03/06/2026
Bilang pagdiriwang sa ika-128 na Araw ng Kalayaan, ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig ay maglulunsad ng 𝐈𝐧𝐝𝐞𝐩𝐞𝐧𝐝𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐃𝐚𝐲 𝐌𝐞𝐠𝐚 𝐉𝐨𝐛 𝐅𝐚𝐢𝐫.
Sa pangunguna ng Public Employment Service Office, katuwang ang Department of Labor and Employment, ang mga aplikante ay inaanyayahang dumalo sa gaganaping 𝟏𝟐𝟖𝐓𝐇 𝐈𝐍𝐃𝐄𝐏𝐄𝐍𝐃𝐄𝐍𝐂𝐄 𝐃𝐀𝐘 𝐌𝐄𝐆𝐀 𝐉𝐎𝐁 𝐅𝐀𝐈𝐑 sa darating na 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝘉𝘪𝘺𝘦𝘳𝘯𝘦𝘴), simula 𝟖:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚 hanggang 𝟑:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧 sa 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲, 𝐆𝐞𝐧. 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨𝐬 𝐀𝐯𝐞., 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐁𝐢𝐜𝐮𝐭𝐚𝐧, 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠. Upang mas mapaayos at mapabilis ang job application, magkakaroon ng 𝐂𝐔𝐓𝐎𝐅𝐅 sa pagtanggap ng mga aplikante sa ganap na 𝟏𝟐:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐇𝐀𝐋𝐈. Para mabigyan ng pagkakataon sa job interview, lahat ng aplikante ay 𝐡𝐢𝐧𝐢𝐡𝐢𝐤𝐚𝐲𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐚𝐠𝐚 sa gaganaping Mega Job Fair.
Bukod sa inanyayahang 𝐦𝐚𝐡𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐥𝐢𝐦𝐚𝐦𝐩𝐮𝐧𝐠 (𝟓𝟎) 𝐩𝐫𝐢𝐯𝐚𝐭𝐞 𝐞𝐦𝐩𝐥𝐨𝐲𝐞𝐫𝐬, magkakaroon din ng 𝐎𝐍𝐄-𝐒𝐓𝐎𝐏-𝐒𝐇𝐎𝐏 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞𝐬 na magbibigay-daan sa mga aplikante upang magkaroon ng access sa mga serbisyo ng 𝐁𝐈𝐑, 𝐒𝐒𝐒, 𝐏𝐒𝐀, 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀, 𝐎𝐖𝐖𝐀, 𝐏𝐚𝐠-𝐈𝐁𝐈𝐆 𝐅𝐮𝐧𝐝, 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡, 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐏𝐍𝐏, 𝐚𝐭 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 (𝘛𝘔𝘛𝘊).
𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀: Para sa mga aplikanteng lumahok sa isinagawang 𝐄𝐌𝐏𝐋𝐎𝐘𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐎𝐀𝐂𝐇𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍𝐒 mula 𝐌𝐚𝐲𝐨 𝟐𝟖 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔, mangyaring 𝐝𝐚𝐥𝐡𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐜𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞 sa gaganaping Independence Day Mega Job Fair at ipakita ito sa PESO staff na nasa registration area. Ang mga aplikanteng nagpunta sa Employment Coaching ay mauunang isalang sa Job Interview.
Para sa lahat ng aplikanteng dadalo, mangyaring magdala ng mga sumusunod:
(𝟏) printed copies ng resume
(𝟐) ballpen
(𝟑) tumbler
Pinaaalalahanan din ang lahat ng aplikante na 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐮𝐨𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠𝐤𝐨𝐩 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐬𝐮𝐨𝐭𝐚𝐧 para sa kanilang aplikasyon. Upang mapabilis ang proseso ng job application, lahat ay inaanyayahang magsagot ng pre-registration form. 𝐀𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐫𝐞𝐡𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐩𝐥𝐢𝐤𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐬𝐚 𝐆𝐨𝐨𝐠𝐥𝐞 𝐅𝐨𝐫𝐦 𝐚𝐲 𝐛𝐢𝐛𝐢𝐠𝐲𝐚𝐧 𝐝𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐚𝐲𝐨𝐫𝐢𝐝𝐚𝐝, 𝐤𝐚𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐩𝐥𝐢𝐤𝐚𝐧𝐭𝐞𝐧𝐠 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐄𝐦𝐩𝐥𝐨𝐲𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐠.
Para sa iyong pre-registration, i-click lamang ito:
https://forms.gle/DRYDwbBtF4a7kX5b7
o i-scan ang QR code gamit ang inyong phone camera at gawin ang mga sumusunod:
(𝟏) Sagutan ang online registration form gamit ang inyong personal email account.
(𝟐) I-click ang submit button, i-screenshot, at ipakita ang inyong response sa aming staff sa mismong event.
Maraming salamat sa patuloy na suporta at pagtangkilik sa mga programa ng ating Pamahalaang Lungsod ng Taguig.
03/06/2026
Maligayang kaarawan Admin Dra. Cecil Montales!
Nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pagbati at pasasalamat sa iyong dedikasyon bilang lingkod-bayan at bagong administrador ng Lungsod ng Taguig.
Nawa’y patuloy kang pagkalooban ng mabuting kalusugan, lakas, at inspirasyon upang magampanan ang iyong tungkulin nang may integridad at Tunay na May Malasakit sa nga Taguigeño. Hangad namin ang higit pang tagumpay sa iyong pamumuno at ang patuloy na pag-unlad ng ating lungsod sa ilalim ng iyong paggabay.
God bless Dra. Cecil!
03/06/2026
Nais kong ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat at pag suporta sa ating SP Alan Peter Cayetano sa kanyang patuloy na paglilingkod sa taong bayan.
Nandito kami upang suportahan kayo sa lahat ng inyong mga plano para sa komunidad at sa patas na pagtugon sa mga suliranin ng ating bansa, lalo na sa usapin ng 𝗙𝗹𝗼𝗼𝗱 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗿𝗼𝗹 𝗦𝗰𝗮𝗻𝗱𝗮𝗹 . Nawa’y magtagumpay po ang inyong pamumuno at pamamalakad para sa kapakanan ng bawat Pilipino at magpatuloy ang iyong Tapat at Tunay na May Malasakit na paglilingkod sa bayan.
Mabuhay po kayo at pagpalain nawa ang inyong mga gawain para sa bayan!
02/06/2026
Pagdiriwang ng Flag Raising Ceremony at Pagbubukas ng Espedilla Court
Nagpapasalamat po kami sa lahat ng dumalo sa isinagawang Flag Raising Ceremony at opisyal na pagbubukas ng Espedilla Court kahapon, kasama ang ating mga masisipag na Kagawad at mga espesyal na panauhin.
Isang karangalan po ang makasama ang mga kandidata ng Mutya ng South Signal 2026 at ang kasalukuyang title holder na si Ms. Sophia Ayeza Gorospe, at ang Mutya ng Taguig South Signal Representative na si Ms. Princila Keith Cuevas.
Taos-puso rin po naming binabati si Ms. Princila Keith Cuevas sa kanyang natatanging tagumpay bilang Best in Eco Fashion Runway at sa pagpasok sa Top 15 Finalists. Tunay na kahanga-hanga ang kanyang dedikasyon, galing, at husay na nagbigay ng karangalan sa ating komunidad.
Kasama din po natin ang Gintong Tinig Finalist na si Elvin Escultor ng Quirino Extension.
Maraming salamat sa inyong pagdalo at pakikiisa sa mahalagang okasyong ito. Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon at magtagumpay sa inyong mga susunod pang adhikain.
01/06/2026
📢📢 PUBLIC ANNOUNCEMENT 📢📢
Magandang araw po mga kabarangay!
Nagsisimula napo ang libreng bakuna ngayon at inaanyayahan po namin ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na may anak na edad 6 months hanggang 59 months na makiisa sa Malawakang Pagbabakuna ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA)
Layunin po ng programang ito na maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa tigdas (measles) at rubella.
📍 Catchment Areas ng Pagbabakunahan:
• Eagle Court
• Ayos Court
• Purok 15 Covered Court
📌 Mangyaring hintayin lamang po ang susunod na anunsyo patungkol sa iskedyul o araw na nakatalaga para sa bawat lugar.
👶 Para po ito sa lahat ng batang edad 6 months to 59 months.
💉 Libre, ligtas, at mahalagang proteksyon para sa kalusugan ng inyong mga anak.
📌 Hinihikayat po namin ang lahat na dalhin ang kanilang mga anak at vaccination card kung mayroon.
Makilahok po tayo para sa ligtas, malusog, at protektadong komunidad!
Maraming salamat po.
• June 1-3 and June 15 — Eagle Court (Ballecer Ext.)
Zone 1, 5, 7 and 8
Zone 1
Visayas st
Rodrigues
Luzon
Calliao
Espino
Ballecer
Horeshoe
Zone5
Tanyag
Pres Quirino
Pres Garcia
Abad
Espidilla
Pardinas
Pres Laurel
Espino
Macapagal
Friendship
Manalili
ML Quezon
Zone 7
Mayor Tanyag
P Laurel st
MlQuezon
Espino
Zone 8
Ballecer ext
Bonifacio
Tanyag
Gervacio
Palma
Del pilar
Aguinaldo
Ml Quezon
Espino
• June 4-5 — AYOS Covered Court
Zone 2, 3 and 4
Zone 2
Ballecer
Pc rd
Army rd
Airforce rd
Ballecer
Ranger
Quintar
Echanova
Cabasaan
Zone 3
Ranger
Airforce rd
Sto nino
Manggahan
Navy
Convergence
Frindship
Atis
Banaba
Camia
Daisy
Everlasting
Directo
Provedencia
Zone 4
Ilang ilang
Herbs
Gumamela
Famela
Everlasting
Daisy
Camia
Banaba
Atis
Friendship
Magsaysay
GhQ
Abad
Pardinas
Espedilla
• June 9-11 — Purok 15 Covered Court
Zone 6 and 7
Zone 6
Espidilla
Quirino ext
Herbs
Gumamela
Famela
Everlasting
Pres Garcia
Orchids
Maraming salamat po!!
31/05/2026
ANUNSYO: PAGKAKAROON NG ELECTRIC INTERRUPTION SA ILANG BAHAGI NG SOUTH SIGNAL
Magandang araw po sa lahat.
Nais naming ipabatid na kasalukuyang nakararanas ng pagkawala ng kuryente sa ilang piling lugar sa South Signal noong mga nakaraang linggo. Agad po kaming nagsagawa ng kaukulang aksyon at nakipag-ugnayan na sa Meralco upang maimbestigahan at maresolba ang nasabing problema sa lalong madaling panahon.
Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa habang inaayos pa ng Merlaco ang ibang lugar sa atin!
Patuloy po kaming magbibigay ng updates sa oras na makatanggap kami ng karagdagang impormasyon mula sa Meralco.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.
30/05/2026
Warmest congratulations to Ms. Princila Keith Cuevas for proudly representing our beloved Barangay South Signal and for winning the Best in Eco Fashion Runway Award, as well as being one of the Top 15 finalists.
We are proud of your achievement and the honor you have brought to our barangay.
Congratulations and best wishes for your continued success Princila Keith Cuevas!
30/05/2026
Congratulations, Princila Keith Cuevas, on making it to the Top 15!
Reaching this stage is no easy feat, and your hard work, dedication, and perseverance have truly paid off. We are incredibly proud of you and all that you have achieved. Wishing you continued success in all your future endeavors!
We are so proud of you!! Princila Keith Cuevas