Tatak Arcilla

Directions Contact the organization

Tatak Arcilla Everyone has a purpose in life and a unique talent to give to others.

- Kap Arcilla

Ngayong araw ay pormal na isinagawa ang regular session ng ating Sangguniang Barangay, na pinangunahan ng ating Punong B...
29/10/2026

Ngayong araw ay pormal na isinagawa ang regular session ng ating Sangguniang Barangay, na pinangunahan ng ating Punong Barangay, Kapitan Michael R. Arcilla, kasama ang mga miyembro ng Barangay Council.

Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mahahalagang usapin at mga programa para sa patuloy na kaayusan, kaunlaran, at kapakanan ng bawat mamamayan ng Barangay Pembo.

Patuloy ang ating Barangay Council sa pagsusulong ng maayos, responsable, at tapat na paglilingkod para sa ikabubuti ng ating komunidad.

Kanina pong umaga, bumisita sa ating Barangay Pembo ang BEST Taguig, na buong pusong sinuportahan ng ating Punong Barang...
29/10/2026

Kanina pong umaga, bumisita sa ating Barangay Pembo ang BEST Taguig, na buong pusong sinuportahan ng ating Punong Barangay, Kapitan Michael Arcilla, kasama ang ating Committee Chairperson on Health and Sanitation na si Kagawad Lalaine E. Asidao.

Taos-puso po ang ating pasasalamat sa City Government of Taguig, sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano, kasama sina Vice Mayor Arvin Ian Alit, Congressman Ading Cruz, at ang buong City Council, sa patuloy na pagsuporta at paghahatid ng mga programa at serbisyong naglalayong mapabuti ang kapakanan ng ating mga mamamayan.

Patuloy po tayong magtulungan at magkaisa para sa mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na Barangay Pembo.

Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ang isang Clean-Up Drive na pinangunahan ng ating Punong Barangay, Hon. Michael R....
27/10/2026

Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ang isang Clean-Up Drive na pinangunahan ng ating Punong Barangay, Hon. Michael R. Arcilla, kasama si Kagawad Lalaine Asidao at ang ating mga masisipag na Clean and Green Warriors, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalinisan, kaayusan, at pangangalaga sa kapaligiran ng Barangay Pembo.

Taos-puso rin ang ating pasasalamat sa Committee on Peace and Order and Public Safety sa kanilang mahalagang pakikiisa at paggabay sa maayos na daloy ng trapiko habang isinasagawa ang nasabing aktibidad, upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista, pedestrian, at iba pang mamamayan.

Ang gawaing ito ay patunay ng kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa upang mapanatili ang isang malinis, ligtas, at maayos na pamayanan.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at patuloy na naglalaan ng oras at pagsisikap para sa ikabubuti ng ating barangay.

Noong nakaraang Sabado, matagumpay na isinagawa ang ating State of the Barangay Address (SOBA) na pinangunahan ng ating ...
27/10/2026

Noong nakaraang Sabado, matagumpay na isinagawa ang ating State of the Barangay Address (SOBA) na pinangunahan ng ating Punong Barangay, Hon. Michael R. Arcilla, bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng impormasyon sa ating mga ka-Barangay tungkol sa mga programa, proyekto, at mga serbisyong isinusulong para sa ikauunlad ng Barangay Pembo.

Taos-puso rin ang ating pasasalamat sa Committee on Education, Culture and Arts sa kanilang pakikiisa, suporta, at mahalagang kontribusyon upang maging maayos at matagumpay ang nasabing aktibidad.

Patuloy nating isinusulong ang bukas na komunikasyon, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Barangay Pembo.

Noong nakaraang araw, bumisita sa tanggapan ng ating Punong Barangay, Kapitan Arcilla, ang isang pamilya na nagmula sa p...
26/10/2026

Noong nakaraang araw, bumisita sa tanggapan ng ating Punong Barangay, Kapitan Arcilla, ang isang pamilya na nagmula sa probinsya upang magbigay-galang at magsagawa ng courtesy visit.

Malugod namang tinanggap ng ating Punong Barangay ang pagbisita ng pamilya bilang pagpapakita ng maayos na ugnayan, paggalang, at pakikipagkapwa-tao.

Patuloy na bukas ang tanggapan ng ating Punong Barangay sa pakikipag-ugnayan sa ating mga mamamayan at sa mga panauhing dumadalaw sa Barangay Pembo.

23/10/2026

3 points 👌

Noong nakaraang araw, pinangunahan ng ating Committee Chairperson on Peace and Order and Public Safety na si Kagawad Roi...
23/10/2026

Noong nakaraang araw, pinangunahan ng ating Committee Chairperson on Peace and Order and Public Safety na si Kagawad Roi Carillo, sa buong pusong suporta ng ating Punong Barangay na si Kapitan Michael R. Arcilla, ang pagsasagawa ng “Navigating Land Disputes and Obstructions on Public Lands.”

Layunin ng gawaing ito na matugunan ang mga usapin hinggil sa mga alitan sa lupa at mga sagabal sa mga pampublikong lugar, gayundin ang pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan, at maayos na paggamit ng mga pampublikong espasyo sa ating barangay.

Taos-puso po ang ating pasasalamat sa City Government of Taguig, sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano, kasama si Vice Mayor Arvin Ian Alit, Congressman Ading Cruz, ang buong City Council, at ang LLTMO, sa kanilang suporta at pakikiisa sa pagsusulong ng kaayusan at kaligtasan sa ating komunidad.

Patuloy po ang Barangay Pembo sa pakikipagtulungan sa mga kinauukulang tanggapan upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan para sa bawat Pembozen.

22/10/2026

BARDAGULAN SA COURT, 🫡

WALANG KAPITAN SA LARANGAN NG SPORTS KAHIT MASIKO O BANGGAIN KAMAN LAGING SPORTS LANG🏀

Address

Taguig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tatak Arcilla posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Tatak Arcilla:

Shortcuts

Share

Nearby government services