03/06/2026
ATM. JUNE 3, 2026
Kasunod ng Kick-Off Ceremony ng Brigada Eskwela 2026, ipinamahagi rin ang pintura para sa mga paaralan sa Bayan ng Tanza bilang bahagi ng paghahanda sa pagbubukas ng klase. Gagamitin ito sa pagpapaganda at pagsasaayos ng mga paaralan.
Magsisimula rin bukas ang pagpipintura sa mga paaralan sa tulong ng 1,300 TUPAD beneficiaries na nakatakdang makiisa sa programa.
03/06/2026
ATM. JUNE 3, 2026
Pormal nang sinimulan ang Brigada Eskwela 2026 sa Bayan ng Tanza sa pamamagitan ng Kick-Off Ceremony na ginanap sa Tanza National Comprehensive High School, bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Pinangunahan ni Mayor Archangelo “SM” Matro ang aktibidad kasama sina Konsehal Derek Matro, Konsehal Alexis Dones, Konsehal Sheryl Lyn Langit-Gervacio, Konsehal Ryan Mintu, Municipal Administrator Luisito Dela Cruz, SKF President Patrick Bocalan, Konsi Kap. Anet Bocalan, at Kuya Karl Velasco.
Nakiisa rin ang mga g**o, magulang, mag-aaral, at iba’t ibang sektor ng Bayan sa layuning maging handa ang mga paaralan para sa School Year 2026–2027.
03/06/2026
Asahang makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may paminsan-minsang malalakas na buhos ang lalawigan ng Cavite, kabilang ang Bayan ng Tanza sa loob ng susunod na tatlong oras, base sa Heavy Rainfall Warning No. 3 na inilabas ng PAGASA ngayong alas-8:00 ng umaga.
Ayon sa PAGASA, dulot ito ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat na nakaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon. Pinapayuhan ni Mayor Archangelo “SM”Matro ang publiko na manatiling alerto, lalo na sa mga lugar na madaling bahain, at manatiling nakasubaybay sa mga susunod na abiso.
02/06/2026
ATM. JUNE 2, 2026
Nagtungo sa mga tahanan si Mayor Archangelo “SM” Matro upang ihatid ang cash incentives para sa mga octogenarian at nonagenarian senior citizens ng Brgy. Bagtas at Brgy. Paradahan 1.
Kasama sa paghahatid ng benepisyo sina Konsehal Alexis Dones, Konsehal Sheryl Lyn Langit-Gervacio, Konsehal Ryan Mintu, SKF President Patrick Bocalan, at Punong Barangay Boyet Mintu.
Sa pamamagitan ng house-to-house distribution, natitiyak na direktang naihahatid ang benepisyo sa mga senior citizen habang naipaparamdam sa kanila ang serbisyo at malasakit ng Pamahalaang Bayan ng Tanza.
02/06/2026
ATM. JUNE 2, 2026
Dumalo sina Konsehal Derek Matro at ABC President Orly Gozo, sa isinagawang National Nutrition Council CALABARZON meeting.
Bahagi ito ng pagpapatibay ng mga programa para sa nutrisyon at pagkakaroon ng maayos na kalusugan sa lokal na antas.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga inisyatiba at hakbang upang mapalakas ang implementasyon ng mga nutrition programs. Layunin din nitong masig**o ang maayos na koordinasyon ng lokal na pamahalaan at ahensya ng pamahalaan para sa epektibong pagtugon sa isyu ng nutrisyon.
02/06/2026
ATM. JUNE 2, 2026
Nanguna si Mayor Archangelo “SM” Matro sa pamamahagi ng allowance para sa mga senior citizen ng Brgy. Bagtas na ginanap sa Bellview Covered Court bilang bahagi ng programa ng Pamahalaang Bayan ng Tanza para sa kapakanan ng mga lolo at lola.
Kasama sina Konsehal Ryan Mintu, Konsehal Sheryl Lyn Langit-Gervacio, Konsehal Alexis Dones, Kap. Boyet Mintu, SKF President Patrick Bocalan, Kuya Karl Velasco, Konsi Kap. Anet Bocalan, at Angel Langit, personal na iniabot ang allowance sa mga benepisyaryo. Layunin ng programa na maiparating ang suporta ng lokal na pamahalaan at kilalanin ang mahalagang ambag ng mga senior citizen Bayan ng Tanza.
02/06/2026
ATM. JUNE 2, 2026
Naging sentro rin ng mga serbisyong pangkalusugan sa Bellview Covered Court sa Brgy. Bagtas ang Medical Mission at YAKAP Pre-Registration ng Pamahalaang Bayan ng Tanza.
Nakatanggap ng libreng konsultasyon at iba pang healthcare services ang mga Tanzeño habang isinagawa rin ang YAKAP pre-registration.
02/06/2026
ATM. JUNE 2, 2026
Inilunsad sa Brgy. Bagtas ang Botika on Wheels Bellview Covered Court kung saan nakatanggap ng libreng gamot ang mga residenteng nangangailangan nito.
Bahagi ito ng paghahatid ng medical services ng Pamahalaang Bayan ng Tanza, alinsunod sa direktiba ni Mayor Archangelo “SM” Matro. Sa pamamagitan ng programang ito, napapalapit sa bawat barangay ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan at agarang tulong para sa mga Tanzeño.
01/06/2026
Maghahatid ng libreng gamot ang Botika on Wheels para sa mga residente ng Brgy. Bagtas sa June 2, 2026, alas-9:00 ng umaga sa Bellview Covered Court.
Bahagi ito ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mailapit ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay at matulungan ang mga residenteng nangangailangan ng agarang suporta para sa kanilang kalusugan.
01/06/2026
Magkakaroon ng Medical Mission at YAKAP Pre-Registration para sa mga residente ng Brgy. Bagtas sa June 2, 2026, alas-9:00 ng umaga sa Bellview Covered Court.
Sa ilalim ng programa, maaaring magpatingin at makatanggap ng libreng serbisyong medikal ang mga residente habang isinasagawa rin ang YAKAP pre-registration upang mapalawak ang access ng mga mamamayan sa mga programang pangkalusugan.