggamit ng pondo ng bayan.
Sa ikalawang araw naman, tinalakay ni Atty. Meriel P. Castillo, Attorney IV ng Office of the Resident Auditor ng Commission on Audit (COA), ang โCommon Audit Findings Relative to Cash Disbursements of Disbursing Officers,โ kung saan binigyang-diin ang pagsunod sa mga umiiral na alituntunin at pinakamahuhusay na pamamaraan upang mapanatili ang transparency, accountability, at integridad sa mga transaksyong pinansyal ng COMELEC.
Sa loob ng tatlong araw na ito, tinalakay pa ng iba pang mga eksperto mula sa COMELEC Finance Services Department (FSD) at iba pang resource speakers ang mahahalagang paksa kaugnay ng disbursement processes, withholding taxes, audit findings, cash advances, remittances, internal controls, financial reporting, at mga inobasyon sa automation ng financial systems.
Sa pagtatapos ng summit, muling pinagtibay ng Komisyon ang pangako nitong isulong ang transparency, accountability, inclusivity, innovation at excellence sa pamamahala ng pondo ng bayan bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng mahusay, makabago, makabuluhan at tapat na serbisyo publiko para sa bawat Pilipino.
01/06/2026
The Commission on Elections Region VIII conducted the ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐๐ซ๐ (๐๐๐) ๐๐๐๐ซ๐ข๐ง๐ today, June 1, 2026, across all provinces of Eastern Visayas.
Each application was thoroughly reviewed to ensure compliance with election laws, safeguarding the integrity of the votersโ list.
Together, we move forward toward a transparent, inclusive, and credible 2026 BSKE.
30/05/2026
๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ๐: ๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป?
Ayon sa R.A. 8189, karapatan ng bawat mamamayan na maging transparent ang proseso ng pagpaparehistro. Narito ang mga mahahalagang detalye na dapat ninyong tandaan:
๐๏ธ ๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฅ๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด?
Mag-uumpisa ang unang araw ng ERB Hearing sa darating na June 1, 2026 (Lunes).
๐๐ฆ๐ฎ๐ฎ๐ป ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ธ๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ผ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฝ๐ฝ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ๐ป๐๐?
Ipapaskil ng mga Election Officers ang opisyal na listahan at schedule sa mga sumusunod na lugar:
โข Bulletin board ng Office of the Election Officer (OEO).
โข Bulletin board ng inyong City o Municipal Hall.
๐ฅ ๐ฆ๐ถ๐ป๐ผ-๐๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐ธ๐ผ๐ฝ๐๐ฎ?
Upang masiguro ang katapatan at transparency ng proseso, bukod sa pagpaskil sa bulletin boards, padadalhan din ng opisyal na kopya ang:
โข Mga miyembro ng ERB
โข Mga pinuno o kinatawan ng mga rehistradong partidong pulitika
โข Mga akreditadong grupo o organisasyon sa inyong lungsod o munisipalidad
โน๏ธ Patuloy na subaybayan ang mga susunod na kabanata ng ating ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ! Manatiling nakatutok sa ating page para sa mga susunod na anunsyo.
30/05/2026
๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ๐: ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฏ๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐น๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ผ๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐น๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป?
Matapos maipaskil ang listahan ng mga aplikante, dadaan naman ang inyong mga aplikasyon sa masusing pagsusuri ng ERB upang tiyaking kwalipikado ang bawat nagnanais bumoto.
Narito ang proseso at mga batayan sa pagsala ng mga aplikasyon:
๐ 1. Pagsusuri sa Kwalipikasyon (Age & Residency) Tinitiyak ng ERB na nakamit ng aplikante ang mga sumusunod na legal na pamantayan:
โข Para sa Sangguniang Kabataan (SK): 15 to 30 years old
โข Para sa Barangay: 18 years old and above
Residency: Nanirahan nang hindi bababa sa anim (6) na buwan sa barangay, at isang (1) taon sa Pilipinas bago ang araw ng halalan.
โ
2. Kailan Awtomatikong Naaprubahan ang Aplikasyon? Kung walang nakahaing oposisyon o pagtutol laban sa aplikante at kumpleto ang kanyang biometrics data, awtomatikong aaprubahan ng ERB ang aplikasyon.
โ 3. Kailan Nadi-disapprove ang Aplikasyon? Kung mapatunayang may paglabag sa batas (gaya ng kakulangan sa edad o residency), ang aplikasyon ay opisyal na madi-disapprove.
โน๏ธ Patuloy na subaybayan ang mga susunod na kabanata ng ating ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ! Manatiling nakatutok sa ating page para sa mga susunod na anunsyo.
30/05/2026
๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ: ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐๐จ๐ ๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐ฅ๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฅ ๐ฅ๐๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก?
Marami ang nagtatanong: "Nag-fill up na ako ng form at nakuhanan na ng biometrics, pero bakit may hearing pa?" Akala ng iba, for formality lang, pero napakahalaga ng hakbang na ito!
๐ก Ito ang mga Dapat Mong Tandaan:
โข ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ฎ๐ธ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป: Tungkulin ng ERB na tiyakin na tanging kwalipikadong aplikante lamang ang magiging rehistradong botante, at walang hindi kwalipikado o kulang sa kwalipikasyon, ang mapapabilang sa talaan ng mga botante sa inyong barangay.
โข ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐ฟ๐ถ ๐๐ฎ ๐๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป: Sa pamamagitan ng proseso ng approval o disapproval ng mga aplikasyon, sinisiguro ng ERB na ang lahat ng nagnanais maging botante ay tumutugon sa mga kwalipikasyon na itinatakda ng batas, tulad ng EDAD at SAPAT NA TAGAL NG PANINIRAHAN SA BARANGAY, upang makaboto sa November 2, 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Election.
โข ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐๐บ๐๐๐ผ๐น: Bukas sa publiko ang hearing upang maging transparent ang listahan. Dito binibigyan ng pagkakataon ang komunidad na makita ang mga bagong rehistro at diringgin kung may legal na reklamong inihain laban sa isang aplikasyon.
โ ๏ธ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐: Ang ERB Hearing ay hindi hadlang sa iyong pagboto. Ito ay proteksyon para sa iyong karapatan upang masiguradong "Isang Botante, Isang Boto" at hindi madungisan o madoble ang boses mo sa araw ng halalan!
โน๏ธ Patuloy na subaybayan ang mga susunod na kabanata ng ating ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ! Manatiling nakatutok sa ating page para sa mga susunod na anunsyo.
29/05/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐ ๐๐ฒ๐๐ซ๐ข๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก๐ฅ๐ฒ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ | ๐๐ ๐๐๐ฒ ๐๐๐๐