29/10/2026
October 29,2026
Isinagawa ang Mass School-Based Deworming Activity upang mapanatili ang kalusugan at kalinisan ng mga mag-aaral at maiwasan ang mga sakit na dulot ng bulate sa tiyan.
Ang gawaing ito ay naglalayong mabawasan ang posibilidad ng parasitic worm infections sa mga bata, makatulong sa kanilang wastong nutrisyon, at masuportahan ang kanilang paglaki, pag-unlad, at pagkatuto sa paaralan.
Sa pangunguna ng mga guro,nurse,health workers, Barangay Health Workers (BHWs), at Barangay Nutrition Scholar (BNS), naisagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng paaralan at mga magulang. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng wastong paghuhugas ng kamay, paggamit ng malinis na palikuran, pag-inom ng malinis na tubig, at pagkain ng masustansiyang pagkain.