31/08/2026
𝗛𝗔𝗟𝗜𝗡𝗔’𝗧 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗣𝗔𝗚-𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧-𝗕𝗜𝗦𝗜𝗚! 🤝
Malimit man sa ating kaalaman ang lawak ng pinsalang dulot ng patuloy na pag-ulan at Habagat (Southwest Monsoon), hindi maikakaila ang matinding epekto nito sa ating mga kababayan, lalo na sa mga pamilyang nawalan ng kabuhayan, tirahan, at pangunahing pangangailangan.
Sa panahong higit na kinakailangan ang pagkakaisa at malasakit, hinihiling po namin ang inyong suporta sa pamamagitan ng 𝗽𝗮𝗴-𝗹𝗶𝗸𝗲 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴-𝘀𝗵𝗮𝗿𝗲 𝗻𝗴 𝗼𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗲 𝗻𝗴 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧-𝗕𝗜𝗦𝗜𝗚, isang youth-led organization na naglalayong maghatid ng tulong, pag-asa, at serbisyo sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan.
Pinangungunahan ito ng isang masigasig at dedikadong student leader, 𝗞𝘆𝗹𝗹𝗲 𝗕𝗮𝘂𝘁𝗶𝘀𝘁𝗮, bilang President, kasama ang ating Sangguniang Kabataan Secretary na si Gian Lorrenz Mariano bilang Vice President for External Affairs and Communications. Sa pamamagitan ng kanilang pamumuno at sama-samang pagkilos ng mga kabataan, 𝗹𝗮𝘆𝘂𝗻𝗶𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧-𝗕𝗜𝗦𝗜𝗚 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗸𝗼𝗺 𝗻𝗴 𝗽𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗶𝗽𝗮𝗮𝗯𝗼𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗯𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗸𝘂𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗺𝗶𝗱𝗮𝗱.
Isang simpleng like at share ay maaaring maging simula ng mas malaking tulong. Sama-sama nating ipakita na sa oras ng pangangailangan, may kabataang handang tumindig, kumilos, at makipag-kapit-bisig para sa kapwa.
𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼, 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼. 🇵🇭🤝
📎 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗣𝗮𝗴𝗲 :
https://www.facebook.com/share/196VzcFNPu/
📎 𝗙𝗼𝗿 𝗠𝗼𝗻𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗗𝗼𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 :
https://www.facebook.com/share/p/1EW7ZMHWFY/